Chapter 17

984 11 0
                                    

Alice's POV.

Bagsak ang balikat kong nakarating sa bahay.

Nagdadalawang isip ako habang nakatayo sa aming gate.

Papasok ba ako? Paano ko kaya to sasabibin kay mama?

Ipinahid ko muna ang takas kong luha bago buksan ang gate.

"MA!, PA!", binuksan ko ang pinto ngunit nagulat ako ng makitang umiiyak si mama habang si papa naman ay problemadong nakatayo. "A-Anong nangyayare?"

"I-Ibinenta ang jeep.", sagot ni mama.

Dahan-dahan akong umupo sa kanyang tabi. "Bakit?"

Malalim ang hiningang pinakawalan niya. "Kailangan kasi, anak. Kukunin sa atin ang bahay pati ang lupa kapag di tayo nakabayad."

Nakita ko kung paano umiling si papa.

"Pero ma, bakit kailangang ibenta ang jeep?", tanong ko.

Pinahid ni mama ang luha niya tsaka tumingin sa akin. "Kailangan kasi, anak. Tsaka makakahanap din si papa mo ng trabaho... di ba Darling?", ngumiti si papa tsaka tumango.

Ngiting pilit iyon.

Tsk, paano ko sasabihin ang nangyare sa school kung ganito ang dadatnan ko sa aking pag-uwi?

Tumayo si mama tsaka yumakap kay papa. "Magluluto muna ako hah."

Pagkapasok ko sa kwarto ay itinapon ko kaagad ang bag ko sa aking kama at tsaka humiga doon.

Kasalukuyan akong nakatingin sa kisame.

Nasa section two na ako. I am no longer on special section. Paano na ang pinapangarap ni mama?

"Aaahhh!~", gumulong-gulong ako. "Alice", haayts.

Tumunog bigla ang phone ko.

Unknown number...

Sinagot ko iyon.

"Hello?"

[Kamusta, Alice? Kamusta ang jeep niyo?]

Boses ng lalake ang nasa telepono. Sino kaya 'to?

"Sino 'to?"

Tumawa pa to. [I am your greatest nightmare, ija.]

Kung di ako nagkakamali...

"Mr. Delafuente."

[There you are. Now, alam mo na kung sino ang kinakalaban mo.]

Hindi dapat ako nakakaramdam ng galit. Pero nadamay ang pamilya ko... naiinis ako. Gigil na gigil ako. Bakit pamilya ko pa?

[Nag-uumpisa palang ako, ija. Kaya maghanda ka na.], napaupo ako ng dis oras.

"Ano ba'ng kailangan mo?", nawawalan na ko ng respeto sa lalaking 'to.

[Layuan mo ang anak ko habang mas maaga pa.]

Huminga ako ng malalim, inuubos na talaga ng matandang to ang pasensya ko.

"Well, hindi ko po iyon gagawin.", agad kong ibinaba ang tawag.

So all this time siya lang naman pala ang puno't dulo. Mula kaninang umaga hanggang sa bahay ni hindi ako tinatantanan. Pati pamilya ko dinadamay.

Kung isusuko ko na rin pati ang pagmamahal ko pwes talo na ko nun.

Isinubsob ko ang mukha ko sa aking unan.

We've Been Once inlove (Young Hearts Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon