Chapter 12

1.2K 16 1
                                    

Alice's POV.

Lumabas kami ni Rafael sa clinic ng may parehong may Wire gauze.

Mabilis naman na lumapit sa akin ang mga kaibigan ko.

"Alice, kamusta na ang braso mo?"

"May masakit pa ba sayo?"

"Ano sa Hospital ba ang abot mo?"

Sunod sunod ang tanong sa akin nila. Napako ang tingin ni Cleopatra kay Rafael at nakatingin ito sa kaliwang braso niya.

"Oh eh kani-kanina lang wala akong makitang galos sa braso niya pero ba't ganun?", tumingin ito sa akin. "Huwag mong sabihing nagkamali ang nurse sa kung sinong gagamutin?", binatukan ni Blyss si Cleo.

Napahawak ako sa aking braso sa kung saan may sugat. "Ano ba naman kayo...", napaangat ang kani-kanilang kilay.        "K-kagat ko iyan.", napahiya ako sa nangyare kanina.

Napatakip sa bibig si Twilight. "So buong gamutan... nagkagat session lang kayo?", napangiwi ako.

Teka... paano ko ba i-e-explain? 

"Ganito kasi iyan--"

"Inutusan ko siyang kagatin ang kaliwang braso ko para maibsan man lang ang sakit sa ginawa ng nurse.", pagpapaliwanag ni Rafael.

Napanganga ang mga kaibigan ko. Pati rin ako eh, bakit ko ba ginawa ang utos niyang kagatin ko siya? Eh ayan tuloy ako pa ang magmumukhang kriminal sa nangyare sa braso niya.

"Waah ang sweet.", tili ni Chase. "Sabi ko naman sayo Alice eh. Yiiieee inlove ka na no. Yiiieee--aray!", binatukan ko siya gamit ang kanang kamay ko.

Naku kung okay lang sana ang kaliwang kamay ko, juice ko kanina ko pa to pinutulan ng dila.

"Paanong naging sweet yan hah? Sweet yung kinagat ka? Duh masakit kaya yun.", saad ni Twilight tsaka kami tinalikuran.

Hala! Ba't ang badtrip nun?

"Hala! baka dinalaw ng Red Tide!", natawa kaming lahat kaya napatingin si Twilight--tingin na naiinis.

Naalala ko pa nun nung dumating ako sa puntong dumating ang period ko. Wala akong--

"Pero unfairness Rafael! Napakilig mo ko nun ah. Sabihin mo na kasi.", pangungulit pa ni Blyss habang nasa hallway kami. "Mahal mo na si, Alice no?"

Nanlaki ang mga mata ko! Omo!

"Anong pinagsasabi mo Blyss? Anong mahal mahal?", mas lalo kong binilisan ang paglalakad. Ayaw kong marinig ang mga panunukso nila Blyss, masyado malaswa.

Tinalikuran ko na sila. Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad. May subject pakong hahabulin.

"Hoy, Alice!! Hintayin mo nga kami!"

---

Nakahinga ako ng maluwag nang makarating kami sa room. Kasi naman, walang Ma'am Lozada ang sumalubong sa'min.

Hindi ko na nilingon ang mga kasama ko sa halip ay pumasok ako sa room. Agad naman akong pinagtitingnan ng mga kaklase ko. Ang iba ay nagtataka kung bakit ako may Wire Gauze. Yung iba naman pinagbulungan ako. Pero hindi ko sila pinansin...

We've Been Once inlove (Young Hearts Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon