"Hello sino 'to?""Hindi na mahalaga pa iyon. Makinig ka sa sasabihin ko. Nasa akin ang anak mo babae."
"Hindi ako naniniwala sayo."
"Bago ka magsalita. Pakinggan mo ito."
Nawala sa kabilang linya ang boses ng lalaki.
"Hello!?
"D-daddy."
Umiiyak na sabi ni Nessa.
"Ness? Is that you?
Nabosesan ni Mr. Leonardo ang bunsong niyang anak.
"Narinig mo ba ang boses ng anak mo Mr. Leonard Sy."
"Hayop ka bakit nasa iyo ang anak ko?"
"Simple lang. Nagkataon na nakita namin ang anak mo sa Mall at walang nagawa ang dalawang bodyguard na kasama niya."
"Ibalik mo ang anak ko!"
"No way! Ibigay no muna ang mga papeles ni Mr. Albert Go."
"Hon! Anong nangyayari?"
Tanong ni Mrs. Vanessa Sy.
"At ikaw lang mag-isa ang magdadala ng mga papeles itetext ko sayo kung saan mo ito dadalhin. Huwag na Huwag kang magsusumbong."
"Sige bibigay ko. Huwag mo lang sasaktan ang anak ko."
"Siguraduhin mo lang na tutupad ka sa kasunduan kung hindi ide-deliver ko sa Mansion ninyo ang putol na daliri ng anak mo."
Pagkatapos kausapin ang mga kumidnap kay Nessa. Agad na inutosan ni Mr. Leonard ang mga tauhan na hanapin kung nasaan ang kanyang anak.
"Diyos ko. Bakit ang anak ko pa?"
Naiiyak na sabi ni Mrs. Vanessa Sy.
"Hush.. Honey! Everything will be all right."
Sabay yakap sa asawa.
"Kumikilos na ang mga tauhan natin. Inaalam nila kung nasaan si Ness dinala ng mga hayop na 'yon."
"Paano kung hindi nila matagpuan ang anak ko. Ang anak natin?"
"Vanessa just calm down. Malulutas din ito. Magdasal na lang tayo na nasa maayos ang anak natin."
"Siya nga naman Mommy. Mapahinga ka muna. Kami na bahala ni Daddy dito. Mahahanap din natin si Bunso.
Sabi ni Darren ang panganay na anak nila.
"Hindi!!! Ang anak ko ibalik ninyo ang anak ko!"
Histerical na si Vanessa. At tinusukan ng pampakalma.
"Dad! Ano plano mo?"
"Ako na bahala Darren. Gusto nilang ako lang mag-isa ang magdadala ng mga papeles."
"Pero Dad--"
"Dito ka lang Darren bantayan mo ang Mommy mo. Hihintayin ko lang ang text ng mga kidnaper para malaman ko kung saan dadalhin."
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
Ayan salamat sa comment niyo na TITLE @rdzlie and @youaremybaby09 thank u.
Comment pa...
Comment sa may naisip...Next year ko pa ito sisimulan.
BINABASA MO ANG
HE FOUND HER
RomanceIsang babae na ipinahanap. Isang lalaking ang nakakita. Isang babae at isang lalaking pinagtagpo ng tadhana. Maging sila kaya hanggang sa huli? Jan282019