15❤️

58 4 1
                                    


"Hija....?"

Dahan-dahan niyang itinaas ng dalaga ang ulo. Napatingin siya sa mukha at mga mata ng mama ni Will.

"M-masakit ho ang nangyari sa akin. K-kahit sino ay makakadama ng galit, pagkapoot kung---"

"I understand you. Hija. Pero kung hindi mo lalabanan ang nararamdaman mo. Sino ba ang magiging talo? Hindi ba't ikaw din?"

"H-hindi ko ho alam ang gagawin ko?"

Maiiyak na sabi ng dalaga.

Si Willard nasa pinto nakatingin at nakikinig sa kanyang ina at sa dalaga. Biglang tumintig ang kung ano sa dibdib ng binata ng pagkatitig niya sa mata ng dalaga parang pamilyar ang mga mata nito sa kanya.

" Ang una mong gawin. Ipanatag mo ang loob mo dito sa bahay na ito. Huwag kang mag-alala kapag magaling na magaling ka na ay tutulungan ka namin ng anak kong si Willard. Okay."

Hindi napigilan ang pagluha ni Vaness  tuluyan na siyang naiyak. Niyakap naman ni Wilma ang dalaga. Napabugtong-hininga naman na umalis si Willard mula sa pinto kanina.

Pagkaalis ng mama ni Willard. Inip na inip naman si Nessa sa kanyang kwarto. Pero pilit pa rin niyang nililibang ang kanyang sarili sa panood ng TV na inilagay ni Willard sa kanyang kwarto.

Ano kaya ginagawa nila Papa, Mama at Kuya ngayon? Hinahanap kaya nila ako? Pero paano ako makakabalik kung panget na ako. Maniniwala ba sila na ako si Vaness Sy na anak nila?

Natigil ang pag-iisip ni Nessa nang marinig niya ang tawanan na parang malapit lang sa pinto ng kanyang kwarto.

S-si Miss Teng?! Sino kaya ang kausap ng bruha at parang kinakaliti kung makatawa.

Dahan-dahan siyang bumaba sa kanyang kama at lumakad papunta sa pinto upang silipin kung sino ang taong na nasa labas.

Oh..

Lihim siyang umirap nang makita niya si Miss Teng at Willard na parehong pababa ng hagdan. Magkasabay itong pababa at masayang nag-uusap.

Ang bruhang nurse na iyon napakalandi!!

Naiinis na bumalik si Nessa sa kanyang kama at isinubsob ang mukha sa unan.

Kinabukasan....

"Alam mo Hija maganda sa katawan ang maarawan ka."

Nakangiting sabi ni Wilma ang mama ni Willard kay Nessa. Habang nag-iispray ng mga bulaklak na tanim nito.

"Tama po kayo!"

Sabi naman ng dalaga habang nakapikit upang langhapin ang simoy ng hangin sa umaga.

6:00 am palang ng katukin na siya ni Wilma sa kanyang kwarto at niyayang mag-almusal sa Garden. Nang matapos naman mag-almusal ay mga tanim naman ni Wilma ang hinarap nito. Si Nessa naman ay patingin-tingin sa paligid.

"Ilang araw na lang at siguradong babalik na ang dati mong lakas. Sana lang ay lagi mo akong sasamahan sa pagdidilig ng mga tanim ko."

Napatingin si Nessa kay Wilma.
Naramdaman naman ng Mama ni Willard na may nakatingin kaya lumingon ito.

" May dumi ba ako sa mukha Hija? "

Nakangiting tanong ni Wilma sa dalaga.

" Wala po. "

Umiiling na sagot ng dalaga saka iwas ng tingin dito.

" Bakit mo ako pinagmasmasdan."

Tanong muli ni Wilma sa dalaga. Matagal na hindi nakakibo ang dalaga.

❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

Chapter 15 guys enjoy.......

Don't forget to VOTE

Don't forget to Comment about sa Chapter.

And FOLLOW ninyo na din ako kung gusto niyo lang naman

XIEXIE NI..

HE FOUND HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon