"Hello?""Will?"
"Dylan? Napatawag ka?"
"Yung babae dinala mo dito nawawala."
"Ha?? Paanong nawawala."
"Kanina kase oras na niya ang pag-inom ng gamot pagpasok ng nurse wala daw yung babae sa kwarto. Hinanap na namin sa buong hospital pero hindi namin makita."
"Damn! Hindi ba alam ng babaeng iyon na delikado pa ang kanyang kalagayan dahil mahina pa siya. At isa hindi natin alam baka nasa panganib pa ang buhay niya."
"Baka naman may dahilan siya kaya niya ginawa ang umalis dito. Baka bumalik na siya sa pamilya niya. Ipapahanap ba natin o hahayaan na lang natin ang gusto niya?"
Ano nga naman ang pakialam nila sa babaeng iyon? Sobrang tigas ng ulo.
"Ipahanap mo siya. Tumawag ka ng mga pulis para madali ninyong makita. Siguro naman hindi pa nakakalayo. Anyway papunta na din ako dyan."
"Sige! Ingat brad!"
Nawala na sa kabilang linya si Doc. Dylan.
Damn that woman. Anong klaseng babae ba siya at ano ba ang kanyang pagkatao.
~*~
WALANG tigil ang lakad ni Nessa kahit iika-ika siya. Masakit pa ang binti niyang inalisan niya ng plaster cast at halos hilahin na din niya ang binti niya.
Kung saan siya pupunta hindi niya alam. Ang gusto lang niya makalayo sa hospital na iyon. Lalong lalo na sa mga taong nadidiri sa mukha niya.
Pagod na pagod na siya at nanghihina na pero hindi pa rin siya humihinto sa paglakad.
Paliko na siya ng may kotseng paparating na muntik na siyang masagasaan.
"Miss!"
Pababa na ng kotse ang driver nito.
"Ano ka ba? Bakit ka umalis sa hospital?"
Takot na takot ang makikita sa reaksiyon ni Nessa"Ang sabi ko bakit ka umalis sa hospital?"
Tanong ulit ni Willard dahil hindi sumasagot ang dalaga.
"Huwag!!"
Lalapitan at hahawakan na sana ito ni Willard pero tinabig ni Nessa ang kamay niya at tumakbo kahit masakit ang mga paa.
"Miss!
Hinabol naman ito ni Willard.
At dahil nanghihina pa. Unti-unting bumabagal ang pagtakbo ni Nessa kaya naabutan din siya ng binata.
"Miss!"
Bago pa mawalan ng malay si Nessa ay nasalo na siya ni Willard.
"Oh damn! Miss?! Miss?!"
Agad naman binugat ni Willard ang dalaga papunta sa kotse at isinakay ito.
Damn this woman! Ano akala niya sa katawan niya bakal.
Nagising na lang si Nessa sa nakakasilaw na liwanag ng arawna pumapasok sa bintana ng kwarto kung siya naroroon.
Babangonna sana si Nessa ng makita niya ang paligid.
"Saan ba ako naroroon?"
Tanong ng dalaga sa kanyang sarili.
Ang kulay blue kurtina na hinahangin mula sa bintana. Ang kama at punda ng unan na kinahihigaan niya ngayon. Maging ang mga kagamitan sa paligid ay kulay blue. Cream naman ang kulay ng dingding at kisame. Halatang lalaki ang may ari ng kwartong ito.
Si Willard... Ang kaibigan ni Kuya Darren siya ang natatandaan kong humahabol sa akin kagabi.
Bigla siyang napaupo sa kama dahil sa naalala. Pero bumalik din sa pagkakahiga ng kumirot ang mga sugat niya.
"Awts!"
"Oh!! Mabuti at gising ka na."
Si Willard kapapasok pa lang at may dalang umuusok pa na pagkain.
❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️
SANA GUYS MAGUSTUHAN NIYO ANG ISTORYA NA ITO.
DON'T FORGET TO VOTE... THANKS 😘😘😘
Heart_NC
BINABASA MO ANG
HE FOUND HER
RomanceIsang babae na ipinahanap. Isang lalaking ang nakakita. Isang babae at isang lalaking pinagtagpo ng tadhana. Maging sila kaya hanggang sa huli? Jan282019