MABILIS ang pagpapatakbo ni Mr. Sy sa pajero. Habang ang mga tauhan naman niya ay naiwan.
"Leonardo, saan ba tayo pupunta?"
Tanong ni Mr. Alberto Go kay Mr. Sy."Kung saan nababagay ang isang katulad mo?"
"L-leonardo---"
"Tumahimik ka."
Sinuntok niya ito sapul sa mukhang. Tulog na napasandal sa upuan si Mr. GoNagpatuloy sa pagtakbo sa kalsada ang pajero. Alam niyang malapit na sumabog ang bomba na nakakabit sa pajero.
"Vaness anak makinig ka pagdating sa kanto sabay tayo tatalon okay naiintindihan mo."
"Bakit? Daddy."
"Walang preno ang sasakyan na ito at may nakakabit pang bomba malapit na itong sumabog. Basta pagbilang kong tatlo talon."
Tumango si Ness sa ama. Kaya pagdating sa kanto.
"Isa.. Dalawa.. Tatlo talon anak."
Sigaw ni Leonardo.Nagkatalon na si Mr. Go. pero si Ness ay hindi pa dahil ayaw bumukas ng pinto sa side niya.
10...
9...
8...
Bilang ng Bomba
7...
6...
5...
4..
3..
Bumukas ang pinto at tumalon siya.Kasunod non ang malakas na pagsabog.
********
"Marami siyang sugat pero ligtas na siya. Naalis ko na ang mga shrapnel na tumusok sa kanya. Ang kanyang binti na nakaplastercast ay mga 1month pa bago alisin."
Tiningnan ni Willard ang babaeng nakahiga sa clinic ng kaibigang si Dylan.
"Are you sure hindi na natin siya kailangan dalhin sa hospital sa Manila? Bakit hindi pa siya nagkakamalay?"
"I think hindi na Will. Matagumpay naman natin siya nasalinan ng dugo mula sayo. Kaya ang mga sugat na lang ang pagagalingin natin. Kaya wala pa siyang malay ay dahil sa isinaksak kong pampamanhid at pampatulog habang sumasailalim sa operasyon. At kagaya nga ng mga sinabi mo mahirap ilantad ang mga taong biktima ng kanyang klaseng karahasan base na din sa mga experience mo hindi ba?"
"Yeah!! Hindi natin siya kilala, hindi din natin alam kung saan nagmula. Baka kasi kapag nilantad natin siya ngayon, hindi natin malalaman kung sino ang mga kalaban at kakampi sa mga lalapit sa kanya."
"Pero Brad. Hindi ka kaya napaparanoid lang."
"Dylan---"
"Alam ko. Alam ko pinapagana mo ngayon ang utak-detective mo. Baka kako---"
"Dylan,, Nang makita ko siyang nakadapa sa kalsada at duguan ay malay pa siya. Nasabi pa niya ang mga salitang tulong may humahabol sa kanya. Pagkatapos niyon ay nawalan na siya ng malay. Sa palagay mo ba napaparanoid lang ako?"
"Sabagay hindi na siguro. Sana mga pala okay lang ba talaga sayo na ikaw ang magbantay dito? May nurse naman na---"
"No,, I'm okay. Isa pa wala naman along gagawin sa bahay."
"Okay! Ikaw ang bahala. Kapag may emergency ay tawag ka lang sa bahay."
"Okay. Nga pala ano magiging itsura niya kapag inalis na ang benda sa kanyang mukhang?"
Hindi nakakibo si Dylan.
"Dylan?"
Bumuntong-hininga si Dr. Dylan.
"I'm afraid. Maraming shrapnel ang tumama sa kanyang mukhang at lapnos pa ito. Himala nga at walang tumama sa kanyang mga mata."
"God!!"
Hindi makapaniwala si Willard sa narinig mula sa kaibigang doktor na si Dylan.
BINABASA MO ANG
HE FOUND HER
RomanceIsang babae na ipinahanap. Isang lalaking ang nakakita. Isang babae at isang lalaking pinagtagpo ng tadhana. Maging sila kaya hanggang sa huli? Jan282019