"Miss...?"Dahan-dahang idinilat ng dalaga ang kanyang mga mata.
"Bakit?"
Pagalit na tanong ni Ness at nagtama ang mga mata nila.
Kailangan niyang gawin iyon para mawala ang kanyang kaba.
"I have to go. Marami pa kase akong aasikasuhin sa bahay. Anyway may ipapakiusap sana ako sayo."
"Ano naman 'yon?"
Umayos ng upo ang dalaga at pinagmasdan ang gwapong mukha ni Will.
Ayaw man niya dahil sa kalagayan niya ngayon ay inaamin niya sa sarili. Nakakaramdam pa rin siya ng paghanga at malakas pa rin ang tibok ng kanyang puso. Katulad ng naramdaman niya noong makita ito sa kanilang mansion kasama ng kapatid.
"Pwede bang makipag-cooperate ka naman sa mga nurses at doktor mo. Ang ipinapainom naman nilang gamot sayo ay para rin naman sa ikabubuti mo."
Hindi nakakibo ang dalaga.
"Pwede ba?"
At biglang hinawakan ni Will ang kamay ni Ness.
"Ha?"
Sabi ng dalaga at biglang bawi ng kamay na hinawakan ng binata.
Nagulat din si Will kung bakit niya hinawakan ang kamay ng dalaga.
"I'm sorry."
Napatayo tuloy si Will mula sa gilid ng kama.
Walang kibo naman si Ness.
"Y-yung bilin ko ba mapagbibigyan mo?"
Tanong ni Will.
Nanatiling lang na tahimik si Ness.
Napailing at Napa bunting shining na lamang si Will at humakbang na palabas ng room na iyon.
Hindi man tumango si Ness sa kahilingan ni Will. Nang pumasok naman ang nurse sa kanyang solid upang kuhanan siya ng BP ay hindi na siya nagwala na kagaya kagabi. Hindi na din niya tinatanggihan ang mga gamot na ipinainom sa kanya.
"Hay...salamat."
Sabi ng nurse matapos niyang inumin ang gamot na binigay sa kanya.
Pairap na isinauli ni Ness ang basong walang laman sa nurse at nahiga na ng patalikod mula sa kama.
~*~
PAGKARAAN ng 3 linggo... dahan-dahan na inaalis ang benda sa mukha ni Ness. Unti-unti na nakikita ang kanyang mukha.
Kagat-labi at humigpit ang hawak ng dalaga sa salamin na pilot niyang hiningi sa doktor.
Nakatayo sa may paanan ng kama si Will at pigil ang paghinga sa makikita nito.
Hanggang tuluyan na malantad ang mukha ni Nessa ng malaglag ang kahuli-hulihang bends na nakapulupot sa kanyang ulo.
"Diyos ko po!"
Biglang sabi ng isang nurse. Ang isa pang nurse na katabi nito ay nagulat din at parang hindi makapaniwala sa nakita.
"A-anong itsura ko?"
***********************
BINABASA MO ANG
HE FOUND HER
RomanceIsang babae na ipinahanap. Isang lalaking ang nakakita. Isang babae at isang lalaking pinagtagpo ng tadhana. Maging sila kaya hanggang sa huli? Jan282019