12❤️

56 1 0
                                    


"Nasaan ako?"

Tanong kaagad ni Nessa sa binata.

"Nandito ka sa bahay ko."

Sagot ng binata habang binababa sa lamesa ang tray na dala.

"Kumain ka na."

Lumapit ito sa gilid ng kama kung saan nakaupo si Nessa at naupo si Willard sa gilid nito.

"Teka lang. Sino nagbihis sa akin?"

Napansin niya kasi parang iba na ang suot niya damit hindi na yung hospital gown.

"Ako."

Mabilis na sagot ni Willard.

"I-ikaw. Bakit ikaw?"

"Tulog na tulog na ang mga katulong dito kagabi. Ang mama ko naman ay nasa Manila kasama si Papa. Sino ang ini-expect mo na magbibihis sayo?"

Napalunok si Nessa. Sa isip niya wala pang nakakakita ng hubad niya katawan.

"How dare you? Anong ginawa mo sa katawan ko?"

"Ginawa? Ano naman sa tingin mo ginawa ko sa katawan mo?"

Tiningnan ni Willard si Nessa.

Wala naman sinasabi si Willard pero sa paraan ng pagtingin niya sa mukha ni Nessa parang sinasabi nito na. Ano nga naman ang gagawin niya sa katawan ng isang babaeng may pangit na mukha.

"Ayoko dito. Ibalik mo na lang ako sa hospital!"

Biglang sigaw ng dalaga.

"Para ano? Para tumakas ka ulit? Para takasan ulit ang mga bantay mo?"

"H-hindi na ako----"

"Dito ka lang! Pwede ko naman papuntahin ang kaibigan kong doctor at magpapadala na din ako ng mga nurse dito. At least dito bago ka makatakas dadaan ka muna sa mga matataas na pader na bakod."

"Bakit ba pinakikialaman mo ako? Ano ba mapapala mo sa akin?"

Angal ni Nessa.

"Wala. Besides,,totoo nakakaabala ka say buhay ko. Katulad kagabi ang sarap sarap ng tulog ko pero napilitan akong puntahan ka para hanapin. Nakita mo na hinimatay ka sa gitna ng kalsada at umuulan pa."

"Hindi kailangan ng tulong ng kahit na Sino. Sana ay hinayaan mo na lang ako mamatay doon."

Ngumisi si Willard.

"Fine. Pero gusto ko din na malaman mo na sa bahay na ito ako ang masusunod. Kaya sa ayaw mo man o sa gusto kakain ka!"

Hindi na nakakibo si Nessa.

"Kakain ka ba o gusto mo pa subuan pa kita?

Pagbabanta sa boses ni Willard.

"Kakain na."

Pagsuko ni Nessa.

"Good!"

Nakangiting sabi ng binata.

" Iiwanan muna kita. Pagbalik ko gusto ko ubos na ang pagkain sa tray mo. Anytime ay darating na dito si Dylan at ang nurse na itinalaga ko para sayo. Mamaya huwag na huwag kang magwawala kung ayaw mong itali kita sa kama. Sige na kumain ka na at lalabas na muna ako."

Pagkalabas ni Willard siya naman mura ni Nessa.

"Damn you.."

Pero kumain pa din siya dahil mukha masarap ang mga pagkain na nakalagay sa tray na iyon.










HE FOUND HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon