"M-Ma.. I'm all right. Masakit man ang mga sugat ko. Don't worry kaya ko pang tiisin."
Sabi ng binata kahit nahihirapan pang magsalita.
"Kayo po ang magpahinga at mukhang wala pa kayong tulog sa pag-aalala sa akin."
Pinisil ng binata ang palad ng ina.
"At bakit hindi ako mag-aalala. Kagabi ka pa walang malay at walang kasiguraduhan kung magkakamalay ka pa."
Dahan-dahan hinahaplos ni Wilma ang buhok ng anak.
"T-thanks Ma. But I'm all right now. Si Nessa nga pala Ma. Nasaan?"
Nagkatingin ang mag-asawa alam na kasi nila na wala na sa bahay si Nessa.
"Halika hija. Pasok ka."
Buhat sa pinto ay pumasok si Karina.
"Karina?!"
Gulat na sabi ng binata ang akala niya kasi si Nessa ang makikita niya pero hindi.
"Willard kung may kailangan ka sa kanya mo na lang hingin ha."
"Mama---"
"Ah, Karina talaga bang okay lang sayo na ikaw muna magbantay kay Willard?
"Oho naman tita."
"O sige uuwi muna kami."
Kumapit na sa braso ng asawa si Wilma at naglakad papunta sa pinto.
"May kailangan ka ba?"
Sabi ni Karina sabay lapit sa kama nito.
"Wala."
Malamig na sagot ni Willard kay Karina.
"Tubig o kaya Juice baka gusto mo uminom at--"
"Nakita mo ba si Nessa bakit hindi niya ako pinuntahan?"
Natigilan si Karina. Ayan na nagsisisimula nang magtanong si Willard kung nasaan si Nessa.
"Umalis na siya."
"Anong ibig mo sabihin umalis?"
"Wala na siya sa bahay niyo."
Bigla nangiwi si Willard kumirot kase ang sugat niya.
"Kumikirot ang mga sugat ko. Pwede mo bang pakitawag ang nurse?"
"S-sige lalabas lang ako."
"May intercom."
"Oo nga pala."
Maya-maya lang pumasok na si Dylan.
"What's wrong Brad?"
Nakangiting tanong ng gwapong doktor."Makirot kasi ang mga sugat ko hindi ako makatulog. Pwede bang humingi ng pain reliever?"
"Will.. ngayon pa lang lumilipas ang anesthesia ginamit sa operation mo. Natural lang na kumirot ang mga sugat mo. Anyway hindi kita pwedeng bigyan ng pain reliever hanggang hindi ka pa kumakain. Baka kasi ang bituka mo naman ang madamaged."
"Dylan wala akong ganang kumain at----"
"Ahm,,, pwede mo bang pakainin itong makulit ko kaibigan?"
"Oo naman."
Sagot kaagad ni Karina."Sige padadalhan ko siya ng makakain. Pilitin mo siya ha."
Naiwan naiiling si Willard. Si Karina naman ay nakangiti. Ibig sabihin susubuan niya ang binata. Magkakaroon siya ng pagkakataong makalapit dito.
"After you finish eating your food pwede mo nang inumin ang gamot mo."
Nakangiting sabi ni Dylan habang nasa bulsa ang dalawang kamay.
"Okay.... Okay.."
Naiinis na sabi ni Willard habang pinipilit bumangon.
"Ouch!"
Pero nabalik din sa pagkakahiga ng kumirot ang sugat nito.
"Wil."
Napatayo naman si Karina at agad lumapit sa binata.
"Dahan-dahan lang baka dumugo ang sugat mo."
"Yeah.. Okay lang ako."
"Kumain ka na para mainom mo na ang gamot mo. Susubuan kita."
Ayaw man ni Willard ay wala na siyang magagawa. Gusto niya si Nessa ang magsusubo sa kanya. Paano mangyayari iyon kung iniwan na siya nito.
BINABASA MO ANG
HE FOUND HER
RomantikIsang babae na ipinahanap. Isang lalaking ang nakakita. Isang babae at isang lalaking pinagtagpo ng tadhana. Maging sila kaya hanggang sa huli? Jan282019