"Hello??"
"Will?"
"Yes Dylan. bakit brad?"
"Brad. Nagwawala na naman ang pasyente ko. Gusto niyang alisin ang benda sa mukha niya at gusto niya saw makita kung ano na ang kanyang itsura."
"Damn!! Ano ang ginawa mo?"
"Kinailangan ko ulit siyang saksakan ng pampakalma. Masyado na siyang nakakaabala sa ibang pasyente dito dahil sa ingay niya."
Napabuntong-hininga si Willard.
"Kung ipadala na kaya natin siya sa Manila? That's way Baka matingnan siya ng mahuhusay na doctor at---"
"No! Baka malagay lang sa panganib ang buhay niya!?"
Putol ni Will sa sinasabi ni Dylan."But we have no choice kundi---"
Putol ulit sa sinasabi ni Dylan.
"Don't worry. I'll be there. I'll talk to her."
"Willard.. sa tingin ko sarado ang isip niya dahil sa desperation baka masayang lang ang---"
"Don't worry ako ang bahala. I'll be there in just an hour. Don't leave her."
Pagkatapos ng pag-uusap nila ay binaba na ng binata ang tawag.Agad naman siyang nagbihis at lumabas ng bahay kahit madilim na.
~*~
Samantalang walang kibo at tulala sa kawalan si Nessa. Habang nasa harap niya ang binata.
"Bakit ka nagwawala? Bakit hindi mo sabihin sa akin kung ano ba talaga ang nangyari?"
Tanong ni Willard sa dalaga.Ngunit nanatili pa rin itong walang kibo.
"Alam ko may malalim kang rason sa ginagawa mo. Pero kung ano man iyon hindi makakatulong sayo ang maglihim. Huwag mo sana isipin na kaaway kami. Lalong lalo na ako."
Hindi pa rin kumikibo si Nessa.
"Ang dugong nananalaytay sayo ay galing sa akin."
Bahagyang kumurap ang dalaga sa narinig niya.
"Kinailangan na masalinan ka kaagad ng dugo kaya inalok ko ang sa akin dahil magka-type tayo ng dugo. Pero sana lang 'wag mong isipin kaya ko sinasabi ito sayo para isumbat hindi. Gusto ko lang maunawaan mo na hindi ako kaaway kung iyon man ang kinatatakot ko."
Malapit nang bumigay ang puso at isip ni Nessa. Ang malamig na tinig ng binata at ang mga sinasabi nito. Ang malamig na kamay ang unti-unting tumutunaw sa galit na kanyang nararamdaman.
"All right...."
Pabuntong-hiningang tumayo ang binata mula sa gilid ng kama kung saan ang dalaga.
"Hindi na kita pipilitin kung ayaw mo sabihin sa akin at kung ayaw mo akong kausapin. Pero dito ako matutulog."
Biglang mapabaling ang tingin ni Nessa sa binata.
"Bakit parang nagulat ka? Alam mo kase nag-rereklamo na ang mga nurse at doctor sayo dahil maingay ka daw at wala daw makapigil sayo kapag nagwawala ka. Kaya dito muna ako para may makatulong sila sayo."
"Hindi ko kailangan ng bantay!"
Biglang angal ni Nessa.
Heart_NC note
Hi guys sana magustuhan niyo ang story na ito. Huwag niyo din kalimutan basahin ang iba ko stories.
SPOILED BRAT BOSS complete
MY TWIN-SISTER BOYFRIEND complete
ARRANGED MARRIAGE on-going
THE ACTOR AND THE WRITER on-going
Thank you so much
BINABASA MO ANG
HE FOUND HER
Storie d'amoreIsang babae na ipinahanap. Isang lalaking ang nakakita. Isang babae at isang lalaking pinagtagpo ng tadhana. Maging sila kaya hanggang sa huli? Jan282019