22❤️

46 2 0
                                    


"Willard is a nice guy. Walang babaeng hindi mababaliw sa kanya. Tanggap ko naman iyon dahil sa akin naman siya mababaliw. Pero ikaw ang gusto ko mawala ka na lang na parang bula sa buhay niya. Sa ganoon paraan hindi na magkakaroon ng gulo."

Pilit pa rin nilalakasan ni Ness ang kanyang sarili.

"At sabihin kong ayaw ko?"

Lakas loob niyang sabi.

Tumawa naman si Karina.

"Ang kapal naman ng mukha mong hamunin ako. Hindi ka siguro tumitingin sa salamin? Hindi mo ba nakikita yang panget mong mukha na kahit ang nanay mo ay Hindi gugustuhing makita."

Parang binuhusan ng kumukulong tubig si Nessa. Ito ang pinakamasakit na panlalait na narinig niya dahil lang sa mukha niya ngayon. Ang panlalait na ito ay galing pa sa babaeng kaagaw niya sa puso ni Willard.

"Anyway. Aasahan ko na lang na magigising ka na sa iyong kahibangan okay?"

Pagkasabi niyon ay tumawa pa ito at isinarado ang pinto ng kwarto.

Nagising sa isang pangarap si Nessa. Kaya kinabukasan habang wala ang mag-asawang Wilma at William pati na rin si Karina dahil nasa hospital silang lahat. Doon na nagkaroon ng pagkakataon na umalis si Nessa.

"N-Nessa? A-anak?"

Hindi makapaniwalang bigkas ni Vanessa nang maramdaman at marinig niya ang boses ng anak.

"M-Mama. It's really me. Buhay po ako."

Naiiyak na sabi ng dalaga.

"Oh my God!"
Naiiyak na sinugod ng yakap ni Vanessa ang anak na ilang buwan nang nawawala.

"Saan ka ba nanggaling? Ano ba ang nangyari sayo?"

Kahit umiyak ay ikinuwento niya sa ina ang mga nangyari sa kanya.

Gulat na gulat din ang mag-amang Leonard at kuya Darren niya. Nang makita at malamang buhay siya.

"Nessa bakit hindi ka umuwi kaagad. Masyado kaming mag-alala sayo."

"Kuya Darren tapos na iyon okay? Ang mahalaga ay buhay ako. At kung....Kung matatanggap ninyo ako sa itsura kong ito."

"Ano ba yang sinasabi mo? Kahit na ano ang itsura mo ngayon natural na tanggap ka namin. You're a Sy Family. You're a part of us. At ano ang ginagawa ng plastic surgery kung hindi maibabalik ang dati mong anyo."
Sabi ng Kapatid na si Darren.

"Okay. Bukas na bukas din ay ipadadala kita sa America. You will undergo by a plastic surgery."

Walang nagawa si Nessa sa pasya ng kanyang ama.

Samantala si Willard ay nagkamalay na ng mga oras na iyon.

"He made it. Tita Wilma!"

Nakangiting sabi ni Dylan sa ina ng kaibigan.

"Ngayon pong nagkamalay na si Will na sisigurado ko pong ligtas na siya."

"Talaga?"

Naiiyak na sabi ni Wilma.

"Ligtas na ang anak ko, ligtas na siya."

"Shhh...calm down okay? Ligtas na ang anak natin. Kaya huwag ka nang umiyak. Mas makakabuting magpahinga ka na sa bahay nauna din si Karina doon. Kami na lang si Dylan ang bahala kay Willard."

"Sandali Lang gusto ko pang makausap ang anak ko."

Pagkasabi niyon agad na lumapit si Wilma sa anak.

"Willard,,Anak may masakit ba sayo? Ano ang gusto mong kainin? Sabihin mo kay Mama at ikukuha kita."

Pilit ang ngiti ang makikita sa mga labi ni Willard.

HE FOUND HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon