"Si Willard po kasi naaksidente po siya habang pauwi dito. Nabangga po ang kotse niya ng isang truck na kasalubong.""Ha?"
Gulat na gulat si Wilma ang ina ni Willard sa mga narinig niya.Si Nessa naman ay hindi malaman ang gagawin.
"N-nasaan ngayon ang anak ko?"
"Nasa hospital po sa bayan. Ako po ang kinontak nila dahil nakuha sa kanyang wallet ang calling card ko."
Balisa si Nessa. Naiwan siya dahil sumama si Wilma kay Dr. Dylan sa hospital kung saan nandoon si Willard.
Kung ngayon ako tatakas siguradong walang makakapansin sa akin. Busy silang lahat dahil sa nangyari kay Willard... Pero gusto ko pang malaman kung ano na ba ang kalagayan ni Willard?
Ayaw man aminin ni Nessa sa sarili pero matidi ang pag-aalala ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon para kay Willard.
Ayon sa katulong na kakauwi lang ay wala pa daw malay si Sir Willard nila.
Hindi muna ako tatakas. Marami pa ako pagkakataon sa susunod. Isa pa gusto ko siyang makita.
Napayakap si Nessa sa kanyang unan.
Gusto kong masigurado na ligtas siya.
"Magandang umaga po Tita Wilma."
Nag-dadalawang isip na bati ni Ness kay Wilma na makita niya ito sa dinning area.Umiinom itong mango juice at lumingon sa dalaga. Halata sa mukha ng ginang ang maga ang mga mata sa kakaiyak.
"N-Nessa Hija."
Paos na ang boses ni Wilma."S-si Will...."
Mabilis ang hakbang ng dalaga palapit sa ginang.
"Bakit po? Ano na po ba ang nangyari sa kanya?"
"H-Hindi pa rin siya nagkakamalay hanggang kanina umalis ako ng hospital. Ayoko pa sana umuwi dito. Kaya lang pinilit ako ng Tito William mo. Kailangan daw muna magpahinga. Hindi ako mapapalagay hanggang hindi ko nasisiguradong maayos ang kalagayan ng anak ko."
Awang-awang hinahagod ni Nessa ang likod ng ginang.
" Tita Huwag na po kayo umiyak. Magiging ayos din po siya makakaligtas siya. "
Pinapagaan niya ang loob ng ginang pero siya punong-puno ang pag-aalala sa kanyang dibdib para kay Will.
" Binigyan siyang doktor ng oras hanggang mamayang gabi. Kapag nagising siya siguradong ligtas na siya pero kapag hindi---"
Hindi na naituloy ni Wilma ang sasabihin at muli itong naiyak.
"Tita Wilma tama na po."
Napayakap na lamang siya sa ginang.
"B-Babalik ako sa hospital Hija samahan mo ako?"
"O-Opo sige po."
"Salamat. Kahit papaano ay nakaragdag ka sa akin ng lakas ng loob. Mula ng dumating ka dito sa amin parang nagkaroon ako ng anak na babae."
"Salamat din po at ganoon ang turing ninyo sa akin."
Kahit nag-aalala din siya para kay Willard. Nagagalak naman ang kanyang puso. Si Wilma ay parang ang mama niyang si Vanessa. Maunawain, maalalahanin at higit sa lahat ay mapagmahal.
Kaya lalo niyang nararamdaman na ayaw pa niyang umalis doon.
" A-ANO ang sabi ni Dylan?"
Tanong ni Wilma kay William pagkadating pa lang.Napabuntong-hininga ang lalaki at napayakap sa asawa.
"Wala pa rin development sa kalagayan niya. But don't worry, I know he can survive. At kung talagang hindi pa siya magkakamalay mapipilitan na akong ipadala siya sa Manila.
" P-Pero-----"
" Sshh... "
" Trust him hindi niya tayo iiwan. Not now. Marami pang pangarap ang anak natin. Marami pa siyang gustong gawin sa kanyang buhay."Wala nang ibang nagawa si Wilma kung hindi ang mapasubsob na lamang sa dibdib ng asawa.
BINABASA MO ANG
HE FOUND HER
RomanceIsang babae na ipinahanap. Isang lalaking ang nakakita. Isang babae at isang lalaking pinagtagpo ng tadhana. Maging sila kaya hanggang sa huli? Jan282019