HATING-GABI...Bukas ang gate maski ang main door. Kaya madaling nakapasok si Mr. Sy.
Limang kwarto na ang nabubuksan ni Mr. Sy lahat ng iyon ay walang tao.
Mukhang pinaghandaan talaga nila ang pagdating ko. Kailangan maging maingat ang bawat galaw ko.
Ipinasya niyang pumunta na sa library na opisina ni Mr. Go. Inilabas niya ang mga papeles at inilagay sa drawer.
"BOSS, nahulog na sa patibong natin ang Mr. Sy na yan!"
Nakangising sabi ni Brando ang kanang kamay ni Mr.Go."Oo nga."
Humahalakhak na sabi ni Mr. Go.Nakatingin sila sa monitor kung saan nakikita nila ang bawat galaw ni Mr. Sy sa loob ng library.
"Paano ang plano Boss tuloy ba?"
"Natural! Patayin silang mag-ama."
"Okay, Boss!"
SAKTONG pagsara ni Mr.Sy ang drawer ay naglabasan ang mga lalaking may mga baril.
Napa-atras si Mr. Sy sa dingding.
"N-nasaan ang anak ko? Binigay ko na ang hinihingi niyo."
"Mr. Sy,, Mr. Sy,, Huwag kang magmadali. Alam mo gusto pa sana kitang makausap kahit saglit."
Sabi ni Brando na lumabas kung saan.
"At ano naman ang pag-uusapan natin?"
"Alam mo hanga ako sa tapang at lakas ng loob mo. Biro mo sinugod mong mag-isa papunta dito."
"Wala along panahong makipagbolahan sayo. Nasaan ang anak ko?"
"Sige dahil masyado kang mainipin pagbibigyan na kita. Sige hawakan ang matandang iyan."
"Hayop talaga kayo. Nasaan ang anak."
"Huwag kang mag-alala makakasama mo din siya. Alam mo ayoko sanang patulan ang anak mo. Mukhang pinalaki mo din siyang matapang. Alam mo bang inuutoo ni Rex para kumain ay kinalmot ang mukha niya. Hah!! Kaya magsasama na kayo dalawa sa hukay."
"Hayop kayo oras na makawala ako dito. Pagbabayaran niyo lahat ito."
"Tama na pag-uusap na ito dalhin yan sa kotse kasama ng anak niya."
Utos ni Mr. Alberto Go na lumabas din kung saan."Daddy!"
Umiiyak na sigaw ni Ness."Anak!"
Gumapang ang tuwa sa dibdib ni Mr. Sy na makita niyang buhay ang kanyang anak.Nag-isip si Mr. Sy kung paano sila makakawala sa mga ito. Pero agad na may lumabas na mga lalaki mga tauhan pala niya.
Agad kinuha niya ang isang baril sa tauhan at itunutok Kay Mr. Go habang nakahawak siya sa leeg nito.
"Sige subukan niyo gumalaw kung hindi sabog ang bungo ng amo niyo."
"Utusan mo ang mga tauhan mo ibaba ang baril at dumapa."
"Narinig niyo ibaba niyo ang baril niyo at dumapa kayo."
Agad naman sumunod ang mga tauhan ni Mr. Go sa kanya.Isinama sa pagsakay ni Mr. Sy si Mr. Go. At pinosas sa pinto ng pajero.
*******************
BINABASA MO ANG
HE FOUND HER
عاطفيةIsang babae na ipinahanap. Isang lalaking ang nakakita. Isang babae at isang lalaking pinagtagpo ng tadhana. Maging sila kaya hanggang sa huli? Jan282019