10. Wife

5.4K 171 7
                                    

Sandra Arieselle

"Sandra!!! Buti naman andito ka na kanina pa kita hinihintay!" sigaw ni Pauleen.

"Bakit?" tipid kong tanong.

"Siyempre di na ako natutulog sa bahay niyo, miss na kita hayaan mo mamaya dun na ako promise" sabi niya, kagabi kasi pagkatapos ng practice sa bahay nila Eron umuwi siya sa bahay nila dahil sa dinner, miss na nila si Pauleen alangan namang ipag kait ko siyempre solohin rin naman nila ang anak nila.

Nakakamiss rin kahit papano tong babaeng to, at alam kong miss niya ako kaya nga love namin isat isa eh.

Minsan lang dumating ang mga magulang ni Pauleen dahil sa business ganon rin sila mama na nasa Korea for business proposal.

Next week sila darating sila rito para magpatayo ng business, may hotel kaming pag mamay-ari dito sa manila, mailap namin yung puntahan dahil sa mga kanya kanyang gawain namin ni kuya.

"Okay lang, ano ka ba, wala naman akong karapatan na ipag damot ka sa pamilya mo siyempre minsan lang dumating yun" sabi ko.

"Yieeee, kaya love na love kita eh" sabi niya sabay yakap sa akin, yinakap ko rin siya pabalik.

"Tara na, may first subject pa tayo na math" sabi ko at tumango siya, pag karating namin ng math nandon na lahat ng classmate namin except sa prof.

Hay buti nalang talaga mag katabi kami ng upuan ni Pauleen, umupo lang kami sa upuan namin at saktong dumating yung prof namin sa math na si Mr. Adrian.

Tapos yun, pag katapos ng mahaba habang discussion ng pag sosolve ay nag dismiss na rin si sir at sumunod ang science, last subject ang history.

Ayun, same as math, nag discuss lang ng nag discuss hanggang break, ayun nandito kami sa cafeteria at nakikipila sa mga students para bumili ng pagkain.

"Anong oorderin mo, ako na kukuha" pag prepresinta ni Pauleen.

Umiling lang ako bago sumagot, "no thanks Pauleen kaya ko na, ikaw nalang ang pumunta don at bigay mo order mo sa akin" pag prepresinta ko.

"Dalawa nalang tayo" sabi niya at tumawa, natawa rin naman ako, haha.

"Ako na kukuha para sayo, umupo ka na dun at hantayin ako" utos ni Klein at tinaasan ko naman siya ng kilay at bumulong sa tainga ko. "Nandyan siya remember?" bulong niya.

"Gusto ko ng coke, fries at carbonara" sabi ko bago pumunta sa isang table.

Nakita kong nakatingin sa akin si Chloe pero di ko lang ito pinansin sa halip umupo nalang ako.

Ilang minuto lang ay dumating na si Pauleen at kasunod nito si Klein na dala yung order ko.

Tumabi siya sa akin as in dikit talaga upuan namin, tinignan naman ako ni Pauleen na para bang nang aasar, tinignan ko siya ng wala tong malisya look.

"Eat" sabi niya ng nakita niyang di ko.

"H-hindi pa a-ako gutom" ang awkward ng scene, sa harap pa talaga ng bestfriend ko.

"Kakain ka o ako mag papakain sayo" pwedeng ikaw nalang jowk tsk, jowk lang.

"Oo n--" di ko pa natatapos yung sasabihin ko ng subuan niya ako ng fries, gosh nakatingin talaga silang lahat sa amin.

Ngumiti lang ako ng fake para pagselosin si Chloe, na ngayoy nakikita ko sa gilid ng mata ko na masama ang tingin sa akin.

Oo maganda siya, akala ko mabait siya nung una pero same lang siya sa mga babaeng nakilala ko.

Nakita kong lumabas na sila ng cafeteria kaya naitulak ko si Klein, "Wala na" sabi ko, at natawa siya bago ginulo yung buhok ko.

"Nice act wife, bye" sabi niya at tumayo bago lumabas ng cafeteria.


"What wife? Oh my god!" di makapaniwalang kinikilig na tanong ni Pauleen.

Kinain ko nalang yung fries at carbonarang pinakuha ko sa kanya at uminom ng coke.


Nang maubos ko na ang pagkain ko umalis na kami ng canteen, its just an act, kaya di yun sweet, kanina pa ako inaasar ng babaitang to dahil sa wife na sinabi ng lalaking yun.


Nasalubong namin si Chloe kasama ng dalawa niyang alipores na nakataas kilay sa akin, hinarangan nila kami.

"What?" inis kong tanong.


"Anong what?" tanong ng isa niyang alipores.

"Umalis na nga kayo!" utos ni Pauleen pero di parin sila umaalis, alam ko kung saan patungo ang issyung to, dahil kanina ba.


"Layuan mo siya Sandra" galit at seryosong sabi ni Chloe.


"Para ano?" pang aasar ko.

"Just leave him, kung ayaw mong makahanap ng katapat mo" sabi niya.


"Paano kung ayaw ko, matagal na akong nakahanap ng katapat ko sa room may katapat ako at ngayon nasa harapan kita kaya katapat na kita" pamilosopo ko.


"Wag kang pilosopo, pag di mo pa siya iwan magsisisi ka, wala pang nakakatalo sa akin pag dating sa kanya, so back of, di mo alam ang kaya kong gawin get it, pag di mo pa siya tinantanan hanggang bukas magsisisi ka na talaga" sabi niya at nilampasan ako.

Bigla akong natawa ng mahina.


"Eh paano kung siya ang lumalapit?" I asked.


"Basta layuan mo siya para wala ng gulo" sabi niya at tuluyan ng nawala  sa paningin ko.


Urgh! KLEIN ADAMSON gugulo buhay ko dahil sayo, fvck you one hundred times.


"Wag mong pansinin yun, insecure lang siya kasi iniwan niya si Klein, team Kleindra forever, diba Klein's Wife?" nang aasar na tanong ni Pauleen.


"Pauleen it's just act" pagtatama ko.


"Yeah right, pero bagay kayo promise"

"Shut up"

"Yah yah, basta iwasan mong mafall sa kanya ah"

"I know, di mo na kailangang sabihin"


"Fine, pinapaalala lang"


Yucks di kami bagay, di ako mafafall sa isang playboy na gaya niya.


Naiinis ako sa playboy kasi ang rami rami na nilang babae, at ayaw kong maisali dun.


"Wife!"tawag ng ni Klein.

"Ano?, wag mo akong tawaging wife, wala siya sa harap natin" sabi ko.


"Kailangan pa ba, siyempre para masanay eh ikaw di mo ako sinasabihan ng hubby" reklamo niya.


"Oh my god nilalanggam ako, ikaw kasi Sandra tawagin mo naman kasing hubby yang asawa mo" gatong ni Pauleen, tsk.






Accidentally Inlove With A Campus PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon