Sandra Arieselle
"Ano to? Bat mo sinabi? Nasisiraan ka na ba?, kahit kailan talaga eh, pahamak ka, tsk" tanong ko.
"Maganda yun, para malaman nila" sagot niya, pag katapos ng nangyari kagabi napagpasyahan kong magkita kami dito sa isang coffee shop.
"Nasisiraan ka na ba? Di mo ba alam na kapatid ko ang isa sa mga kabanda mo?" inis kong tanong.
"Wala kang sinabi sa rule and condition na keep it secret" sabi niya at umirap lang ako.
"Fine" sabi ko at tumayo, iniwan ko siya dun, ewan ko kung bakit ako nakikipag usap sa lalaking yun.
Wala sa sarili akong naglalakad pabalik sa parking lot ng coffee shop ng biglang may mabilis na motor, what the shit.
"HOY IKAW ANG LAWAK LAWAK NG DAAN TALAGANG SA AKIN KA PA DADAAN MUNTIK NA AKO DUN LECHE!" sigaw ko sa lalaking ngayon ay nagtanggal ng helmet.
Wala akong pake alam kung gwapo siya, mas mahalaga ang buhay ko kaysa sa mukha niya.
Lumingon naman siya sa akin, galit ko siyang tinignan, I hate him, anak siya ng adik na buwaya.
Pumunta nalang ako sa sasakyan ko sa halip na makita ang mukha ng lalakeng yun.
Pagdating ko ng school, nakita ko sa gate si Pauleen na hinihintay ako, sa bahay nila ito natulog kagabi.
Sinakay ko siya para sabay kaming pumunta sa parking lot, "bat di mo sinabing kayo na ni Klein?" tanong niya, ayan nanaman yung issue.
Pinark ko ang kotse at di parin kami bumababa, "Pauleen, promise me na di mo ito ipagsasabi kahit kanino" seryosong sabi ko.
"Okay, i promise, pero totoo bang kayo na?" tanong niya ulit.
"No, hindi kami at never na magiging kami, its fake, humingi sa ng favor sa akin, naawa ako dahil sa kasakimang nagawa ni Chloe Alves, kilala mo siya diba yung kapit bahay namin" sabi ko at nanlaki ang maya niya.
"Sus maryosep ano tong pinasok mo, tsaka Chloe Alves, naging sila ni Klein?" di makapaniwalang tanong niya.
"Yes, I know pero di lang si Klein ang naging ex niya, pati si Alexson Wage, sinabi niya na she love them both, pero di ba, hindi pwedeng dalawa ang piliin niya, she is so selfish, dalawa ang minahal niya para lang sa sarili niya" sagot ko.
"What the fudge, anak siya ng malanding butiki" sagot niya.
Natawa ako sa sinabi niya.
"O siya, keep it secret, tara na" sabi ko at lumabas kami ng sasakyan.
Habang naglalakad kami sa catwalk nagsitabi ang mga students na nadadaanan namin.
"Tumabi kayo" sabi ng isang babae sa amin pero as if namang tatabi ako I'm a hard headed girl no.
Hindi kami tumabi ni Pauleen sa halip ay sinalpak ko nalang yung headset ko ng biglang, urgh! May nakabunggo sa akin.
Deretso lang siya sa pag eeskate board, buti nalang may hawak si Pauleen na makapal na pocket book at bigla ko yung binato sa ulo ng lalaki.
Lumingon naman siya.
"Sabi kasing tumabi sila, ayun tuloy nabunggo siya ng newbie"
"Siya pa may ganang magalit, siya nanga di tumabi siya pa mababato"
"How rude she is"
"Hard Headed"
Yan ang mga bulong bulungan nila, eh di wow wala akong pake.
Namumukhaan ko siya, siya yung kahapon.
"IKAW NANAMAN?, ANO BANG TRIP MO? MUNTIK MO NA NGA AKONG BUNGUIN KANINA TAS NGAYON NANAMAN, GO TO HELL" Sabi ko at hinila si Pauleen at pinulot yung pocket book at nilagpasan siya.
How rude is me? O baka naman how rude is that newbie, kainis.
Hapon na, its already one oclock in the afternoon, guess what classmate ko rin ang newbie.
He is Ian Nico Zhenter.
Buong klase siya tahimik, wala nakikinig lang, anong talent niya?. I'm so curios about him, pero naiinis ako sa kanya.
Nakinig lang ako mag hapon , hanggang sa uwian, biyernes ngayon kaya mag flaflag re-treat kami.
Yun , natapos na ang pagkanta ng lupang hinirang yun anouncement na.
Yung tungkol sa dalawang bands yun, may bagong member, at yun ay si Ian.
Tsk, edi wow.
Natapos sa bahay nila Shin sa bahay naman nila Eron Romero.
Umupo lang ako sa sofa, bad trip ako ngayon, buti nalang di ako ginulo nung si Klein ngayon.Walang klase bukas, malamang sabado ano bang sabi ko kanina, biyernes ngayon diba.
"Hey wife!" bati niya sa akin, the heck.
"What?"
"What's with that face?" he asked.
Hay nako, ito talagang lalaking to kahit kaylan, wrong timing.
"Wala" sagot ko.
"Weh?" kulit wala nga eh.
"Nakakainis ka, di mo naman kailangang mag ganito dito kasi wala si Chloe" bulong kong sabi.
"Bakit kailangan pa bang meron si Chloe para maging sweet?" tanong niya, FYI this is fake.
Inirapan, ko lang siya.
"Nabalitaan ko nabunggo ka kanina ni Ian?" tanong niya.
"Yup, so?"
"I told him na layuan ka niya, youre my girl so, walang ibang lalapit sayo na hindi ko gusto" sabi niya at ginulo ang buhok ko at iniwan akong laglag ang panga sa banat niya i mean sa sinabi niya.
"Ehem, sweet niyo naman" nang aasar na sabi ni Pauleen.
"Anong sweet dun"
"Pinsan niya kasi yun, yung newbie si Ian"
![](https://img.wattpad.com/cover/161006907-288-k948824.jpg)
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove With A Campus Playboy
Novela JuvenilSandra Arieselle Antonio, she almost had everything except boyfriend, never sumagi sa isip niya na magkaroon ng boyfriend. Oo marami siyang crush pero hanggang crush lang talaga siya, until dumating ang pinaka playboy sa lahat ng playboy. Kleinmax...