Sandra Arieselle
Namula naman yata ako sa sinabi niya dahil siya ang unang pumuri sa buhok ko.
Nandito kami sa bahay nila.
"Wag ka ng mag blush, red na nga buhok mo red pa cheeks mo" sabi niya ng natatawa, eh mas lalo mo naman akong pinagblush.
Aish Sandra anak ka ng haliparot na butiki.
"Ehem, baka langgamin kami niyan dahil sa KASWEETAN" aba diniin pa talaga yung kasweetan.
"Pauleen!" Suway ko tumawa lang silang dalawa.
"Yow little girl, whats with that hair?"tanong ni kuya, palagi nalang niya akong tinatawag na little girl.
"Nag ayos lang naman ang kapatid mo Sandro" sabi ni Jaira, aysus paraparaan ang loka.
Tumingin naman sa kanya si Sandro, "Gumalang ka naman kay Sandro, Jaira" sabi ni Yvo.
"Eh bat ikaw di ka gumagalang eh same age lang naman tayo ah" sumbat naman ni Jaira.
"At least ka band ko siya eh ikaw ka band mo ba?" Tanong ni Yvory.
"Bakit sinabi ko ba?" Tanong naman ni Jaira.
"Enough, practice na tayo" sabi ni Klein na walang emosyon na kapapasok lang.
Ewan ko, kumukulo dugo ko sa kanya eh kay Alexson hindi eh parehas lang naman silang playboy.
Sabi nga nila The more you hate the more you-- ano ba yang iniisip mo Sandra.
Umupo kami sa sofa dito sa music room nila di gaano kalakihan pero sound proof, pinanood lang namin sila mag strum ng guitara at mag drums.
Gusto kong magkasakit yang vocal nila, char lang.
Napagod na sila kaya nagpahinga muna sila, pawis na pawis na sila
Balita ko naman mas magaling si Klein kaysa kay Alexson pero bakit sila natalo?, ah siguro confuse lang siya dahil may pinagdadaanan sila."Ang init" reklamo ni Klein at nag hubad, waaah rated SPG.
Striktong Patnubay at Gabay, shet yung mga abs niya, Sandra stop it close your eyes, feeling ko luluwa na eyeballs ko dahil sa nakita.
Nakita niya naman ang pagtingin ko dun kaya napangisi siya, the heck.
"SANDRA!, HOY ANO BA BAT KANINA KA PA TULALA KAY KLEIN HINDI MO BA NARINIG YUNG SINABI KO" ang putek.

BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove With A Campus Playboy
Novela JuvenilSandra Arieselle Antonio, she almost had everything except boyfriend, never sumagi sa isip niya na magkaroon ng boyfriend. Oo marami siyang crush pero hanggang crush lang talaga siya, until dumating ang pinaka playboy sa lahat ng playboy. Kleinmax...