Sandra Arieselle
"Sinong kasama mo?" tanong niya sa akin. Tinawag na ang mga sasakay sa eroplano.
"Aalis na ako" sabi niya at tatalikod na sana ng di ko napigil humagulgol.
"Nakakainis ka, sabi mo gagawin mo ang lahat maging sayo lang ako, andaya mo Klein, ngayong mahal na kita saka ka aalis" sabi ko ng umiiyak, shit bakit ako umiiyak ng ganito.
Tumigil siya, tumalikod ako, nakakainis, ang sakit sa panga ang umiyak.
Nakatingin ang mga tao sa akin, wala kong pake, nakakainis siya, sabi niya mahal niya ako.
Natigilan ako ng biglang may yumakap sa akin, "Di na ako aalis"bulong niya at hinila ako palabas ng Airport.
Paglabas namin pinunasan niya ang luha ko gamit ang thumb niya, hinawakan niya ang kamay ko.
"Masakit pa ba?" Tanong niya, umiling ako, mas masakit kung iniwan mo ako, drama mo Sandra.
Yinakap niya ako, "Balak kitang isama kahapon pero iniwan mo ako" sabi niya.
"Sorry" sabi ko. "Ano bang gagawin mo sa California?" Tanong ko.
"For business and para dalawin si ate" sabi niya at hinampas ko ang braso niya.
"Bakit di mo sinabi, tumuloy ka nalang sana" sabi ko at ngumisi lang siya at ginulo ang buhok ko.
"Di kita kayang iwan ng umiiyak, I love you that much, kaya kong ipagpalit at ipagbaliban lahat para sayo" sabi niya.
Nagtext sa akin si Pauleen, nauna na raw sila. Si Klein ang nagmamaneho, di ko alam kung matutuwa ako sa pagpili niya sa akin over business and her sister.
Para kong pinagkait ang na makita niya ang ate niya, tahimik lang ang buong byahe.
"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya sa akin.
"Sa Fritzies" sabi ko at tumango siya, pinaharurot niya ang sasakyan, 10:30 na.
Nakarating kami sa Fritzies, pinark niya ang kotse at lumabas kami pareho.
Gusto kong mag seafood, umorder ako ng fruit coolers na lychee at super meal na seafood, linagyan ko ng hot water tsaka bumalik sa table namin, umorder siya ng fruit coolers na lychee rin tsaka fries and tacos at burger.
Nagsimula na akong kumain, pinapanood niya lang ako, nakakailang, "Klein" sabi ko.
"What?" nakangising tanong niya.
"Stop staring, nakakailang" sabi ko at natawa siya ng mahina.
"Masanay ka na, dahil araw araw tititigan kita" sabi niya at sumubo ng fries, napanguso ako tsaka sumubo ulit ng noodles.
![](https://img.wattpad.com/cover/161006907-288-k948824.jpg)
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove With A Campus Playboy
Fiksi RemajaSandra Arieselle Antonio, she almost had everything except boyfriend, never sumagi sa isip niya na magkaroon ng boyfriend. Oo marami siyang crush pero hanggang crush lang talaga siya, until dumating ang pinaka playboy sa lahat ng playboy. Kleinmax...