Sandra Arieselle
Tahimik lang kaming kumakain, oo nagseselos ako sa nangyari kanina dahil sa Tiffany na yun.
Napakapit ako ng mahigpit sa chopstick na hawak ko dahil sa Tiffany na yun.
Napatingin naman siya sa akin, kumakain kami sa isang Chinese restaurant.
Pero sa tuwing nakikita ko ang mukha nk Klein parang nawawala inis ko, ang laki ng kasalanan ko sa kanya.
Wala akong ibang pinairal kundi selos, di ko iniintindi nararamdaman niya.
Natapos kaming kumain, pinagbuksan niya ko ng pintuan ng sasakyan niya, pero bago pa man ako makapasok nagsalita siya.
"Sandra, galit ka ba?" tanong niya, di parin ako pumapasok. "Sorry, di ko naman alam na darating siya" oo tama ka, di mo alam.
Pumasok ako, hindi ko alam kung anong sasabihin ko, ako may kasalanan pinapalaki ko, di niya parin sinasara yung pintuan ng sasakyan.
"Klein.." halos wala ng lumabas sa boses ko dahil sa sitwasyon, hindi ko alam kung paano siya tatawagin.
Sinara niya na iyon at pumasok na, "Klein..." tawag ko sa pangalan niya kaya napatingin siya. "Sorry..." sabi ko at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Ako dapat ang mag sorry, prinomise ko sayo diba..ako dapat nagsosorry" sabi niya, inangat ko naman ang ulo ko tinignan ko siya na nakatingin sa akin.
"Hindi..dapat ako, masyado akong selosa, pero ayaw ko naman kasi yung sinabi niy--" di ko natuloy yung sasabihin ko ng bigla niya akong hinalikan, nagulat ako.
Nakapikit siya habang ginagawa yun, yung kamay niya na nasa batok ko para suportahan ang kanyang sarili.
I can't believe na si Andrei na kaibigan ni Austin ang fiance ko ngayon. Tumugon ako sa halik niya at napahawak sa batok niya.
"I'm sorry, di na mauulit, so shhh dont blame yourself okay" sabi niya at hinalikan ako sa noo bago pinaandar ang kotse.
"Sandra!" Tawag ni Lory.
"Hmm?" Tanong ko.
"Saan tayo gagawa ng project?" TAnong niya..nagkibit balikat lang ako bago sumagot.
"Kila Alexson nalang siguro" sagot ko, di ko ka group sila Jaira at Klein, nakakainis.
"Nice, tara na?" Tanong niya at hinila ako.
"Sandali magpapaalam pa ako kay Klein" sabi ko habang hinihila niya ako.
"Alam naman ni Klein diba?"
"Basta mag papaalam pa ako, bye" sabi ko at tinakbuhan siya.
"Andaya Sandra!" Sigaw niya.
Hinanap ko si Klein, ewan ko kung saan yun nag sususuot, habang naglalakad ako ng may humila sa akin papasok ng isang madilim na classroom, dahil sa kaba bumilis ang tibok ng puso ko.
"Sandra..." Bulong niya na para bang pagod.
"Klein?, hay buti nalang nahanap kita, mag papaalam sana ako about dun sa project, gagawin namin kila Alexson" sabi ko.
"Di mo na kailangang gumawa ng project, kaya kong ipataas grade mo" sabi niya.
"Pero--" pinutol niya yung sasabihin ko.
"Mas mahalaga pa ba yan kaysa sakin?" tanong niya, nagiging weird siya ha.
"Siyempre mas mahalaga ka, sige na nga di na ako pupunta" sabi ko, ngumiti naman siya.
Nandito kami sa rooftop ng company nila, nakahiga sa isang tela habang tumitingin sa langit.
"Sandra..." tawag niya.
"Hmmm?" tanong ko.
"Anong magiging reaksyon mo kung malaman mong mamamatay na ako" sumikip naman ang dibdib ko sa sinabi niya.
Ewan ko kung bakit, parang tinutusok ang puso ko ng million million na karayom. Hinampas ko ang braso niya.
"Sira ka ba, gusto mo bang umiyak ako...hindi ka mamatay kasi dapat sabay tayo tsaka sinabi mo gusto mo ng anak...kasi kung mamatay ka mababaliw ako" sabi ko at yinakap siya.
"Mahal kita Klein, handa ko yun isigaw" dugtong ko.
"I love you more Sandra noon pa, hanggang ngayon ikaw parin, kung sana noong first yeae ka pa dumating matagal nang tayo." sabi niya ng may nangingilid na luha sa mata niya.
"Weird mo hub. Iiyak ka ba?" tanong ko.
"Sandra...ang sarap pala ng ganito, yung mahal ka ng taong mahal mo, gusto ko palagi nakikita yang mukha mo, gusto ko palaging nahahalikan yang labi mo,, gusto ko lagi kitang nayayakap" ang weird niya talaga.
Pero sa bawat salitang sinasabi niya parang may mabigat na meaning, yun yung gusto kong malaman.
"Pakasal na tayo please" sabi niya at tumulo yung luha niya, ewan ko kung bakit siya umiiyak, baka tears of joy.
Napakagat ako sa ibabang labi ko, at tsaka tumango, "Sa birthday ko" sabi ko.
Ngumiti siya, magpapakasal na kami This coming April.
"Klein.."
"Hmmm?" tanong niya ng nakapikit.
"Basta promise mo wag kang mawawala ah," hinawakan ko yung dalawang pisngi niya. "Uulitin ko Klein..mahal na mahal na mahal na mahal kita at mababaliw ako pag nawala ka" sabi ko at kiniss siya.
"I love you more Sandra, promise di ako mawawala" sabi niya.
Hinalikan niya ako tumugon naman ako dun, mahal na mahal kita Klein.
Hinawakan niya yung kamay ko at itinaas ito.
"Basta promise mo rin sa akin Sandra...akin ka lang" sabi niya. Ang weird niya talaga, dati kung mag lambing siya hindi ganito.
"Sayong sayo lang ako Klein, ikaw lang nagpaparamdam sa akin nito...Andrei" ngumiti siya at hinalikan ako sa noo.
![](https://img.wattpad.com/cover/161006907-288-k948824.jpg)
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove With A Campus Playboy
Teen FictionSandra Arieselle Antonio, she almost had everything except boyfriend, never sumagi sa isip niya na magkaroon ng boyfriend. Oo marami siyang crush pero hanggang crush lang talaga siya, until dumating ang pinaka playboy sa lahat ng playboy. Kleinmax...