Sandra Arieselle
"Sandraaaaaaa!!!" excited na sigaw ni Pauleen at niyugyog ako.
"Hmmm?, lakas ng boses mo natutulog pa ako eh" sabi ko at bumangon at kinusot ang mata ko.
Naalala ko, di pala ako natulog sa bahay, hay nako, "ano ba?, kanina ka pa tulog 8:30 a.m na o, ano bang ginawa niyo ni Klein at ngayon ka lang nagising?" halos mapatalon ako sa naging tanong niya.
"Wala!"halos pasigaw kong sabi.
"Pasalamat ka kinuhanan kita ng damit mo sa bahay niyo at sinabi kong sa bahay ka natulog, naku, late na tayo sa spain" ansabe, oo nga pala.
"Waaaaaah, bat di mo sinabi" sigaw ko, narinig ko naman ang pagtawa ni Klein na tumabi sa akin.
"Hoy lalake, ikaw rin sama ka bilis, mag empake ka na" sabi ni Pauleen at lumabas. "Hantayin ko kayo, tik tok" sabi niya.
Tinignan ko si Klein na nakatingin rin pala sa akin. "Mag empake kana"sabi ko at akmang lalabas na ng hilain niya ako.
"Sandra...samahan mo ako" nalalag ang panga ko sa sinabi niya.
Nag stay lang akong nakaupo dun habang pinapanood siyang kumuha ng gamit, anak ng tokwa di pa ako nakaligo.
Natapos na siya, inilahad niya ang kamay niya sa akin at inabot ko naman yun, ngumiti siya.
Hindi pa siya nanliligaw pero parang sa kanya na ako at sa akin na siya.
Lumabas kami, "hay sa wakas lumabas narin ang lovey dovey couple, tara na" sabi niya at nauna ng maglakad.
Nangmakarating kami sa parking lot nandun si Shin, naghahantay sa labas ng kotse ko, may hawak na bag, akin yun.
Iniabot niya sa akin , ngumiti lang ako at nag thank you, si Klein na ang nag drive, sa private plane kami nila Klein, tutal kasama naman daw family niya.
Nakakahiya tong suot ko, kahit si Klein at Pauleen lang nakakaalam pati din Jaira.
Nakapunta kami ng airport, pinabantay ni Klein yung kotse ko sa guard, binulsa niya ang isang kamay niya at isang kamay niya ay nakahawak sa kamay ko.
"Bat di mo ko ginising, di tuloy ako nakaligo?" bulong kong tanong sa kanya, napangiti naman siya, nakakatawa ba.
Seryoso ako.
"Ayaw kong maistorbo panaginip mo" sabi niya ng nakangiti.
Pinatulak niya sa isang security guard ang mga gamit namin, di kayuan ay tanaw ko na ang eroplanong sasakyan namin.
Di siya gaanong mahaba, kasing haba lang siya ng isang bus, tapos may tatak na Adamson.
Nakita kong may nakatayong babae at lalaki, nasa age 32 , hala baka mama at papa ni Klein.
Tatanggalin ko sana ang kamay ko sa kamy niya ng higpitan niya pa iyon.
Tumingin siya sa akin ng nakakunot noo, "magulang mo?" tanong ko, tumango lang siya.
"So what?" tanong niya.
"Nakakahiya, di pa ako naligo" bulong ko.
"Hindi ka naman nila aamuyin"_ sabi niya at huminto,linapit niya ang ilong niya sa leeg ko, "smells good" sagot niya at patuloy, namula naman ako sa sinabi niya at hinampas siya.
Napangiti lang siya ginawa ko.
"Son" bati ng mama niya at tumingin sa akin, "Oh Hi" bati nito sa akin ng nakangiti, nginitian ko rin siya bago bumati.
"H-hello po" bati ko.
"Ma, I want you to meet Sandra, my wife" hay anak ng makulit na kabute, siniko ko naman siya at tumawa.
"Nice meeting you Daughter-in-law"sabi ng mama niya ng nakangiti.
Nalaglag ang panga ko dun ah,
d-daughter-in-law?. Ngumiti si Klein sa akin at hinila papasok sa loob.Umupo ako sa tabi ng bintana, nakapasok na lahat, pati sila mama, nako baka..pagalitan nila ako.
Kumuha ako ng magazine at kunwaring nagbabasa para matakpan yung mukha ko.
"Sandra..." Hala boses ni mama, binaba ko ng konti ang magazine para mata ko lang makita, naks nakatingin silang dalawa.
"Poooo?"tanong ko, nag heart sign lang si mama na parang nang aasar at si daddy na nakangisi lang.
Umupo sila sa harap namin, tutal kami tong nasa pinakalikod. "Pffft" pagpipigil ni Klein, hinampas ko naman siya. "Hmm?" Natatawang tanong niya.
"Aish, bahala ka" sabi ko at kunwaring nagtatampo.
"How's the feeling to be a daughter-in-law?" Nang aasar na tanong niya.
"Klein.." Suway ko at nagsimula ng umandar ang eroplano.
"Why?" Aish, naasar na ako ah.
Aish, daughter-in-law.
Sinandal niya ang ulo ko sa balikat niya, huminga ako ng malalim.
"I love you so much Sandra my wife" bulong niya at hinalikan ang buhok ko.
"I love you too, ingay mo" sabi ko at natawa siya ng mahina.
"Pakasal na tayo" sabi niya na siya namang ikinalaglag ng panga ko.
Hindi pa nga nagiging kami, kasal na agad. Hindi nga ba?, he kiss me, hinalikan niya ako kahapon.
Hindi pa nga ba kami?, hays ang gulo.
"H-huh?"

BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove With A Campus Playboy
Teen FictionSandra Arieselle Antonio, she almost had everything except boyfriend, never sumagi sa isip niya na magkaroon ng boyfriend. Oo marami siyang crush pero hanggang crush lang talaga siya, until dumating ang pinaka playboy sa lahat ng playboy. Kleinmax...