41. He's Not Joking

3.7K 132 5
                                    

Sandra Arieselle


Parang sinasaksak ng kutsilyo ang puso ko ng paulit ulit dahil sa selos at sa sakit na nararamdaman ko sa galos ko sa ulo.

Sinundan ako ni Pauleen, "bakit ganon Pauleen, nag bibiro nanaman siya pero parang totoo" umiiyak kong sabi.


"Sandra...totoo yun, nagkaroon siya ng memory lost, at ang parteng nawala sa kanya at nakalimutan niya ay yung parteng magkasama kayo" humagulgol ako sa iyak.



--

[1 week later]

Isang linggo na matapos ang aksidente, di na ako umuuwi sa bahay na binili ni tito, di narin kami nag uusap.


"Sandra!" tawag sa akin ni Austin.

"Oh akala ko ba bumalik ka na ng california" sabi ko.

"Ayaw kong mag madali, naayos naman na daw ang problema dun so tuloy na ang one year vacation ko rito" sabi niya at inakbayan ako.

"Buti ka pa Austin lagi mo akong naaalala" sabi ko at yinakap siya, yinakap niya naman ako pabalik.

"Siyempre ikaw pa ba makakalimutan ko, mahal kita eh" napangiti ako, kahit papano may nagmamahal parin sa aking parang si Klein dati.

"Ako muna papalit kay Andrei" sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Hala, ayaw ko no, sira ka ba?" natatawang sabi ko at binawi ang kamay ko, "sapat na yung andyan ka bilang kaibigan sa akin" sabi ko.


"Hmmp, sige na nga" sabi niya at inakbayan ako, sa akbay pwede kasi nasanay na akong lagi niya akong inaakbayan since grade school and high school.


Habang naglalakad kami ng makasalubong namin siya, kasama si Tiffany, kasalanan ng hinayupak na higad na yan ang lahat.

"Bro, di mo sinabi girlfriend mo na pala ulit yan?" bungad na tanong ni Austin, siniko ko naman siya.

Masama ang tingin niya sa kamay na naka akbay sa akin, may nararamdaman ba siya? Ulit?.


"It's not your problem anymore" malamig na sabi nito.


"Tsk, it's not my problem?, come on Andrei, kita mo ba tong kasama ko, fiance mo siya pero bakit ang bilis mo siya makalimutan?" tanong ni Austin, bawat tanong niya ay tumatama sa akin at natatamaan naman ako.

"Pinaubaya ko siya sayo tapos ganito lang gagawin mo, makakalimutan mo agad?, kung alam ko lang na ganito mangyayari sana ako nalanh naging fiance niya" sabi ni Austin, nangingilid na ang luha ko.

"Austin tara na" sabi ko pero di parin siya umaalis.


"Klein, let's go, dont waste your time here" - Tiffany. Di parin gumagalaw si Klein.


"I dont know what are you talking about" sabi nito.


"Kung ayaw mo na sa kanya pwes, AKIN na siya, your Arieselle since grade school, high school and college is now MINE, tutal may Tiffany ka naman na diba?" pang aasar ni Austin at umalis kami dun.


"Sira, bat mo yun sinabi?" sabi ko, hinarap niya ako.


"Gusto mo siyang bumalik sayo diba, kung yun ang gusto mo tutulungan kita, ipapaalala ko sa kanya lahat para maalala ka niya, para naman maging masaya kana, tignan mo ang lungkot lungkot mo" sabi niya at pinisil ang pisngi ko.


"You dont need to do that" sabi ko, pero umiling siya.


"Of course I will do that for you" sabi niya.





Naglalakad ako papuntang library dahil kukuha ako ng libro para sa assignment namin ni Jaira.

Habang naglalakad ako ng may humila sa akin, pamilyar itong nangyari, ito nung hinila ako ni Klein, nung bago niya sabihing may taning na ang buhay niya yun pala wala.

"K-Klein.." ang awkward ng ganito nakulong ako sa kanya, ang dalawang kamay niya ay nakadikit sa pader, one week na ang nakalipas simula nung naaksidente kami.

"Bakit?...bakit mo naipaparamdam sa akin ang ganito?" malaming niyang tanong.

"K-Klein.." utal kong tawag sa pangalan niya.


"Sino ka ba?" halos mapaluhod na ako sa kanya, nanlulumo ang tuhod ko sa sinabi niya.

Siguro kailangan ko ng tanggapin na nawala talaga yung mga alaala niyang kami ang magkasama.

Its unfair, ang daming babae na halos naikakama niya gabi gabi ako pa talaga yung nakalimutan niya.


Pwede naman na yung Tiffany na yun, pati ba naman yung kasalanan ni Tiffany sa kanya nakalimutan niya na.


"Ano ka ba sa akin?" tanong niya ulit..."bat ako nagseselos kay Austin dahil kasama ka niya?" tanggapin mo na Sandra, wala ng Klein, he's not joking anymore.

May mga tumulong luha galing sa mata ko, naalala ko nung iniyakan ko siya, nung first time dun sa airport, sabi niya gagawin niya lahat maging sa kanya lang ako.

Yung pangalawang beses ko siyang iniyakan, nung nalaman kong mamatay na siya, at pangatlo nung nasa hospital at pang apat rito.

"My heart beat faster when i see you, para akong mababaliw kapag nakikita kong kasama mo siya, why are you crying?" tanong niya.


Gusto ko siyang yakapin pero di ko magawa dahil alam ko namang tatanggalin niya.

"Pag umiiyak ka parang dinudurog ang puso ko sa piraso" nakakainis, bawat sinasabi niya luha lang ang nagiging sagot ko.

"Klein...wala ka ba talagang naaalala?" tanong ko ng humihikbi.


Umiling siya..."ikaw lang nagpaparamdam sa akin ng ganito, ayaw ko ng lumayo sayo kahit di kita kilala"  sabi niya.



Dinikit niya ang mukha niya sa mukha ko..."sino ka ba?" tanong niya ulit.

"S-Sandra...Sandra Arieselle Antonio" ngumisi siya.


"Mahal na yata kita Sandra... Pwede bang akin ka nalang" seryoso ba siya sa sinabi niya. Hindi niya ako naalala pero may nararamdaman siya.

Kahit nakalimot siya, di parin nawawala yung nararamdaman niya para sa akin, ganon niya pa ako kamahal.

"Akin ka nalang Sandra.." sabi niya at dinikit niya ang noo niya sa noo ko.

He's joking right?

"Are you joking?" tanong ko.

"No I'm not, I'm serious...dahil gusto ng puso ko na makasama ka"

He's not joking...









Accidentally Inlove With A Campus PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon