20. Dog Name, Max

4.4K 149 0
                                    


Sandra Arieselle

"Wooooooaaaaaah!, go Sandra , go Klein bagay kayo, whoah!" Sigaw ng isang babae, nagsigawan rin silang lahat.

Bumaba kami sa stage at dumeretso ako sa labas, sila Chloe na ngayon so invited sila.


Umupo ako sa isang bench, nakita kong may text si kuya.

Kuyalove:

Where are you? Suport mo naman si Klein at Kami.


Napanguso ako bago pumasok sa loob, nakatayo ako ng bigla akong hilain ni Ysa, kapatid niya at nakisingit kami, hanggang makapunta sa unahan.

"If you ever love me baby

Leave some morphine at my door

Cause it take a whole lot of medication

To realized that we use to have

We wont have it anymore"

"Go kuyaaaaaa Sandro!" Pagchecheer ko sa kuya ko, kumunot naman ang noo ni Klein habang nakatingin sa akin.

"GO KUYA KLEINMAX" Pagchicheer naman ni Ysa sa kuya niya.

"Theres no religion that could save me

No matter long my knees on the floor, oh oh

So keep in mind all my sacrifices I'm makin

To keep you by my side, to keep you from walking out the door"

"Hala ate, nakatingin siya sayo, crush ka ba niya" uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Hindi ah, were just friends" sagot ko.

"Cause there'll  be no sunlight

If i lose you baby

There'll be no clear skies

If  i lose you baby

Just like the clouds my eyes will do the same

If you walked away

Everyday it rain

Rain ra-a-ain.

Pagbaba niya ng stage dami kaagad pumulopot sa kanya kala mo ahas.

Napairap ako, "masanay ka na ate ganyan talaga yan, malapitin sa babae" napakamot naman sa batok si Klein, at nagtama paningin namin, agad akong umiwas.

Ganda tong reception infairness, tsaka dapat kasi kamag anak lang inbitahan nila tsaka other teachers para kahit sa bar nalang.

Sabagay, mayaman eh.





Umuwi na kami ni Pauleen dahil inaantok na kami, agad akong nagtalukbong ng kumot.

Nakakapagod, masyadong maraming nangyari ngayong araw na to.

Katabi ko si Pauleen na natutulog, nakatalikod ako sa kanya at bigla niya akong yinakap mula sa likod.

"Tulog na tayo" sabi niya at tumango lang ako, nakakaantok na kasi, pinatay ko yung lampshade sa table katabi ng kama ko. "Good night" sabi niya.


"Good night too" sabi ko at pinikit ang mata ko.




Nagising ako ng six a.m, tulog parin si Pauleen, deretso ako sa cr at naghilamos ng mukha.

Pagkatapos kong naghilamos at mag brush nagbihis ako ng black jogging pants at white t shirt.


Dumating na sila mama kagabi, may dala silang aso, i lalakad lakad ko muna.

Isang shih tzu na dog, so cute talaga, kakatabihin kagabi eh pero nakalimutan ko.


"Hey baby" bati ko sa kanya ng salubungin niya ako pababa ng hagdan, maliit pa tong shih tzu.


"Hey Sand, gising ka na pala" sabi ni papa.


"Yes pa, good morning ma, pa" bati ko, sinuklian naman nila ako ng matamis na ngiti at nag good morning rin.

Nagbabasa ng dyaryo si papa habang si mama nagluluto ng hotdog, bacon at pancake.


Binuhat ko ang dog ko, ano kayang pwedeng ipangalan, hmmm..yaw yaw?.

Ah ano, hmm, ilakad ko muna siya baka, makaisip ako.


"Ma, pa, ilakad ko lang si baby sa park na malapit" paalam ko at tumango lang sila.


Tinali ko yung leeg niya at nagsimula siyang maglakad palabas.


Di ko talaga alam, di ko alam kung anong ipapangalan ko sa asong to, Aries? Selle? Sand? Sandra? Nic? Colai? Leen?.


Gosh, ano ba talaga.

Nangmakarating kami ng park umupo ako sa isang bench.

Yvo? Axle? Max?, yah right max, parang Yvory MAXwell, o diba, pero si Klein, KleinMAX, ayaw ko no.

SIGNS, i need signs, pag may lumipad na lobo na kulay yellow at white dahil kasing kulay ito ng MAX na kendi, max ang ipapangalan ko dito sa shih tzu.


Haha, masyadong oa.


"Mommy, mommy, lumipad yung balloons ko, huhu" iyak ng isang bata, tumingin ako sa langit.

The heck, white na balloon na kasunod ang kulay yellow na balloon.


No WAY, isang sign pa.

Pagnakita ko si Klein na nakasuot ng red, kung makita ko siya dito, dito mismo sa park na to ngayon, Max ang pangalan.


Lumingon lingon ako sa paligid at nakita ang isang naka kulay red na lalaki, omg, si Klein, na.. Na may hinalikang babaeng naka short skirt, ang LANDI.


Putcha, nanghingi pa ako ng sign tapos makikita ko pa ang Kleinmax na yan na manlalandi dito sa park?.

Wag na, hell, bat ba kasi max pa gusto ko, Aries nalang pucha, I hate you Klein, teka bat ba ako affected.

"Tara na nga Aries, alis na tayo baka ibato ko sa mga malanding yun itong bench" sabi ko sa aso at binuhat siya.










Accidentally Inlove With A Campus PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon