AYRA POV.
Mas pinili ko munang umakyat sa aking kwarto kesa makipagsabayan sa mga lasing sa baba. Nag papafiesta sina Lolo dito sa probinsya namin kaya ako nandito kasama si Daddy.
Hindi ko maiwasang magalit kay Daddy, lalo na't 'one of the member' na siya sa ibaba.Simula kase nong makarating kami dito, may inihanda na si Lolo sa labas na mga pulutan at mga ibat ibang klaseng inumin.
Of course masaya rito, and then may few friends rin akong nakikilala. Mababait ang mga tao dito sa Baryo Kabantugan, fresh air, abondant product kagaya ng Mangga, strawberries, and coconuts. And full of forest area.
Ito nga ako ngayon nakatingala sa kalangitan habang pinagmamasdan ang malaking buwan, I'd never notice na full moon pala ngayun. Sorry walang signal dito sa probinsya, huli na ako sa mga update sa internet.
Kainis lalong lalo na isang buwan pa kami mag-stay dito.
And then isang araw palang kami dito, tila isang taon na ang itinagal nito para sa akin. Just calm down Ayra, bukas maghahanap tayo ng signal sa kabundukan baka may masagap tayo run.
Kaharap ng bonggalo na bahay ni Lola ay ang malawak na kagubatan,may ibat ibang klaseng puno rito.Ang tanging alam ko lang kasing puno Narra, and someothers hindi ko na kilala.
Wait, it's something na may parang bahay dun sa malayo. Ang pagkakaalam ko sina Lola lang ang may bahay dito sa lugar na ito. Ito kase yun, malayo pa ang bahay nina Lola from the center of this village.May kunting lalakarin pa bago makarating sa bonggalo nina lola.
At isa pa alam ko ang direksyon ng sentro ng village na ito, nasa north iyun and now nakatingin ako sa south-east na direksyon. Mas lalo ko pang idiniin ang pagtitig sa blackhouse, malabo ito lalo na't madilim sa labas. Tanging liwanag lang ng buwan, ang nagsisilbing ilaw sa kagubatan.
Hanggang sa marinig ko ang alolong ng mga aso or di kaya'y lobo sa kagubatan. Kinikilabutan na tuloy ako, mas lalo pa akong nagulat nang biglang pumasok si Lola.
"Dyos ko naman Lola,magkakaheart-attack ako sa iyo"bigla akong napahawak sa dibdib,bigla tuloy lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa gulat.
Napatingin si Lola sa akin at sinulyapan rin niya ang nakabukas na bintana. Walang ka emo emosyon si Lola, at dalidaling niyang nilapitan ang bintana at isinirado ito.
"Sa susunod wag mo muling subukan na buksan ang bintana. Lalo na't delikado sa labas.Nakikita mo naman ang kabilugan ng buwan,maraming gumagalang mga hindi nating ka-uri sa mga oras na ito "saad ni lola sakin.
Oh gosh seryuso basi Lola, hindi ko naisip yun, na baka may aswang,Engkanto,Kapre or.... or Bampira.
"Lola, sorry po. "panghihingi ng tawad ko sa kanya. Tumabi sya sa akin sa kama at hinawakan ang dalawa kung kamay.
"Kung ano man ang nakita mo Ayra, wag na wag mong subukang na puntahan iyun,naiintindihan mo ba ako?"seryusong tugon niya sakin habang tinititigan ako saking mga mata.
"Ang alin po, yung bahay na it---"hindi ko natapos ang sinabi ko ng biglang nag silent sign si lola.Nakatapat ang kanyang hintuturo sa kanyang labi.
"Kung gusto mo pang makabalik ng syudad,sundin mo ang sinabi ko. Maliwanag ba! "habilin sakin ni Lola.
Habang ako naman ay tumango tango nalang.
"Ouh,siya maiwan muna kita at aasikasuhin ko muna ang ibang bisita natin.."giit niya bago niya ako iniwan.
Lola's wierd, hindi naman siya ganito ka misteryoso kumilos. May mala URBAN LEGEND ba na kwento ang bahay na iyun or pinamumugaran iyun ng mga iba't-ibang klase ng ELEMENTO. Baka pugad nang WITCH,

BINABASA MO ANG
He's my Historic Guy
Historische Romane(COMPLETED) Hindi naging madali ang pagbabakasyon ni Ayra kasama ang ama sa probinsya,bukod kasi sa malayo ito sa bayan,mahirap ding makasagap ng signal doon. Kaya't hahamakin niya na maghanap ng signal sa labas papasok sa kagubatan. Hanggang mapagt...