Kabanata IX-Sandata

695 36 4
                                    

Ayra POV.

"Si Juancho!!!.."sigaw ko.Agad akong napatayo sa kinauupuan ko at mabilis  kaming tumakbo patungo sa pinanggalingan ng pagsabog.

Nag-alala ako sa posibilidad na mangyari kay Juancho,sana ay ligtas lang siya.

Hanggang sa marating namin ang isang malawak na salas. Napansin ko ang mga nagsisilakihang aparador na nakaharang at mga malahiganting kadena na nakagapos sa pinto.

Mula sa labas nakikita ko ang mga liwanag na nanggaling sa gubat,rinig ko rin ang mga sigawan nila at mga kalabog sa pinto na nais makapasok sa loob.

"Bakit nilabas niyo si Ayra, siya ang sadya nila dito."balisang tugon niya sa amin.

Biglang pumasok sa isip ko, hindi magagawang pasabugin nina daddy ang mansion lalo na't alam niyang nandito. Hindi sila yan, hindi yan magagawa sa akin.

"Juancho, makinig ka sa akin. Hindi ako ang tanging sadya nila, at lalong lalo na't hindi sila ang taong nais kumuha sa akin. Hindi magagawa nilang daddy na pasabogin ang mansion lalo na't alam niyang nandito ako."pagpapaliwang ko sa kanya.

Hindi niya ako pinansin at abala sa kanyang pagtutulak sa mga malalaking bagay na hinaharang sa pinto.

"Juancho, maari ba akong makatulong sa inyo?? "pagtatanong nung halimaw.

"Sino ka!?..Isa ka rin ba sa kanila?"gulat sa sabi ni Juancho.

"Wag kang mag alala,ako ito si Victor.Mahabang kwento,kailangan makatulong ako sa inyo ngayon!"agad nitong nilapitan si Juancho at tinulungan sa pagtutulak ng mga malalaking bagay.

"Ayra umupo ka muna rito, pupuntahan ko muna ang Heneral"saad ni Anyeras. Matapos niya akong iwan sa isang sofa, tumungo na agad siya sa itaas.

Patuloy paring kumikirot ang baywang ko, nangangalay ito sa tuwing gumagalaw ako.Hindi ko kayang nakikita silang abala sa pagpigil sa mga tao sa labas,habang ako dito aatakihin na sa sobrang kaba.Kailangan kong tumulong,may sapat pa naman akong lakas.

Aakma na sana akong tatayo nang biglang may isang malaking pagsabog mula sa labas ang yumanig sa buong paligid, napada ako sa sobrang gulat at takot.

Ipinikit ko nalamang ang mga mata ko, at gumapang patungo sa likod nang sofa.

Ilang sandali pa ay biglang tumahimik ang paligid, sinubukan kong lumingalinga sa gilid ko, ilang saglit pa ay biglang bumukas ang malaking pinto.

Nasulyapan ko ang mga tao na sunod sunod na pumasok sa loob, nasagip saking paningin si Juancho na nakatayo sa isang mesa. Sinenyasan niya ako na wag magsalita.

"Napakaganda ng mansion na ito, sigurado akong maraming kayamanan ang nakatago rito."rinig kong tugon ng isang lalaki.

Masyadong madilim ang paligid kaya hindi ko masyadong mamukhan ang mga taong ito. Unti unti silang naglakad at sinusuri ang bawat paligid.

Napansin ko sa gilid ko ang isang matigas na bagay, agad ko itong dinampot. Maari itong makatulong para maipanlaban ko kung sakali. Muli kong tiningnan si Juancho, ngunit laking gulat ko nang wala na siya roon.

Agad akong kinabahan,inilibot ko ang mata ko sa paligid upang hanapin siya at doon ko siya nakita sa kamay ng isang lalaki.

"Tignan mo Pre, sa tingin mo ano kayang tawag sa ganitong bagay."pagsusuri nito sa katawan ni juancho.

"Ano yan?"

"Ewan ko, mukhang galing ata to sa modernong panahon."pagtataka nitong sambit.

Wala akong ideya kung anong gagawin ko, si Juancho nasa kamay ng mga masasamang tao, si Anyeras at Adonis naman nandun kay Heneral.

He's my Historic Guy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon