Kabanata XXV-Consuelo

378 24 1
                                    

Noong mga panahon na umalis sa mansion sina Heneral Ansilmo at Ayra ay may hindi inaasahang nangyari sa loob nito.

Habang tahimik at payapa ang buong paligid.Abala naman ang lahat sa kanilang mga ginagawa.Si Adonis ay nasa silid-aklatan,abala sa kanyang pag-aaral,sina Anyeras at Victor naman ay itinuon ang  kanilang mga sarili sa paglilinis ng buong mansion, ang lahat ay may makabuluhang ginagawa,bukod sa isa

Consuelo POV.

"Tamang tama ang pagkakataong ito para isagawa ko ang layunin ko dito."nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mga kagamitan ko para sa aking misyon.

Andito ako ngayon sa aking silid,inihahanda ko ang sarili ko para gagawin ko mamaya.Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa tuwa.Hinding hindi magsisi ang aking pinuno na ako ang ipinadala dito.

Ako si Consuelo,kanang kamay ng aking pinuno na namamahala sa mga ligaw na kaluluwa.Tinitipon niya kaming mga kaluluwa na naligaw ng landas,at sama sama kaming nanalakay sa mga tao at sumasanib sa kanila.

Kinukuha namin ang kanilang mga kaluluwa at binibihag namin.Mas maraming kaluluwa mas marami kaming makukuhang lakas at kapangyarihan upang salakayin ang mga ibang mga kaluluwa hindi lamang mga patay kundi ang mga buhay.

Kaya't isang misyon ang ibinigay  sakin ng aking pinuno.Isang misyon na tiyak ko'y magbibigay ng panibagong pag-asa samin na mas lumakas pa.

Hawak hawak ko ngayon ang isang supot kung saan nakasilid ang isang mahiwagang abo na kapag naamoy na kung sino mang kaluluwa ,mawawalan sila ng malay.Pagkatapon ay kukunin ko ang kanilang mga kaluluwa na sumapi sa mga bagay na iyun at makukulong sila sa mahiwagang garapon ko.

At yun ang magiging unang hakbang ng aming tagumpay,mas lalo na kaming lalakas at pamumunuan namin ang buong mundo.

Bakas sa aking mukha ang kagalakan,dahil sisimulan ko na ang misyon ko sa loob ng isang silid aklatan.

"Humanda ka Adonis,ikaw ang magiging unang biktima ko."nakangiti ako habang pinagmamasdan siya.

Abala siya sa pagsusulat at pagbabasa ng mga libro,tambak tambak ang mga nagsisilakihang mga libro sa kanyang harapan.

Nagsimula akong maglakad patungo sa kanya kinauupuan.

"Tila abala ka ata sa iyong pag-aral Adonis."mahinahong tugon ko sa kanya.

Ngunit hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.Parang hindi niya ata ako narinig.

Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad muna ako habang sinisilayan ang mga nagsisilakihang mga libro.

Ibat iba ang mga dekalidad ng mga libro dito,merong mga malalaki at maliliit pero ang lahat ay luma na at medyo inaalikabok na.

Natigilan ako ng makita ko ang isang libro,lumingon ako sa kilalagyan ni Adonis,abala parin siya sa kanyang ginagawa.Ibinalik ko ang atensyon ko sa libro,agad ko itong kinuha sa kinalalagyan nito at binuklat ito.

"Tama ang alamat ng pula na buwan.."bulong ko sa sarili ko.

Ibinuklat ko pa ang sumunod na pahina,minaigi kong tiningnan ang bawat pahina na makita ko.At ilang sandali pa ay may nakita akong isang larawan.

"Sa pagsapit ng dilim sa araw ng mga patay lalabas ang pula na buwan sa kalangitan,magsisilabasan ang mga ligaw na kaluluwa,mas lalo silang lalakas at magiging makapangyarihan."

Napangiti ako ng mabasa ko ito,ito ang panahon na aming hinahantay ang panahon na inaasam naming lahat.Malapit na ito,ilang buwan nalang ang aming aantayin.

Muling kong ibinalik ang libro sa kilalagyan nito at itinago ko muna ang larawan na nakita ko.

Muli ako bumalik sa kinauupuan ni Adonis at sa pagkakataong ito nilapitan ko siya ng maigi.Alam niyang andito na ako sa kanyang harapan,pero hindi niya parin ako pinapansin.

He's my Historic Guy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon