Kabanata XVI-Pang aakit

497 23 1
                                    

Heneral Ansilmo POV.

Naglalakad ako ngayon patungo sa aking silid,kagagaling ko lang sa aming maliit na pagtitipon.Hindi ko parin naiintindihan kung bakit ko siyang pinayagan na gumawa ng misyon.Bukod sa iniligtas ko siya noong isang gabi,di ko parin sana siya maaring patuluyin sa mansiong ito.

Labis ang galit at inis ko sa kanya,hindi ko siya mapapatawad sa mga kalabastugan na ginawa niya sakin.

Hindi namin alam kung anong iniisip niya,hindi rin namin siya masyadong kilala.Baka may gawin siyang masama.Di ko talaga masisi ang sarili ko, kung may mangyaring hindi maganda.

"Papahirapan ko siya bukas,tingnan natin kung magtatagal ka dito sa mansion..."

Pagkarating ko sa loob ay napansin ko si Juancho na nakatayo sa gilid ng bintana,nakatalikod ito mula sa akin habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit.

"Juancho...mabuti na ba ang iyong pakiramdam?"bungad ko sa kanya.

Lumingon ito sa akin at tila nabigla sa pagdating ko.

"Uh..Mabuti na po.."mahinahon na tugon nito.

Tinungo ko ang aking malaking aparador,upang makapagbihis ng damit.Hinanap ko ang kasuotan ko na maluwag,mas komportable ako sa mga ganitong klase ng damit.

Habang hinubad ko ang damit ko ay napansin ko na biglang lumabas si Juancho na walang paalam sa akin.

Tila wala naman  akong narinig na nagpaalam siya.Nasanay ako sa kanila na sa tuwing aalis ay nagbibigay ng galang sila sa akin kundi nagpapaalam.

Siguro nakaligtaan lang niya ako,baka meron siyang kailangan daluhan.

Ayra POV.

Matapos naming kumain,bumalik na agad ako sa kwarto ko,hindi naman ako na-inform  na para sa akin pala lahat ng pagkain na nakahain kanina sa mesa.

Di ko tuloy masyadong maigalaw ang katawan ko sa sobrang busog ko.
Maingat akong umupo sa kama,habang hawak hawak ang tiyan ko nagmumukha tuloy akong buntis nito.Kainis napasobra ata ang kain ko kanina.

Ilang sandali pa ay di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Naalimpungatan ako ng naramdaman ko may parang tumutulak sakin,at paulit ulit na niyuyogyog ang katawan ko.

"Ano ba,natutulog pa yung tao eh..."pagrereklamo ko.

"Ganun ba binibini,pero mas mapapahimbing ata ang iyong tulog kung sasamahan mo ang mga lobo sa labas"tugon ng isang malaking boses.

Bigla kong naibuka ang mata ko nang marinig ang kanyang boses.

Shit,bakit ang aga niya.Hindi pa ako nakapaghanda.

Agad akong bumangon,at nakita ko siyang nakatayo sa harap ko.Masyado siyang desente ngayon,maayos ang pagkakasuklay ng kanyang kumikintab na buhok,at nakasuot siya ng puting pangsundalo na suit,kitang kita ko rin ang kanyang mga medalyon sa dibdib l.

Anong gagawin mo ngayon Ayra,kailangan mong mag-isip ng paraan.

Think! Think! Think!!

"Naku,ikaw naman Heneral di ka naman mabiro.Ipagpatawad niyo po Heneral sapagkat napasarap ang aking tulog sa inyung malambot na kama.Napakasarap tulugan ang ganitong kama tila limited ata ang mga ganitong kama,saan niyo po ito nabili Shopee??Lazada??."nakangising sabi ko aa kanya.

"Limited??..Shopee??.Lasada??"agad kumunot ang kanyang noo nang di maintindihan ang pinagsasabi ko.

Shit,Ayra ano bang pinagsasabi mo.Hindi nila alam yun.

He's my Historic Guy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon