"Did you get it, George?"
Tumango lang ako sa manager namin. Paanong hindi ko maiintindihan? Eh parang nga 27 times na siyang paulit-ulit sa sinasabi niya.
"This is really important, not only for me, but also for you and the whole company. They are our biggest client. We cannot lose them. We cannot afford to lose them."
"Yes sir, I do understand. Everything's going smoothly naman po."
"Good. You still have two weeks to finish the project. What percent are you in now?"
"Around 80 percent, sir?"
"80? Just 80 percent?"
Tumayo siya sa table niya kasabay nang paghampas sa lamesa. Medyo nagulat ako, pero hindi na ako umimik.
Toxic manager. Bakit hindi siya 'yung gumawa ng trabaho kesa pinagdadabugan niya kami dito?
Magrereklamo siya eh kami naman nagkakanda-hirap para matapos' yung project. Kami 'yung todo overtime dito.
Siya, utos lang nang utos, and what? Siya naman mas magbebenefit sa huli. He'll get more incentives than us who were actually the ones who suffered and exerted more effort.
Wala naman kaming magagawa kung ganun ang sistema nila. Ang akin lang, sana naman hindi na siya uma-attitude 'di ba? Eh kung nagsa-suggest na lang kaya siya nang gagawin?
"George! Are you listening? You should be almost finished by now. What's happening? Baka naman papetiks-petiks kayo ng team mo? "
"Almost? Hindi pa ba almost 'yung 80 percent?" Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong nagru-roll eyes sa isip ko.
"Sir, usually, two weeks before the deadline, project's only at 50 percent considering na one month lang binigay sa'min to do everything. We just want to make sure that we are meeting all the client's demands."
"So what do you want me to do? Thank you? Ayokong mabubulilyaso 'to, George ha? You'd take the responsibility kapag nag-fail tayo sa project na 'to!"
Biglang nag-ring 'yung phone niya. Thank God. Kasi naman, imbis na pinapagalitan niya ako dito at pinipressure, bakit 'di niya na lang ako pabalikin sa station ko para makapagtrabaho na ako 'di ba?
"I have to take this call. Again, do I make myself clear, George?"
"Yes, sir."
"Ichi-check ko 'yung project Wednesday afternoon. Get back to work now."
Bumaling siya sa phone niya at sinagot ang tawag nang buong ngiti at puno ng energy. I never liked that smile. It symbolizes money-money-money!
Tumayo na ako at lumabas ng office niya. Ang aga-aga, argh.
"Good morning. George!" inemphasize pa ni Morgan ang good. Nandito siya sa labas ng office ng manager namin at naglalagay ng tubig sa tumbler niya.
"Mas malapit ang station natin sa pantry, dito ka pa talaga sa water dispenser malapit sa manager's office kumukuha ng tubig?"
Tumawa naman siya.
"Makiki-chismis lang sana ako. Magwa-one hour ka na yatang nasa office ni boss."
Nagkibit-balikat lang ako.
"Ichi-check niya raw 'yung project sa Wednesday afternoon."
"Oh, nakaleave ako sa Wed ha?"
"Shit, oo nga pala. Pero okay lang."
"Malapit naman na matapos 'yon 'di ba?"
"Yeah, pero nagalit pa siya nung sinabi kong nasa 80 percent pa lang 'yung project."
BINABASA MO ANG
Sa Loob ng Pitong Araw (Calyx's Story)
RomanceHow long will it take for someone to fall in love? Are seven days enough? George, a tough and independent woman who refuses to believe in destiny begins to question what love is after meeting Calyx, a man who is doing well in everything except in mo...