Kinabukasan, tumawag agad ako sa boss ko para sabihing hindi ako makakapasok dahil sa nangyari.
Naka-bantay pa rin ako kay Grey dito sa ospital. Ngayon ay nailipat na siya sa ward.
Natahi na ang sugat niya sa ulo at nalagyan na rin ng semento ang fracture niya sa kaliwang braso.
Nagising na rin siya nang sandali mga bandang alas nwebe nang umaga pero hindi ko muna siya kinausap dahil halatang nanghihina pa siya. Medyo sumasakit pa rin ang ulo niya kaya sinabi kong matulog muna siya ulit.
Ilang beses na ring dumating ang nurse at doktor na nag-aasikaso sa kanya para i-monitor ang kanyang kondisyon. So far, okay naman ang lahat kaya medyo panatag na ako, although, hindi pa siya naipapa-MRI.
Ngayon ay nanonood lang ako ng movie dito sa TV sa kwarto niya. Mag-isa lang akong nagbabantay dahil mga bandang alas sais ay pinauwi ko na si Calyx para makatulog na rin.
Nahihiya rin ako sa istorbong nagawa ko kagabi. Sinabi niya namang okay lang dahil wala naman siyang pasok ngayon at wala rin siyang gagawin na school-related, pero kahit na.
Maya-maya lang ay may biglang kumatok sa pinto kaya sandali akong tumayo para tingnan kung sino ito.
"Ma'am, food po for the patient."
"Thank you."
Tumungo lang ang food attendant bago umalis at tumuloy na sa pag-aabot ng pagkain sa iba pang mga pasyente.
"Ate?"
Napalingon ako kay Grey na ngayon ay tinutulungan ang sarili niyang makaupo sa higaan.
Nagmadali naman ako agad at itinabi ang pagkain bago inadjust ang higaan niya para naka-sandal pa rin siya.
"Okay ka lang? May masakit ba sa'yo?"
Umiling naman siya bilang tugon.
Inayos ko ang unan sa bandang ulo niya at hinanda rin ang food table.
"Ang sabi ng doktor, so far okay ka naman daw. May times lang na baka may kirot sa ulo mo dahil katatahi lang ng sugat mo, pero kapag may kakaiba kang naramdaman, sabihin mo agad ha?"
Napahawak naman siya sa ulo niya na ngayon ay may benda pa. Parang ngayon niya lang na-realize 'yung nangyari sa kanya.
"Kain ka muna?" tanong ko matapos ayusin ang pagkain sa table.
Kanina, habang natutulog siya ay bumili rin ako ng mga prutas at iba pang kailangan sa malapit na mall dito sa ospital.
Rice, baked chicken, soup at side dish na vegetable salad, actually, puro broccoli na salad ang pagkain para sa pasyente.
"Okay ka ba dito sa food mo? Gusto mo, bumili ako ng iba?"
Umiling lang siya ulit at sumenyas na okay na 'yung food sa kanya.
Lumapit naman ako para subuan siya dahil hindi rin siya makakain mag-isa dahil may cast ang kaliwang braso niya.
"Ikaw?" tanong niya matapos ang unang subo. Paunti-unti lang at sinasabawan ko nang marami dahil medyo masakit daw sa ulo kapag ngumunguya siya.
"Okay lang. Bumili na ako ng food ko kanina. Mamaya na ako kakain after mo."
Sandali ulit na nanaig ang katahimikan sa aming dalawa habang patuloy ko siyang sinusubuan ng pagkain.
"Tanda mo ba kung anong nangyari sa'yo?"
"Ang alam ko lang, naka-motor kami ni Raf. May nag-overtake. Tapos naramdaman ko na lang na tumilapon kami tapos hindi ko na alam." mahina ang boses ni Grey, pero malinaw din naman siyang magsalita.
BINABASA MO ANG
Sa Loob ng Pitong Araw (Calyx's Story)
RomanceHow long will it take for someone to fall in love? Are seven days enough? George, a tough and independent woman who refuses to believe in destiny begins to question what love is after meeting Calyx, a man who is doing well in everything except in mo...