Kabanata XVII

75 5 6
                                    

"Huy, ano itong naririnig kong chismis sa office na may something daw si Bella tyaka 'yung Darwin?" tanong ni Max matapos naming sabihin sa waiter ang mga order namin.

Friday ngayon at nagkayayaan ang team na mag-dinner after ng shift namin dahil kakasahod lang din.

Pumayag naman ako sa lakad na ito dahil naalala ko rin na hindi man lang nakapag-celebrate ang team namin after nung successful big project last July.

"Darwin? Eh 'di ba, bago pa lang 'yon?" si Rob.

"5 months pa lang yata. Tanong natin kay Faith, bilang batchmate niya si Bella." natatawang usal naman ni Drew.

Kami ni Morgan ay nakikinig lang sa kanila dahil sa totoo lang, hindi naman kami aware sa mga chismis sa office.

"Ahmm. Medyo complicated kasi. 'Di ba close kasi 'yung mga TL nina Bella at Darwin, so nung bagung-bago pa ito si Darwin, tapos nalaman nilang crush siya ni Bella, tinuksu-tukso na silang dalawa."

"Kanino ba silang mga team?" si Max.

"Si Bella kay TL Nancy, si Darwin kay TL Mich."

"Oh. Kaya pala. Sila rin talaga 'yung makukuda kapag mga ganyang asaran eh." dagdag pa ni Max.

Actually, parang sina Faith at Max na lang ang nag-uusap, dahil nakikinig na lang din sina Rob at Drew.

"Tapos ayun nga. Naging parang MU naman ito sina Bella at Darwin. Laging magka-text at magka-chat, pero confused na si Bella kasi raw wala silang label. Hindi niya raw alam kung napi-pressure lang itong si Darwin sa pang-aasar ng mga TL nila. Hindi rin daw niya matanong, kasi baka raw parang napaka-desperada niya naman daw."

"Pvta, sa trabaho, hindi siya napi-pressure, pero sa lovelife, oo?" hindi namin mapigilan matawa sa side comment ni Drew.

"That's it! That's the comment." dagdag pa ni Morgan.

"Tyaka ano 'yon? High school? Walang label? Yuck." si Max.

"Ewan ko sa kanila. Eh ngayon, parang inaasar din kay Darwin si Mara. Tapos mukhang pa-sweet din ito si Darwin dun. Hindi maka-angal si Bella kasi wala naman daw siyang karapatan dahil hindi nga naman daw siya girlfriend."

"Sinong Mara?" tanong ko. Hindi ko naman kilala mga tao sa office eh. Ang mahalaga, kilala ko teammates ko, friends ko at mga boss ko.

"Sa team yata ni TL Mico. Batchmate rin ni Darwin." sagot naman ni Faith.

Natigil naman sandali ang usapan nang dumating na ang mga inorder namin.

"Mga lalaki talaga!"

"Hoy, loyal ako sa'yo ah!" pabirong umirap lang si Max sa sinabi ni Rob.

"Pero seryoso, ikaw George, payag ka nun? Naniniwala ka ba sa mga walang label label na ganyan?"

Natigilan naman ako sa tanong ni Max.

Ang totoo niyan, hindi ko alam. Dahil kahit mag-iisang buwan na kaming ganito ni Calyx, wala naman kaming napag-usapan kung ano ba talagang status ang meron kami.

Tyaka ko lang din na-realize noong tinanong ako ni Grey last week. Sa halip na magsabi ng totoo, sinabi ko na lang na walang something sa'min ni Calyx maliban sa close lang talaga kami dahil ayoko rin na magalit siya dito kung saka-sakali.

"Wala namang alam si George sa ganyan!" natatawang sagot ni Morgan.

"Hindi naman kailangan ng experience dito no. Ano lang--in a girl's perspective, payag ka ba sa ganun?" tuloy pa rin si Max at lahat naman sila ay parang naghihintay ng sagot.

Sa Loob ng Pitong Araw (Calyx's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon