Kabanata XII

74 6 0
                                    

"Tita, pasensya na po talaga ha? Half-day lang po talaga 'to, promise!"

Ngumiti naman sa'kin si Tita Elvie. 

"Ano ka ba! Okay lang kahit gabihin ka pa. Ako nang bahala kay Grey. May mga gamot ba siyang kailangan inumin?"

"Meron pa po, pero binilin ko na po sa kanya tyaka naka-set na rin po sa alarm niya. Ayoko naman pong maging abala masyado. Gusto ko lang po na may kasama siya habang wala ako para sigurado."

Tumango ang mama ni Raf at inulit sa'kin na okay lang talaga sa kanya. Nagpaalam na ako bago lumabas sa bahay nila at dumiretso sa kotse kung saan naghihintay si Calyx. 

Masaya ako dahil naging okay ang resulta ng MRI ni Grey. Luckily, walang internal injuries na nakita kaya naman pinayagan na siyang ma-discharge. 

Sinundo kami sa ospital ni Calyx around 9:00 a.m at dito kami dumiretso sa bahay nina Raf para ibilin ang kapatid ko. 

"Kumusta?" tanong niya nang pumasok ako sa sasakyan. 

"Ayun, dumiretso agad si Grey sa kwarto ni Raf pagpasok namin. Buti na lang, okay kay tita na iwan muna siya dito. "

"Don't worry, hindi naman masyadong matagal 'yon. Hahatid na lang kita dito after."

"Okay lang. Tara na?"

Ngumiti siya bago pinatakbo ang sasakyan. Buong byahe, aaminin kong kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. I mean, Morgan, Jam and Joanne will be there too, so I should at least feel more at ease now. 

"Paano sila Morgan?"

"Si Joanne at Morgan, sabay na raw pupunta sa venue since pareho silang manggagaling sa Alabang. Si Jam, doon na lang din kikitain tutal may sasakyan naman siya."

"You know what, seeing you right now makes me feel so under-dressed. " hindi ko maiwasang ibahin ang usapan nang ma-realize ang get up ni Calyx. "There you are so formally looking with your button down polo shirt and pants and here I am wearing ripped jeans and a statement black shirt that says weird. Is this fine?"

Tumawa naman siya sa tanong ko. Inirapan ko lang siya. P*ta, seryoso pa naman ako.

"C'mon George, you look perfect."

Tumingin siya sa'kin at ngumiti. P*ta. Umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko mukha na akong hinog na bell pepper sa pagka-pula. 

"Thanks, now eyes on the road." sabi ko. 

Nakita ko pa sa aking peripheral view na ngumiti ulit siya nang bahagya na may kasama pang pag-iling bago ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho. 

Jusko, hindi ko na talaga alam kung pleasure ba 'to o torture eh. 

----

Pagdating sa venue, kumpleto na sina Morgan na ngayon ay nasa bandang gilid at nakahiwalay sa ibang mga tao sa labas ng shop. Nakabukas na ito, pero may nakaharang pang malaking ribbon sa pintuan. 

"Guys, bakit kayo nandiyan? Bakit hindi kayo lumapit doon?" tanong ni Calyx. 

"Maya-maya na pre. Nakakahiya eh. Kapag nag-start na lang 'yung program." paliwanag ni Jam. 

Sasagot pa sana si Calyx nang may babaeng tumawag sa kanya. Nagpaalam siya sa'min at sinabing tawag siya ng parents niya kaya kailangan niya muna kaming iwan. Tumango lang kami bilang tugon. 

"So kumusta ang may pa-service today?" pa-simpleng bulong sa'kin ni Morgan.

Nginitian ko siya nang sarcastic. Ayan na naman siya sa mga issues niya. 

Sa Loob ng Pitong Araw (Calyx's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon