Kabanata XXI

73 3 7
                                    

"Huy, Jam, timpla ka na, para masimulan na natin!"

Sigaw ni Morgan mula sa kusina na kasalukuyang inaayos ngayon ang mga pinamili naming groceries. 

"Si George na! Kapag ako nagtimpla, magrereklamo na naman kayo na lasang-lasa pa rin 'yung gin!"

Hinampas ko naman ng unan si Jam. 

"Sabihin mo, tinatamad ka lang talaga!" inirapan ko siya nang pabiro bago tumayo at pumunta kay Morgan. 

"Thanks, George!" rinig ko pang sigaw ni Jam. 

Birthday ni Morgan ngayon at may pa-staycation siya dito sa isang hotel sa Tagaytay. Actually, medyo pagod pa kaming lahat dahil dumiretso kami dito galing shift sa office. Kumusta naman 'yung traffic na ginawang almost four hours 'yung byahe na sana ay one and a half lang?

Ngumiti lang si Morgs pagdating ko sa kusina. 

"Happy birthday ulit, baks!"

Ngumiti naman siya at nagpasalamat ulit. Actually, alam na nilang lahat ang tungkol kay Morgan. Akala ko, may matindi pang pagri-reveal na magaganap pero casual niya lang sinabi kina Joanne at Jam habang nagla-lunch kami last Tuesday.

Tumawa lang si Jam at sinabing hindi na raw siya nagulat. Si Joanne lang ang medyo maraming tanong kagaya ng kung paano niya na-discover sa sarili niya na gay siya at since when. 

Apparently, nagkaroon ng high school reunion itong sina Morgan last July. Nakita niya ulit 'yung lalaking classmate niya na mahilig niyang asarin noon pero for some reason, ang appealing na raw ngayon. Naging close sila and eventually, umamin itong guy na gusto niya si Morgs not only as a "friend".

Umiwas daw siya nung una dahil it made him realized na pareho sila ng nararamdaman. 'Yung pag-amin daw nung guy 'yung parang naging confirmation niya sa sexual orientation niya. Hindi niya matanggap nung una dahil sa takot din. I mean, we all know how fvcked up the society is para sa mga taong tulad niya. 

Alam na rin ni Calyx. Since hindi siya sumasabay sa'min kumain, sinabi raw sa kanya ni Morgs nung nagpang-abot sila sa elevator last Wednesday. Ginaya pa niya 'yung reaksyon ni Calyx na nagkibit-balikat lang at sinabing "You're still Morgan though." Ha! Akala niya cool?

Speaking of, hindi ko nabanggit sa kanya 'tong staycation before nung incident namin at wala ring naikwento sina Morgs kung makakapunta siya so I assume na hindi. Mabuti na rin 'yon, para hindi ako natu-torete. 

Hinahalo ko na ang gin at pineapple juice nang biglang may kumatok sa pinto. Napatingin naman kami ni Morgan kay Jam na tatayo na sana mula sa kama para buksan ito. 

"Ako na!" sigaw ni Joanne na kalalabas lang sa CR. Katatapos lang niyang mag-shower at magbihis ng pajamas na binili pa talaga ni Morgan para sa'min. 

Hindi namin tanaw ni Morgan ang pinto mula sa kusina kaya nakatingin lang ako sa reaksyon ni Jam. 

Nang marinig kong bumukas ang pinto, kita ko naman na tumayo si Jam at ngumiti. 

"Nice! Look who's here!"

Napanganga na lang ako nang makitang lumapit si Calyx na nakangiti rin at yumakap sandali kay Jam para bumati. Sunod naman siyang nakipag-high five kay Joanne na halatang masaya rin na nandito siya ngayon. 

Lumingon siya sa kusina at sandaling nagtama ang aming paningin. Umiwas agad ako. Pvtang ina, ayan na nga ba ang sinasabi ko. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

Maya-maya lang ay nasa harapan na namin siya. Inilapag niya ang kanyang cake na dala sa lamesa at niyakap si Morgan para bumati. 

"Happy Birthday, Morgs!" ngumiti naman siya nang magbitaw sila. 

Sa Loob ng Pitong Araw (Calyx's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon