Kabanata V

97 6 10
                                    

Nagising ako sa amoy ng bawang na ginigisa sa kusina. Ang bango, shit! Kailan pa nagkaroon ng kusang-loob si Grey magluto?

Tyaka ako tuluyang napadilat at napabalikwas ng bangon. Ugh, George! Wala ka sa bahay niyo.

Humarap ako sa salamin at nagulat na naman sa unicorn PJs na suot ko. T*ng ina, hindi ko talaga alam kung paano ko naatim isuot ito.

Lumabas ako ng kwarto at naabutan si Calyx na busyng-busy sa pagluluto.

Naramdaman niya naman yata kaya lumingon siya sa'kin at ngumiti. Pucha, gusto ko sanang kiligin, kaso hindi nga pala ako naniniwala sa mga love shits.

"Good morning! Breakfast is ready."

Tumingin ako sa orasan at nakitang 9:00 a.m. na.

"9 na huh? Brunch?"

"Nope. Breakfast lang. Akala ko nga, naunahan mo ako sa paggising, pero buti na lang nauna ako para makapagluto."

"I am usually a morning person pero kung kagaya ng kama mo 'yung higaan ko, baka tulog ako all day."

Tumawa lang siya at inihain ang mga pagkain sa lamesa. Sinangag, sunny side up na itlog, tocino at hotdog.

"Coffee? Fresh milk? Tea?"

"Coffee."

Tumango lang siya at nagtimpla ng kape. Tinitingnan ko lang siya habang nakatalikod.

I am starting to get curious about this man. Ganito ba talaga siya? Is this some kind of a special treatment? Or it's just him being a natural accommodating kind of person?

"Have you ever had any girlfriends, Calyx?"

Tumingin siya sa  direksyon ko at inilapag ang isang tasang kape para sa'kin bago umupo sa harapan ko.

"Why do you ask?"

I shrugged bago siya sinagot.

"Curious lang. Are you always like this? Masyadong nice, gentleman kind of guy?"

"So inaamin mong nice and gentleman ako? Matapos mo akong awayin sa first meeting natin?"

Inirapan ko lang siya bago kumuha ng pagkain at inilagay sa plato ko.

"Ano nga?"

"Well, I did. I had three ex girlfriends, but the last one was many years ago. We're friends now, though."

"Bakit kayo nag-break?"

"She cheated on me?" nag-shrug lang din siya bago kumuha ng pagkain.

"Oops, sorry to hear that."

"You don't sound sorry at all. But it's fine. I am good."

"After her? Wala na?"

Tumingin siya sa'kin, bago sumandal sa upuan niya at humalukipkip.

"Meron. There was this girl who became so special to me..." sinabi niya ito nang hindi nakatingin sa'kin. I wasn't even sure where he was looking at. Nakatingin siya sa sinangag, pero hindi ako sure kung sinangag pa ba 'yung nakikita niya, o nagri-reminisce na siya. Narealize niya naman yata kaya bumalik siya nang tingin sa'kin. "... but yep, it did not turn out really well." dugtong niya.

Gusto ko pa sanang magtanong about doon sa girl, pero naramdaman ko na hindi niya gustong pag-usapan kaya nagsimula na lang akong kumain.

"Believe it or not, I was not really like this before. If I were the old me, malamang pinabayaan na kitang maghintay sa room mo kagabi. Most probably, sa grocery pa lang, hindi na kita pinansin kung ilang araw pa lang naman tayong magkakilala."

Sa Loob ng Pitong Araw (Calyx's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon