"Narinig mo?"
Tumango siya nang marahan.
"Saan doon?" muli kong tanong.
"Lahat." maikli niyang sagot.
Huminga ako nang malalim bago tumango nang marahan at tahimik. Nag-iisip kung ano nga bang dapat gawin sa ganitong klase ng sitwasyon.
Tumakbo? Itanggi? Magpanggap na parang walang nangyari?
"Tang ina!" mahina kong sambit habang nakatingin sa payapang mga bituin sa langit na para bang nang-aasar sa'kin dahil heto ako ngayon, gulung-gulo, sabog sa halu-halong emosyon na nararamdaman ko.
"George? George, is that you?"
Kumunot ang aking noo bago tumingin sa babaeng kaharap ko ngayon. Napailing ako nang bahagya dahil hindi ko matukoy kung sino siya.
"Yep, it's you!"
Hindi pa rin ako makapagsalita.
"I am Crystal. Sam's friend. We have already met here once, remember?"
"Ah." ngumiti ako nang bahagya. Naalala ko na pero I am not in the mood to socialize with other people. "Kumusta?"
"I am doing good. Uy, I heard your piece for tonight huh? Such a nice poetry."
Argh, why now Crystal? Why now?
"Thank you." halos pabulong kong sagot.
"Wait--I am sorry, are you okay? You look--"
Nawala ang atensyon ko sa kanya nang biglang hawakan ni Calyx ang kanang kamay ko.
"I am sorry. We have to go." usal niya kay Crystal.
Wala na akong narinig na sagot mula sa kaibigan ni Sam dahil agad din akong hinila ni Calyx paalis sa smoking area.
Binitawan niya ako nang makarating kami sa parking lot, sa harapan ng sasakyan niya.
"I am sorry for being rude. I just thought na wala ka sa mood to talk--"
Ngumiti lang ako nang mapait. There he goes again.
I was never a damsel in distress. I don't need a saving from a man or from anyone else. But ever since dumating siya, palagi na lang siyang susulpot sa mga panahon at pagkakataong hindi ko rin akalaing pagod na pala akong mag-isa.
For a moment, I accepted my weakness and let down my guard. Maybe, I indeed need saving too, and honestly, it feels good to have someone who always come to save you.
"Gusto ko nang umuwi." halos pabulong kong sabi habang nakatingin lang sa ibaba.
Wala akong narinig na sagot pero binuksan niya na rin ang pinto ng sasakyan.
----
Pareho kaming tahimik sa byahe.
Hindi ko alam 'tong nararamdaman ko. Nahihiya dahil sa mga narinig niya, relieved dahil finally nasabi ko na at nasasaktan dahil alam ko na naman ang sagot niya.
Pero 'yung pinakamabigat? 'Yung pag-asa. 'Yung kahit masakit na, aasa ka pa rin sa baka sakali.
Pumikit ako para magpanggap na tulog na, o kaya sana makatulog na lang talaga ako para hindi ko na kailangan harapin 'tong awkward na katahimikan sa pagitan namin ngayon.
Kaso hindi. Kahit anong pikit ko, gising na gising 'yung buong puso ko sa halu-halong emosyon na meron ako ngayon.
Should I say sorry? Should I ask him ano ba talaga ako sa kanya? Should I tell him to forget everything he heard because it was all for the sake of poetry? No. Too late for that.
Lumipas pa ang halos limang minuto bago kami nakarating sa harap ng apartment building ko.
Ito 'yung moment na hinihintay ko. 'Yung pwedeng-pwede na akong tumakbo papunta sa kwarto ko, magkulong at takasan na lang 'yung sitwasyon, pero heto ako ngayon, nakaupo pa rin sa sasakyan, hindi alam kung may gusto pa ba akong sabihin o may gusto lang akong marinig.
"George--"
"Okay ako eh." inunahan ko na siya. "Okay naman talaga ako noon. Tapos bigla kang dumating na magpapa-realize sa'kin na capable pala ako sumaya? Shit, capable pala akong magmahal?"
Tumawa ako nang sarkastiko. Hindi ko alam kung bakit ko pinutol 'yung sasabihin niya, pero baka hindi lang talaga ako handang marinig 'yung I am sorry, hindi ko alam speech niya.
"Wala naman talaga akong balak sabihin eh. Pero tingnan mo nga naman talaga 'yung pagkakataon, kung kailan ko piniling mag-drama sa isang tula, tyaka ka pa sumulpot sa bar na 'yon?"
Sa harapan lang ako nakatingin. Hindi ko kayang makita 'yung mga mata niya habang sinasabi ko lahat nang ito.
"Nung una, I was thinking about saying I am sorry. Pero naisip ko, why do people always have to feel sorry just because nagmahal sila ng maling tao? And don't even dare to say I am sorry too. Lalo na 'yang mga linyahan na hindi ko kasi alam na ganun na pala 'yung nararamdaman mo. That's bullshit."
Huminga ako nang malalim.
"The truth is, hindi ko alam kung paano haharapin 'yung mga ganitong klase ng sitwasyon. I'll just let you decide. Kahit anong gawin mo, tatanggapin ko. Kung gusto mong layuan na ako o kaya kalimutan mo na lang na may mga narinig ka, okay lang. Just--just let this night pass through, and I'll deal with it tomorrow."
This time, tumingin na ako sa kanya at naabutan ko siyang nakatingin din sa'kin. Ngumiti ako.
"Thank you sa paghatid."
Tinanggal ko ang seatbelt at binuksan ang pinto. Okay ako. Okay lang ako. Paulit-ulit ko itong sinasabi habang humahakbang papasok sa building.
"Paano kung ayokong kalimutan?"
Natigilan ako sa paglalakad.
Lumingon ako at nakitang naglalakad din siya palapit sa'kin.
"Okay lang din ba sa'yo?" dugtong niya pa.
"Huh? O-oo. Sabi ko naman sa'yo, ikaw bahala eh. Kung gusto mong magpanggap tayong hindi magkakilala o balik sa magkaaway kagaya nung si---"
"I like you."
Natigilan ako nang ilang segundo. Nag-iisip kung mali ba ako nang narinig o nanaginip na ako ngayon kahit halos kumawala na 'yung puso ko sa lakas at bilis ng tibok nito.
"Hindi mo ba ako narinig?" Hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahan akong hinila palapit sa kanya. Diretso siyang nakatingin sa mga mata ko.
"Ang sabi ko, gusto kita." muli niyang sambit bago ako niyakap nang marahan.
----
BINABASA MO ANG
Sa Loob ng Pitong Araw (Calyx's Story)
RomanceHow long will it take for someone to fall in love? Are seven days enough? George, a tough and independent woman who refuses to believe in destiny begins to question what love is after meeting Calyx, a man who is doing well in everything except in mo...