Mahigpit kong niyakap ang brown bag ng mga pinamili ko gamit ang kaliwang kamay habang binubuksan ang pinto ng unit ni Calyx gamit ang kanang kamay. Ugh. Bakit kasi nakalimutan kong magdala ng eco bag?
Sabado ngayon at may klase si Calyx, pero alam niyang nandito ako sa condo niya. Aalis kami mamayang 6 p.m. dahil nagyaya siyang mag-ride pa-Batangas. Naisipan kong paglutuan siya nang makakain muna kami bago umalis mamaya.
Isa-isa kong nilabas ang mga ingredients na pinamili ko at inilatag sa lamesa. First time kong magluluto ng pork kare-kare kaya good luck sa lasa.
Magsisimula pa lang sana akong maghiwa ng mga gulay nang makarinig ako ng katok sa pinto. Napatingin ako sa orasan. 11 a.m. pa lang. Mamayang 1:30 p.m. pa ang out ni Calyx kaya napakunot ang noo ko.
Nang sumilip ako sa peep hole, nakita ko si Jade na nag-aabang sa labas.
"WHAT'S----up?" mabilis na nagbago ang tono at expression ng mukha niya nang makita ako pagbukas ng pinto.
"George, hi." bakas ang pag-aalangan niya. "Ahmmm. Nandiyan ba si Calyx?"
"May klase siya ngayon eh. Mga before 2 p.m. pa siguro siya makakauwi." sagot ko.
"Ahh. Sige. Manghihiram lang sana ako ng power bank. He-he." tumingin siya sa'kin. "Sige, George, dito na ako. Thank you."
Tumalikod na siya pero tinawag kong muli ang pangalan niya.
"Pasok ka muna. Kokontakin ko na lang si Calyx kung saan nakalagay." paanyaya ko.
"Huh? Hindi na. Okay lang. Hindi naman ganun ka-importante."
"Jade, okay lang talaga. Kaya halika na, pasok ka muna."
Natigilan siya sandali at mistulang nag-isip bago bahagyang ngumiti.
"Sige." alinlangan niya pa ring sagot.
Tahimik kaming pumasok sa loob ng unit. Agad niya namang napansin 'yung mga gamit sa kusina.
"Nagluluto ka pala, naabala pa kita." komento niya habang nakatingin pa rin sa mga groceries.
"Hindi, okay lang. Hindi pa rin naman ako nagsisimula."
"Kare-kare ba?" nakangiting tanong niya.
Tumango ako. "Paborito niya raw eh."
"Naku, kailangan mo palang damihan 'yung kanin." pagbibiro niya pa.
Tumawa rin ako. It's obvious that she still feels awkward at ganun din ako, but I appreciate her effort of lightening up the mood.
"Text ko na lang si Calyx. Hindi ko siya matawagan kasi may klase yata siya ngayon."
"Sige lang. Salamat."
Agad din akong naka-receive ng reply kay Calyx na nasa bed side table daw sa kwarto niya ang power bank. Kinuha ko ito at inabot kay Jade bago bumalik sa ginagawa ko sa lamesa.
Nagpasalamat naman siya. "Need help with anything?" dagdag pa niya.
"Sa totoo lang, first time ko rin magluluto nito kaya hindi ko rin talaga alam kung paano." pag-amin ko habang naghihiwa ng sibuyas.
"Hmmm. Bago mo hiwain 'yan, unahin mo 'yung pagpapakulo ng pata. Medyo matagal kasi 'yon palambutin tyaka para matanggal 'yung scum."
Binitawan ko naman ang kutsilyo bago pumunta sa lababo para hugasan ang pata at para pakuluan.
"Kapag kumulo na?" tanong ko matapos buksan ang induction cooker.
"Itabi mo lang muna 'yung pata, tapos pwede mo nang itapon 'yung tubig na pinaglagaan. Papakuluan mo rin kasi ulit nang matagal 'yung pork after mong igisa sa sibuyas at bawang mamaya."
BINABASA MO ANG
Sa Loob ng Pitong Araw (Calyx's Story)
RomantikHow long will it take for someone to fall in love? Are seven days enough? George, a tough and independent woman who refuses to believe in destiny begins to question what love is after meeting Calyx, a man who is doing well in everything except in mo...