"George, convoy na lang kami sa inyo ni Calyx ha? Hindi na ako magpi-pin ng location sa maps."
Tinanguan ko lang si Jam bilang tugon. Palabas kami ngayon sa hotel kung saan ginanap ang aming company year-end party.
Hindi pa tapos ang buong program pero napag-desisyunan naming umalis na at lumipat ng lugar matapos i-announce ang nanalo ng grand prize sa raffle.
Malapit na kami sa pwesto kung saan naka-park ang mga sasakyan nina Jam at Calyx, pero nagta-tantrums pa rin si Morgan sa napanalunan niyang 470 mL pack ng mayonnaise.
"May kasama naman 'yang lock and lock, ayaw mo pa?" pang-aasar ko.
Masama siyang tumingin sa'kin bago nakasimangot na pumasok sa back seat ng sasakyan ni Jam. Kasama rin nila si Joanne.
Kasama naman ako ni Calyx sa sasakyan niya at papunta kami ngayon sa bar ni Sam. Ako na ang nag-suggest ng lugar dahil pare-pareho silang hindi makapag-decide kanina.
Mag-aalas dose na nang madaling araw nang makarating kami. Mas lalong maraming tao nang ganitong oras lalo na't kabi-kabila rin ang mga year-end parties.
Dahil sa dami ng customers, nagpakilala lang saglit si Sam sa mga kasama ko ngunit agad ding bumalik sa pagtatrabaho.
Nag-rent naman kami ng VIP room dahil wala nang pwesto sa labas. May videoke rin sa loob nito.
Habang hinihintay ang mga pagkaing inorder namin, tig-iisa kaming inabutan ng Christmas-themed paper bag ni Morgan.
"Merry Christmas, guys! Small token of appreciation ko na rin sa inyo for being so supportive of me sa biggest plot twist ng buhay ko this year. Thank you for accepting me."
Hindi namin maiwasang mapangiti. Hanggang ngayon ay proud pa rin kami sa kanya.
Nagpasalamat kami at itinabi ang gift ni Morgan. Napansin ko namang nagkatinginan sina Joanne at Jam, marahang tumango sa isa't-isa bago muling ibinalik ang tingin sa'min.
Inabutan naman nila kami ng tig-iisang bamboo tumbler na naka-customize sa kanya-kanya naming pangalan at may nakatali pang gold na ribbon.
"Sorry guys, hindi na namin naibalot." nahihiyang sabi ni Joanne.
"Huy! Ang cute naman nito. Thank you!" tuwang-tuwa namang komento ni Morgan.
Nagpasalamat din kami ni Calyx. Muling nagkatinginan sina Jam at Joanne at hinawakan ang kamay ng isa't-isa.
"Also guys, we would like you to know that Jo and I are in a relationship." nakangiting anunsyo ni Jam.
Nagkatinginan kami ni Calyx. Sandali ring nanahimik si Morgan para i-process ang sinabi ni Jam ngunit agad ding nang-asar nang makabawi.
"Kaya pala tumatanggi ka na kapag nagyaya ng inuman 'yung mga college friends natin."
Tumawa naman sina Jam at Joanne at sumang-ayon sa sinabi ni Morgs.
Sa aming tatlo, si Morgs ang maraming tanong sa dalawa. I looked at Calyx and he was just silently listening at them while smiling.
"Kung last month pa officially naging kayo, bakit hindi niyo pa sinabi agad sa'min? Patago-tago pa kayo, infairness naman sa inyo, panalo rin sa pagiging discreet huh?" may halong pang-aasar ang tono ni Morgan.
"Nahihiya kasi si Jo nung una, pero na-convince din nang sabihin kong proud ako sa kanya. Gusto ko siyang ipagmalaki at wala naman kaming dahilan para itago." tumingin si Jam kay Joanne, ngumiti at hinalikan ito sa pisngi.
"Eeew, yuck! Get a room!" kunwaring diring-diri na tugon ni Morgs. Nang maka-move on ay agad din itong ngumiti at seryoso nang nag-congratulate sa dalawa. Ganun din ako.
BINABASA MO ANG
Sa Loob ng Pitong Araw (Calyx's Story)
Lãng mạnHow long will it take for someone to fall in love? Are seven days enough? George, a tough and independent woman who refuses to believe in destiny begins to question what love is after meeting Calyx, a man who is doing well in everything except in mo...