Kabanata VIII

93 4 0
                                    

Tatlong oras.

Tatlong oras lang ang tulog ko kaya ngayon ay hindi ko mapigilan ang sunud-sunod na paghikab habang nagtitimpla ng kape dito sa pantry ng opisina. Halos nakapikit na ako habang hinihintay matapos ang pag-brew sa coffee maker.

"Mukhang antok na antok pa ha?"

Nakasimangot akong lumingon sa katabi ko. Lalong kumunot ang noo ko nang makita kung sino ito.

Si Calyx na naman. Paano ako hindi maiinis eh siya itong dahilan kung bakit wala akong maayos na tulog nitong weekend.

Inirapan ko lang siya at ipinagpatuloy ang pagtitimpla ng kape. Naglagay ako ng tatlong packs ng creamer at sugar. Hindi ko rin kaya ang masyadong mapait.

"Good morning!" bati niya ulit nang buong ngiti.

"Hindi mo ba nakikita 'yung mukha ko? Mukha bang good morning 'to?"

Napansin kong nag-iinit siya ng baon niya. Sino ba kasing nakaisip pagtabihin 'yung coffee maker at microwave?

"Ang sungit mo na naman. Nag-breakfast ka na?"

"May baon akong sandwich, pero sa table ako kakain." sagot ko habang hinahalo ang kape.

"Sumabay ka na sa'min ni Jam dito sa pantry. Magbi-breakfast kami. Nagluto ako ng pesto kagabi, share tayo?"

Heto na naman siya.

Huminga ako nang malalim.

"Hindi na. Wala rin akong gana."

Tinikman ko ang kape ko at nang okay na sa akin ang lasa, lumingon ako sa kanya at nagpaalam na mauuna na.

Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot at diretso nang lumabas sa pantry.

----

Pagdating sa station, tumungo ako sa table ko at ipinikit sandali ang mga mata.

Noong Sabado, pagkatapos naming mag-usap ni Morgan sa phone ay nakatulog na lang ako habang nag-iisip at umiiyak. Ni hindi na nga ako nakakain.

Linggo nang gabi, ganun pa rin ang sitwasyon ko hanggang madaling araw. Hanggang bigla ko na lang naisip, bakit ko ba siya iniiyakan?

Binalikan ko ang mga nangyari sa akin at narealize ko na I was not being myself these past few days. That was definitely not George.

Kasi George wouldn't even think about being in love in the first place, because she is not capable of loving. Wala na. 'Yung puso ko, parang isang ceramic vase na matagal nang basag at durog. Kaya paano ako magmamahal?

Naisip ko, this time of the year is always my weakest point. Masyado akong vulnerable dahil ganitong mga panahon ko naalala ang pagkamatay ng parents ko. Nagkataon lang na Calyx was there when I needed someone kaya inakala kong special ang nararamdaman ko sa kanya. But no.

I need to be myself again. I don't believe in love and never will I.

"Yosi tayo!" nagulat ako nang may biglang magsalita sa tabi ko.

Pag-angat ko ng ulo ay nakita ko si Morgan na kinukusot pa ang mga mata at mukhang puyat din.

Tiningnan ko ang oras. 8:32 a.m.

"Kararating mo lang?" tanong ko.

"Oo. Traffic eh."

"Traffic? O na-late ka ng gising?"

"Hang over."

"Ano, almost three days effectivity ng hang over mo?"

"G*go, uminom kami ng mga high school friends ko kagabi."

Sa Loob ng Pitong Araw (Calyx's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon