Kabanata VI

116 5 4
                                    

The thing about being in sales department, wala ka sa office most of the time. You are either working from home, or out somewhere negotiating with a potential client.

That is why I haven't seen Calyx both on Monday and today, Wednesday. Bago pa lang siya, pero lagi na siyang wala sa office samantalang MWF na nga lang ang schedule niya.

On a second thought, okay na rin pala ito, Hindi ko rin naman siya gustong makita ngayon dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin after what happened nung weekend. Naisip ko lang ulit noong Sunday night na sobrang weird pala talaga na sa kanya ako nakitulog, at hindi ko rin gusto na nag-iisip ako about destiny shits dahil lang sa sinabi niya. Most importantly, ayoko 'yung fact na parang nagiging ibang tao ako kapag kasama siya.

Morgan asked me how I celebrated my birthday noong nagkita kami nung Monday. Sinabi kong nag-grocery lang ako at wala nang iba.

Of course, hindi ko ikukwento kay Morgan na nakitulog ako kina Calyx. Lalung-lalo na sa kanya. Syempre, siya nga 'yung numero unong nang-aasar sa'kin doon.

Tinatapos namin ang project namin ngayong araw, para bukas, checking na lang. Sa Friday kasi ang meeting namin with the client.

Wednesday pa lang, pero pagod na pagod na 'yung buong pagkatao ko.

"Pssst, George."

Lumingon ako kay Morgan. Nag-sign naman siya ng yosi kaya tumango ako.

Nauna siyang maglakad palabas. Chineck ko ang orasan bago sumunod sa kanya. 3:30 p.m. pa lang naman.

"Oh, isang stick ka lang?" tanong ni Morgan nang mapansing hindi na ako nagsindi ng bagong stick matapos ang isa.

"Yep, wala ako sa mood mag-yosi."

Napaatras naman ang mukha niya at tiningnan ako na parang diring-diri.

"Teka lang ha? Medyo confused ako kasi George, palagi ka namang wala sa mood. Yosi lang 'yung time na nasa mood ka. Pati ba naman ito? Ganyan ka na ba ka-bitter sa life?"

"Alam mo, gago ka. Gusto ko lang bawasan." inirapan ko naman siya.

"Ay oh, may pagbabagong nagaganap. Change for the better kuno."

"Ubusin mo na lang 'yan okay? Kasi baka nakakalimutan mong busy tayo today?" lalo ko pa siyang sinungitan dahil ayoko nang magtanong pa si Morgan nang magtanong tungkol sa pagyoyosi ko. Ni hindi ko nga alam kung bakit ko sinabing gusto ko nang bawasan at lalong hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko may itinatago ako sa kanya.

"Ito na nga eh! Ang corny mo naman!" masungit niya ring sagot pero halata namang nagmadali rin.

Kinaskas niya ang natitirang baga ng sigarilyo sa semento bago itinapon sa basurahan.

"By the way, nagkausap pala kami ni Jam kanina sa cr bago kita yayain mag-yosi break. Sabi niya, invited daw tayo sa Friday para sa night out nila ni Calyx." pag-iba niya ng usapan habang nag-aabang kami ng elevator.

"What the fvck, night out? Anong night out?"

"Oo George. Night out. Alin sa parte ng night out ang hindi mo maintindihan?"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"I mean, bakit? Tyaka ayoko. Gastos lang 'yan." dugtong ko pa. Sakto namang dumating ang elevator at nauna akong pumasok.

"Celebration daw kasi na-close ni Calyx ang deal sa isang malaking web developer company dito sa bansa, and treat din daw ni Calyx."

"At si Jam ang nagyaya? Wow." sarkastikong komento ko.

Sa Loob ng Pitong Araw (Calyx's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon