It All Started With A Game 16
Angel Faith's POV
4 months later~~~~~
Apat na buwan na ang nakaraan pero hindi bumalik si riad.
Walang calls,message or emails wala talaga.
Nakalabas na din ako sa hospital at eto ako ngayon nasa school.
Okay na din kami ng mga barkada ni Clarence.
Mabait pala sila. Sila ang lagi kong kasama kung nasa school kami.
Isang araw may nabalitaan ako na nakabuntis si Riad.
May nag email sa akin.
At si Shayne Killopas ang nag email sa akin.
Ang kaaway ni Riad.
Ang sakit!
Akala ko pumunta siya sa states para ayusin ang mga problema? Pero bakit binuntis niya si Shayne?
Masaya na siya siguro.
Pero si kalel. Siya ang nag alaga at nag comfort sa akin.
Nanligaw siya sa akin.
Pero hindi ko pa rin siya sinagot.
si RIAD DAVERIC KOBAYASHI parin kasi ehhh
Kaya bukas na bukas rin pupunta ako sa states! Kailangan ko malaman ang lahat.
•••
Maaga akong gumising para pumunta na sa airport.
Si mommy at daddy din ang maghahatid sa akin sa airport.
Okay lang sa kanila na susundan ko si Ruad basta daw masaya ako.
"Anak, ready ka na ba?" Sabi ni mommy.
"Yes mom"
"Mamimiss kita anak!" Sabi ni mommy at niyakap ako.
"Mommy naman eh hindi ako magtatagal dun noh!"
"Oo naman Alexa!" Sabi ni daddy at niyakap din ako.
"Wag kang sumabat Reynold!" Sabi ni mommy hahahaha ang cute lang nila eh.
Pumunta na kami sa airport.
----------
*Airport*
"Anak mag iingat ka ha?" Sabi ni daddy.
"Oo nga anak. Mag ingat ka dun" sabi ni mommy.
"Opo mommy at daddy. Sige na po. I love youu"
"I love you too anak" sabi nila.
Sana sa pagpunta ko dun makita ko si Riad.
Kalel Clark / Clarence's POV
Hindi alam ni Faith na sinusundan ko siya. Sabi kasi ng mommy at daddy niya ay sundan ko lang siya baka mapaano pa at sumang-ayon naman ako.
Mahal na mahal talaga niya si Daveric na kahit walang kasiguraduhan na makikita pa niya ito ay hahanapin pa rin niya.
Sana ako nalang si Daveric .
"Rence!"
Sinundan ko ang tunog ng boses at si Faith pala.
Patay!
BINABASA MO ANG
It All Started With A Game (COMPLETED)
Teen FictionNagsimula sa isang laro... Ang buhay mong mapayapa ay bigla na lang gumulo dahil sa mga hearthrobs na dumatin sa buhay mo... Yung bestfriend mo na di mo inaakalang sasabihin niya ang sekreto sayo ay siya din ang naging isa sa mga dahilan na nagbago...