It All Started With A Game 18
Riad Daveric's POV
Sino ba yung babae? Sinaktan pa niya si shayne na wala namang ginagawang masama sa kanya!
Agad kong dinala si shayne sa hospital.
Nalilito nga ako eh. Bakit parang mas gusto ko pang tulongan yung babae kesa sa asawa ko kanina?
Pero wala na akong pake. Sana ligtas ang baby namin.
Hahanapin ko yung babae para pagbayarin siya sa mga ginawa niya!
Hindi pa rin lumalabas ang doctor sa kwarto.
Parang nangyari na to eh.
May niligtas akong babae. Si shayne siguro yun.
"Aaahhhhhhh" daing ko dahil sumakit bigla ang ulo ko.
Parati akong may babae na napaginipan at palagi rin blur ang mukha nito.
May pumasok na naman na alaala sa isip ko.
Nandun daw ako sa hospital at umiiyak. Nasaksak ang babae na dinaladala ko.
Alam ko hindi si shayne yun!
May pamilya pa ba ako?
May naiwan ba ako?
May minahal pa ba akong iba?
Si shayne lang ang nagmahal sa akin! At siya lang rin ang minahal ko.
Angel Faith's POV
Hindi ako makatulog! Si Riad pa ba ang kausap ko?
Opposite talaga siya sa nakilala ko.
Si Riad isang palangiti na tao.
Ngayon?
Isa ng masungit at strikto. (Na hindi ko pa nakikita ang expression na ginawa noon)
Si Riad ay hindi nagwawalk out. Hinding hindi ka niya iiwan sa ere.
Ngayon?
Iniwan niya akong tulala at umiiyak.
Si Ariad ay hinding hindi niya ako kayang saktan.
Ngayon?
Siya pa ang kumaladkad sa akin dahik sinaktan ko daw ang 'asawa' niya.
At ang huli
Si Riad ay isang matalinong tao na hinding hindi kaya utuin ninoman!
Kung nagpapanggap lang siya kanina, bakit niya gagawim ang hindi niya ginagawa noon? Kahit wala si shayne ay ginagawa niya.
Alam ko na may rason si Riad at hinding hindi ako susukong alamin yon.
Siya lang ang mahal ko dapat mahal parin niya ako! Respeto nalang sa feelings ko.
Kalel / Clarence POV
I want to make faith happy.
Kaya minessage ko si Daveric sa dating account niya na ginagamit niya pang private message niya sa mga biktima niya noon.
Dear Daveric,
Hindi mo na ba naaalala si Angel faith? Yung minahal mo? Yung hindi mo kayang iwanan? Yung nasasaktan ka na dahil nasasaktan din siya? Yung babae na kaisa isang minahal mo? Sana mabasa mo to! Alam mo ba na sobrang nasaktan si Angel faith sa mga ginawa mo? Naaawa ako sayo noon eh, dahil alam ko na ayaw mong iwanan siya! Pero bakit ngayon? Nagbulag bulagan ka ha? Isa lang masasabi ko sayo.
ANG SWERTE MO GAGO KA!
Alam mo ba na matagal ko ng gusto si Faith? Pero eto ako nagparaya para sayo! Dahil alam ko na mahal mo siya at mahal ka niya! Pero anong ginawa mo? Sinayang mo ang chance na maging kayo sa taong mahal mo! Isang perpektong babae si faith at nasa kanya na talaga ang lahat! Perp anong ginawa mo? Gusto niyang magpasagasa ng dahil sayo! Gusto niyang mamatay Daveric. Yung taong pinakamamahal mo ay gustong mawala na sa mundong ito ng dahil lang rin sayo! Kung mababasa mo man ito, sana magsisi ka sa mga ginawa mo. At sana kung mababasa mo man ito, Ipaglaban mo siya.
-Ang iyong kaibigan-"
Masakit man pero magpaparaya ako para sa taong mahal ko at sa kaibigan ko. Gusto ko sila maging masaya.
Nagdadasal nga ako na sana hindi to ma kita ni Daveric. Ang gulo ko no? Ako na ang nag private message sa kanya, ako pa ang ayaw na makita niya ito.
Nagmahal lang ako.
Kaya gagawin ko lahat para maging masaya si Faith.
Kahit para na akong tanga.
💔💔💔
Haysssss pag-ibig nga naman kayang maging tanga ng mga tao!!
Hayyy buhay!!!
Payuhan niyo nga sila readers!!
•••
Dont forget to...
Vote 🗳 Comment 🖊 Share 💌
BINABASA MO ANG
It All Started With A Game (COMPLETED)
Novela JuvenilNagsimula sa isang laro... Ang buhay mong mapayapa ay bigla na lang gumulo dahil sa mga hearthrobs na dumatin sa buhay mo... Yung bestfriend mo na di mo inaakalang sasabihin niya ang sekreto sayo ay siya din ang naging isa sa mga dahilan na nagbago...