IASWAG 34

262 1 0
                                    

It All Started With A Game 34

Third Person POV

Nakalabas na ng hospital si Kalel kasama ang tita niya. Ang nasa isip lang niya kung ano talaga ang kasalanan niya kay Edison.

Ngayong araw ay pupuntahan niya ito sa bahay nila, wala kasing pasok ngayon dahil saturday na.

Pinauwi muna ni Kalel ang kanyang tita at pinuntahan na niya ang bahay ng kaibigan.

Palapit na sila sa bahay ni edison ng may nakita siyang pamilyar na tao na nakaupo sa gilid ng kalsada lutang na lutang.

Si edison.

Agad siya bumaba sa kanyang sasakyan at pinuntahan ang kaibigan, nakompirma niya nga na tulala lang ito dahil hindi nito namalayan na nandun pala siya sa tabi nito.

Tinignan lang niya si Edison.

"Edison" tawag na nito sa kaibigan.

Tumingin si francis sa gilid at gulat na gulat.

"Anong ginagawa mo dito?" Sabi ni edison.

"Papunta sana ako sa bahay mo pero nakita kita dito kaya umupo muna ako sa tabi mo pare" sabi ni Kalel na ngumingiti pa.

"Walang hiya ka gago!" Yan ang sabi ni edison at biglang sinuntok si kalel.

Nagulat sikalel pero hindi siya lumaban kundi hinayaan lang niya ang kaibigan na saktan siya.

"Oh bakit? Bakit hindi ka lumaban ha? Ang weak mo pala!" Sabi ni edison at tinuloy parin niya ang pagsuntok kay Kalel.

Natigil na siya mga 3 minutos ang nakalipas, napagod ito.

"Sorry" yan lang nasabi nasabi ni Kalel sa kaibigan pagkatapos siya suntukin nito.

Imbis na magsorry o tulongan man lang si Kalel ay umalis lang ito na umiiyak.

"Sorry kaibigan ko" parang isang bulong nalang ang sinabi ni Kalel.

Sinundan ni Kalel si edison at nagtanong.

"Edison, pare ano kasalanan ko sayo?" Tanong ni Kalel habang naglalakad at sinusundan ang kaibigan.

Agad naman tumigil ng paglalakad si Edison.

Ang nasa isip nito ay

"Wow! At nagtanong pa siya"

"Pinatay mo lang naman ang kapatid ko!" Sagot nito sa tanong ni Kalel.

Nagtataka ang binata kung sino ang kapatid niya.

"May kapatid ka?" Sabi ni Kalel.

"Oo si beverly!" Sabi ni Edison.

Gulat na gulat si Kalel sa kanyang natuklasan.

At na recall niya lahat ng mga nangyari.

Malapit na niyang mahalin si Beverly kaso hindi pa rin niya malimutan si Faith.

Kaya para hindi na masaktan si Beverly ay nakipaghiwalay nalang siya dito. Si Beverly ay napakamabuting babae.

"Sorry hindi ko sinadya pare" yan nalang ang nasabi ni Kalel at lumuhod sa kaibigan.

"Parusahan muna ako Edison o patayin" dagdag pa niya

Tinignan lang siya ng kaibigan.

"I hate you!" Yan lang ang naging sagot ni edison at umalis na ng tuluyan.

'Kaibigan ko parin siya, di ko kaya' yan ang nasa isip ni Francis.

Hindi na niya itutuloy ang paghihiganti.

Dahil mas nangingibabaw pa rin ang pagkakaibigan nila kesa galit.

Riad Daveric's POV

"Sorry but there are no ways, I've do my best but it's just not enough. The person who have a  brain tumor survives less. But in your condition na complicate na talaga ang brain mo dahil sa pagkauntog mo at maliit nalang ang chances na makasurvive ka."

Yan ang sabi ng doctor.

Ngayong araw ay ang unang theraphy ko, unabsent lang din ako para mapacheck talaga ang kondisyon ko.

Mamamatay na talaga ako.

Tumahimik lang ako at yumuko.

Ang sakit na nalaman mo na bilang nalang ang nga oras ko.

"Mga ilang araw nalang ako mabubuhay sa mundong ito?" Tanong ko.

"Four months pero pwede naman ito maging mataas pa kung magpachemo ka. You have the chances to live longer but not as long as you expect."

I am ready?

I guess, I am.

Goodbye Angel Faith Laude! Ilang buwan nalang ako makakatapak dito sa lupa.

Sa apat na buwan na ito sisiguraduhin ko na nakahanap ka na ng mamahalin.

At si Kalel yun.

Angel Faith's POV

Ang lungkot ng araw ko ngayon. Eh kasi naman absent si Rence at Riad bakit ba sila wala?

Hays.

Hindi ako mapakali na parang may nangyayaring masama sa kanila o paranoid lang talaga ako?

Sa isang araw na hindi ko sila kasama ay parang isang taon ko na sila hindi nakakausap o nakikita. Ganito na ba ako ka baliw?

Siguro baliw na talaga ako. Waaahhhh

Bakit kung nasabi ko na sa sarili ko na mahal ko si Riad ay hinahanap ko parin si Rence? Nalilito na talaga ako sa mga pangayayari ngayon.

Sino ba talaga ang tinitibok ng puso ko? Dahil ako rin ay nalilito at hindi masabi kung sino talaga!

Ang sama ko siguro dahil palagi ko lang sila sinasaktan eh at puro problema ang dala ko sa kanila. Worth it ba na bumaba ako dito at bumalik? O mas worth it na nanatili nalang akong tulog at naninirahan na doon sa ibabaw?

"Ate Faith"

May tumawag sa pangalan ko kaya agad ako lumingon.

Yung kasama ni Riad kahapon. Yung may gusto sa kanya.

Tinitigan ko lang siya.

"Pwede ba tayo mag usap?" Tanong nito kaya agad naman ako tumango.

"Pwede hindi dito?" Sabi nito kaya sinundan ko nalang siya at napadpad kami sa abandonadong building sa university.

"Sorry ate Faith. Mahal ka niya, sana mahalin mo rin siya. Nagpaparaya na po ako"

Panimula nito kaya nanahimik lang ako.

"Sorry kung minahal ko siya. Sorry kung pinagseselos ka lang namin at sorry dahil minahal ko ang pinsan ko"

Nagulat ako sa sinabi niya.

Pinsan?

"Pero bakit mo sinabi to sa akin? Na magpinsan kayo?"tanong ko

"Dahil gusto ko po malaman niyo na mahal na mahal ka niya!"sabi niya

💖💖💖
O to the M to the G!!
May brain tumor si riad? Whats happening in the world naba!!
Ang landi talaga ni angel dalawa dalawa hahaha joke lang?!

Pero guyss hows this chapter ba hahah??

•••
Dont forget to...
Vote 🗳 Comment 🖊 Share 💌

It All Started With A Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon