It All Started With A Game 9
Angel Faith's POV
"Angel, gising na"
"Hmmmm"
"Gumising ka na o hahalikan kita diyan"gulat akong napadilat dahil doon
Si Kalel pala.
"Aalis na tayo" sabi niya.
Kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang oras at naku!!!!
Alas 4 ng umaga pa!
"Matulog ka nalang sa sasakyan Faith"sabi ni kalel
Para namang mind reader to. Kaya umalis na kami sa hotel. Ang dilim pa ng kalsada at nawala na ang harang na kahoy sa daan, minomonitor siguro ni Kalel kung anong oras kukunin ang kahoy.
Antok pa talaga ako kaya natulog muna ako.
"Faith, nandito na tayo"
Napadilat na ako ng mata. Nasa bahay na kami.
Paano niya nalaman ang bahay namin?
"Bakit mo alam kung saan ako nakatira?" Sabi ko.
"Kay Daveric"sabi niya
Huh? Nag uusap sila?
Lumabas siya ng sasakyan at binuksan ang pintuan sa gilid ko.
Gentleman pala to si kalel.
"Sige, salamat sa hatid" sabi ko.
"Sige, pupunta ka sa school mamaya?" Sabi niya.
"Oo malapit na ang exam eh."sabi ko
"Sige kita nalang tayo sa canteen"sabi niya
"Sige" sabi ko sabay ngiti.
Umalis na siya.
Riad Daveric's POV
Ayaw ko mang umalis ay kailangan ko.
Paalam Angel.
Mahal na Mahal kita.
Flashback~~~~~~
Nandito na kami sa school ni Angel ng biglang tumawag si tito. Magpapaalam sana ako kay Angel pero nandito pala si Kalel naguusap sila kaya lumayo muna ako.
~Tito Calling
Accept/ Decline.
Bakit napa tawag si tito? May problema ba?
Agad kong sinagot ang tawag niya.
"Hello tito" sabi ko.
"May problema Daveric"sabi ni tito
"Ano po?"tanong ko
"Ang kompanya ng daddy mo ay namomroblema sa pera. May handang tumulong sa atin pero may kondisyon" sabi niya.
Para akong kinakabahan eh.
"Ipapkasal daw kayo sa anak niya na may gusto sayo." Sabi niya.
Hindi ako papayag!
"Tito alam niyo naman na si Ang---"
Hindi niya ako pinatapos.
"Dalawa lang ang pipilian mo Aldrich Ang tulongan tayo at mapalago ang kompanya ng dahil sa partnership o babagsakin nila ang kompanya at wala ng matira nito kahit katiting" malungkot na sabi ni tito
BINABASA MO ANG
It All Started With A Game (COMPLETED)
Teen FictionNagsimula sa isang laro... Ang buhay mong mapayapa ay bigla na lang gumulo dahil sa mga hearthrobs na dumatin sa buhay mo... Yung bestfriend mo na di mo inaakalang sasabihin niya ang sekreto sayo ay siya din ang naging isa sa mga dahilan na nagbago...