IV

7 0 0
                                    

SILI: SingLiit

Maligayang bati magigiliw na mambabasa,
Ating usisain ang nababali-balitang pagtaas nitong mga bilihin;
Inflation rate sa Pinas ay on-going
Kaya ang munting sili ngayong pang 1k na't demanding.

Siling tig pipiso dalawa noon ang presyuhan,
Naging instant star sa merkado't bilihan;
Numero-unong isyu ng bayan,
Hala, sige, 1k sa isang kilong maalab.

Sa facebook, sa twitter, at pati sa news online,
Patok na patok ang latest and hottest story of the month;
Kesyo naging 1k na ang presyuhan,
Ginagawang big deal ng ilan.

Kasing hot ng sili ang rambulan,
Di lang sa harap ng court pati na sa senado;
Ginisang asado, asintado, pintado,
'Pagkat sa mainit na umpakan ni trillanes at pangulo.

Approaching Ompong made its way
We forgot that there's a SuperTyphoon waving its name;
Dahil sa letcheng sili na 1k na laging laman ng aking newsfeed,
Baka by friday or saturday many people will grieve.

Sing liit ng mungo ang utak ng ilang Juan,
May pang load for data, may pang party, pang gimikan;
Pero pagtaas ng bilihing bigas, big deal sa pinas,
What will be the future kung malabo naman?

(Background Story of the Poem: Ito'y naisulat noong 2018 kung saan sikat ang balita patungkol sa mataas na presyo ng sili sa pamilihan at kumalat ang isang meme  na ang isang munting sili ay katumabas na isang libong piso, upakang Trillanes at Duterte, at paparating na bagyong ompong na isang supertyphoon category habang ang mga letche ay nagtatalo pa rin sa pamosong sili.)

I/EntityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon