XIV

6 0 0
                                    

PAG-IBIG

Isang kapangyarihan na walang papantay,
Isang armas na minsang nabanggit sa Florante at Laura,
Hahamakin ang lahat para maisakatuparan
Gaano man ka lagim ang maging kaduluhan.

O ikaw "Pag-ibig" ang tinig ng pusong di magmamaliw,
Dakila ka, itaas ka, lumaganap ka,
Pagkat ika'y nasa rurok ni bathala.
Ang kalakasan ay kasing tindi ng mga ugong ng alon sa dagat,
Daluyong na pumapaibabaw sa lupaing tuyo't tigang,
Pag-ibig, kapangyarihan mo'y walang katulad.

Iyong pinagbubuklod ang mumunting mga hibla na mahina,
Pinag-iisa na kasing lakas ng tatag ng mga bakal,
Ngunit sa iyong kagandahan kung ito'y nagamit sa kamalian,
Ito'y tulad ng bakal na maaring mangalawang.

O Pag-ibig, huwag mo sanang hayaang rumupok ang pusong-lito,
Sa iyong walang kaparis na lakas ay di ka magawang igapos sa tamang daloy;
Nakakamangha ka ngunit nakakatakot ka,
Kaya'y ituro mong mabuti sa aking isipan ang tamang paraan,
Maituro ito ng tama sa aking laman,
Nawa ang puso'y di masugatan.

I/EntityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon