Wednesday
9:00 am
Aya's pov
sa may entrance ng bahay/ vacation house/mansion
"sigurado kang hindi ka sasama samin ngayon?" tanung ni Miyu kay Dennis
"susunod ako mamaya, magt-text ako sainyo pag papunta na ako, medyo urgent lang kasi ung nangyari kaya kailangan ko mag-stay muna" paliwanag ni Dennis sa amin
"Ang daya,akala ko ba bawal mag-aral or mag trabaho pag bakasyon?" naka pout kong sinabi kay Dennis
"Sorry na.. urgent lang talaga, sorry talaga, babawi ako ^_^" sagot nya sakin
"Promise?" tanung ko ulet
"Yup promise! ^_^" sagot naman nya
"Ang corny mo naman..." sabi ni Ran
"wag naman kayong ganyan, gusto ko din sumama, kailangan lang talaga ako mag stay for awhile, susunod ako.." sagot nya ulet
"Ang boring kasi pag wala ka ehh... iwan nalang din kaya ako? " tanung ko kay Dennis actually that wasn't supposed to be a question kung hindi isang statement implying, "nope, ayokong umalis ng wala ka"
"nope ^_^ di ako papayag, sumama ka na sakanila, enjoy! bakasyon to eh" sabi naman ni Dennis sakin
"hahabol ka talaga?" tanung ni Rei
"Promise hahabol ako, magt-text ako sayo kung papunta na ako" sabi ni Dennis kay Rei
"Sigurado ka?" tanung ulet ni Rei
"Bro, seryoso at sigurado ako" sagot ni Dennis
"Susunod daw sya and magt-text sya, tara na, kayo ung gustong mag ikot ikot dito eh, nasasayang ung oras kung kukulitin nyo lang syang sumama" sabi ni Rei sa amin
"Tama si Rei, iwanan na natin si Dennis, susunod naman pala sya eh" sabi ni Ran
"may point sila, sige na Aya tara na" sabi ni Miyu sakin then tumingin sya kay Dennis "and siguraduhin mong susunod ka samin ahh"
"Opo opo, promise po" sagot ni Dennis
"Haaay... fine... mag text kang panget ka ahh!" sabi ko kay Dennis although sobrang obvious na reluctant akong umalis.
"i will, i will promise." sagot sa amin ni Dennis habang naka ngiti
Sumakay na kaming lahat sa loob ng kotse then one of the windows rolled down and dumungaw ako
![](https://img.wattpad.com/cover/7058770-288-k186955.jpg)
BINABASA MO ANG
Ms. Rank 1 Meets Mr. Player (un-edited)
Teen FictionSa isang school, normal na na may matataas ang grades na tinatawag nilang straight A students, pero at the same time when they start losing focus ay nawawala sa ranking and napapalitan. This is a story about former mr rank 1 Dennis Mcknight na ngay...