That Friday afternoon at Nasugbu Batangas
Dennis POV
nakadating kami sa resthouse namin ng around 7:00 pm na. Nandito na si Mitch at si Josh pati ung secretary ni Layla nandito na din.
"oh, just settle down na muna" sabi ko sakanila habang nasa may living room na kami "We've got plenty of rooms naman dito kaya no need to share one" I added
magkatabi pa din kaming nakatayo ni Aya sa living room while watching Luke and Layla go up stairs. I looked at her for a second and I saw her fidgeting the hem of her shirt. Hinawakan ko ang kamay nya at nilapit ito sa labi ko to give her knuckles a quick kiss. Then I looked at her again.
"May problema ba?" I asked
she looked at me for a second then binaba nya ang tingin nya sa floor. I cocked an eyebrow, "There's definitely something wrong kung nagkakaganito sya" I thought to myself
I tipped her chin up to make her look at me "anung problema?" tanung ko ulet
she looked at me and her brows were furrowed "uhhmm, ngayon ko lang kasi na realize na business trip nyo to, di ba ako makaka-abala sayo?" she asked
What she said made me smile so I cupped her cheek with my right hand " nope, hindi ka makaka-abala, saka never ka naman naging abala sakin eh" sabi ko sakanya
"promise?" she asked
"yes, promise" I smiled at her and kissed her on the forehead then hinwakan ko ang kamay nya at dinala ko na sya sa taas kung nasan ang mga kwarto namin, hinatid ko na sya sa kwarto nya at inabot sakanya ang bag nya then bumalik na ako sa kwarto ko.
Maya maya ng konti a bumaba na ulet ako at dumiretso sa kitchen, nagugutom kasi ako eh, gusto ko kumain ng kahit na ano.
Pagdating ko sa kitchen, nakita ko si Luke na naksandal sa counter with his back facing me at mukang busy sa kung anu man ang ginagawa nya, dahan dahan akong lumapit kasi baka mamaya maistorbo ko sya or baka kasama nya si Layla dun, well I don't know. Pero knowing him, baka nga si Layla ung kasama nya so I turned at akma na akong maglalakad pabalik sa taas ng biglang
"Dennis!" tawag nya sakin kaya napalingon ako at tinignan ko sya "anung ginagawa mo dyan? samahan mo ko dito! nagugutom ako eh, ice cream lang ung nakita ko dito" sabi sakin ni Luke
naglakad ako papalapit sakanya at tinabihan sya sa pag sandal sa counter "bakit ka nga pla naglakad pabalik? ang snobber naman ng fafa Dennis ko~" sabi nya na parang nagba-bakla baklaan
I gave him a WTF look at biglang lumayo ng konti "tantanan mo nga ako Luke! konti nalang babagay na sayo yang ginagawa mo eh." sabi ko habang lumalayo pa din ng konti sakanya
BINABASA MO ANG
Ms. Rank 1 Meets Mr. Player (un-edited)
Novela JuvenilSa isang school, normal na na may matataas ang grades na tinatawag nilang straight A students, pero at the same time when they start losing focus ay nawawala sa ranking and napapalitan. This is a story about former mr rank 1 Dennis Mcknight na ngay...