Random Thursday afternoon
Dennis pov
"Hoy panget na abnormal! tulungan mo naman kaming gumawa dito ng bulletin board!" tawag sakin ni Ran
"eh? inaantok ako eh, mamaya nalang.." sagot ko sakanya
"sus! wala lang si Aya ganyan ka na" sabi nya ulet
"Ran's right kuya Dennis! make tulong us with the bulletin board! di namin reach ung mataas na part eh" sabi naman ni Lex
"ayaw! inaantok ako, saka pagod ako, si Rei nalang patulungin or kung sinu man na ibang lalake ang patulungin nyo sa inyo, inaantok pa talaga ako eh." sagot ko kay Lex
Nilapitan ako ni Miyu at bigla akong binulungan "sige ka baka mag effort nanaman si Rei para makuha ang attention ni Aya mo, ikaw din"
nawala ang antok ko at napatayo ako bigla sa sinabi ni Miyu, I just gave her a look then she smirked at me.
Ughh!! women! bakit ba ang dali nila akong naco-control? nung isang araw lang kung anu anung inutos sakin ng mommy ko, day after that si Layla dahil sa mga files namin then ngayon si Miyu. ANO BA? grrrr!
Oh well, ayoko namang mag-effort nanaman si Rei para lang magpapansin kaya tinulungan ko na sila. Nagpost lang naman ako ng nag post sa board dahil mataas nga ung bulletin board namin then maya maya pa ay nag c-cut na kami ng illustration board para sa dagdag designs ng bulletin board namin
"aray! tsk!" sabi ko sa sarili ko. Tinignan ko ang kaliwang kamay ko na natamaan ko ng cutter "langya! seryoso ba to?" tanung ko sa sarili ko habang nakatingin sa dumudugo kong middle finger
"oy? nangyari sayo?" tanung ni Ran
"wala wala, natusok ko lang ng cutter ung kamay ko, pero okay naman" sabi ko then tumingin ako kay Lex "Lex, may tissue ka sa bag mo diba?" tanung ko
"yes kuya, dun sa may outside pocket kuha ka nalang dun" sabi nya
Nilapitan ko naman ang bag nya at kumuha nga ng tissue sa bag nya at nilagay ito sa sugat ko para di na masyadong mag-dugo then bumalik ako sa ginagawa ko at tinuloy ang pag cut sa illustration board.
"Anak ng tokwa!" sabi ko nanaman. "Leche ah! ayoko na! di na kami bati nyang cutter nyo! dalawang beses na akong nasusugatan!" sabi ko saknila habang nilalagay sa upuan ung illustration board at ung cutter.
"Lex pahingi ulet ng tissue ah" sabi ko habang naglalakad papalapit sa upuan nya
"Kuya kasi! why are you so clumsy? puro cuts na tuloy ung hand mo" sabi nya
BINABASA MO ANG
Ms. Rank 1 Meets Mr. Player (un-edited)
Teen FictionSa isang school, normal na na may matataas ang grades na tinatawag nilang straight A students, pero at the same time when they start losing focus ay nawawala sa ranking and napapalitan. This is a story about former mr rank 1 Dennis Mcknight na ngay...