Chapter 8- A Week After

5.3K 103 5
                                    

" Mr. Fontanilla, why did you choose to jump?", tanong ng isang babaeng reporter

Pumayag syang magpainterview, nagbabakasakali na magkikita Sila ni Airah.

" I have a feeling that we are about to explode. And thinking that we're all gonna die, it's better to fight for my life. So Sabi ko sa sarili ko, kailangan ko ng tumalon mula sa eroplano"

Ang tapang nya no? Ang gwapo pa!

Narinig nyang side comments ng mga tao sa paligid. Kahit saan talaga sya magpunta hindi sya nawawalan ng fans at admirer.

" Wow! Pinahanga mo kami Warren! But According to the news may babae kang kasama na tumalon sa plane at nakasama mo ng ilang araw sa Croatia. Can you tell  us the whole story. Magkakilala ba kayo ng girl? Sabi ng iba baka daw isa ito sa mga girlfriend mo at magkasama kayo sa pagbabakasyon!"

Nagpantig sya sa tanong ng kilalang journalist na lalaki. Na kung hindi nya Lang iniisip ang reputasyon ni Airah minura na nya ito on National TV.

" It's not true, we are completely strangers when we board on the plane. In fact we had an argument before the incident. Nagkamali sya ng upo sa seat number ko."

Pinipigilan nyang wag magkwento ng tungkol kay Airah, she wanted to protect her!

" Pero pano nga na naging magkasama kayo? Pareho nyo Lang ba naisip na tumalon?", follow up question naman ng gay na showbiz reporter. Hinuhuli talaga sya ng mga ito tungkol kay Airah.

" When I decided to jump, I drag her! Ayaw nya pero pinilit ko sya. At wala syang nagawa kundi ang tumalon na rin"

Ohhh, exciting! Parang action movie!, side comments uli ng media.

" But why did you do that? ", mula sa isang news reporter

" Well, maybe I was afraid to do it alone. Mas malakas ang loob natin kapag ginagawa natin ito ng may kasama. Kahit pareho kayong natatakot. And maybe, I don't wanna die.. alone. That's why I need to drag her. But luckily, we both survived!"

" Mr. Fontanilla, what happened after you jump?"

" Excuse me but I have to leave. I have given my statement regarding the details of the crashed! I need not to answer all you questions especially if its out of the topic"

Tumayo na sya at naglakad, sinusundan pa sya ng mga reporters pero hinarang na ito ng mga body guard.

The second part of the story is all about him and Airah. Gusto nyang manatiling pribado ang mga nangyari sa kanilang dalawa, hindi para protektahan ang sarili, kundi para kay Airah. Ayaw nyang guluhin ang tahimik na buhay ng dalaga

" So what happen?", tanong ni Jules pagbalik nya

" I failed, I never saw her, hindi nya pinagbigyan ang invitation sa kanya ng media, which I think Tama lang. Kung nandon pa sya, mas lalo kaming pinutakti ng intriga. Those reporters! Personal na ang mga tanong, mga likas na tsismoso!"

" Anong plano mo ngayon!"

" Ipapalabas mamayang gabi yung balita. I was just hoping na sana mapanood nya. Na sana kapag nakita nya ko sa TV maalala nya kong muli. Magkaron ng way para kontakin nya ko. Nagtatampo ko sa kanya, bigla na lang syang umalis ng walang paalam. Parang nabalewala na ko ng dumating ang rescue team. Parang wala kaming pinagsamahan"

" Nagdadrama ka? Seryoso ka ba?"

" Mukha ba kong nagbibiro?"

" Kinikilabutan ako sa iyo Warren! Naaksidente ka Lang nagkaganyan ka na. Hindi kaya nakalog ang puso mo sa pagtalon mo sa eroplano? At si Airah ang una mong nakita ng maalog sya! Para kang may sapi!"

" Tulungan mo na lang ako maghanap kung anu ano sinasabi mo! It's been a week since the last time I saw her, I really missed her!"

" Ang hirap naman para tayong naghahanap sa kawalan! Kumusta na nga pala kayo ni Zoey? Gago ka nagkita Kami last night sa bar iyak ng iyak, nakipagbreak ka na daw sa kanya!"

" Sa una lang yun. She will forget me soon. She's beautiful and she's smart, napakaraming lalaki ang sasalo sa kanya. She doesn't deserve me. I'm an asshole, hindi ako marunong magmahal! She's just wasting her time. Mas mabuti ng tapusin ko na kesa patagalin ko pa ang agony nya"

" Sabagay, eh lolokohin mo lang din naman sya in the end. Pero wala ka ring magagawa na kahit napakaraming nagpapantasya sa kanya eh ikaw pa rin ang mahal ni Zoey! Alam ba nya na kaya mo sya binreak dahil kay Airah?"

" No, Wala syang alam kay Airah! And beside it's not the real issue between us. You know for a fact that I fall out of love. At bago pa ko umalis ng Pilipinas, bago pa ko maaksidente, bago pa may mangyari sa min ni Airah, I have decided to break up with her. Dun na talaga Kami papunta, walang kinalaman si Airah dito."

" Oo alam ko pare, nandon na tayo. Pero mas napabilis lang kasi, hindi mo man lang dinahan dahan yung tao. Pagbalik mo mula sa accident binreak mo agad agad, to think na sumama pa sya sa mga rescuer. Najustify mo yung ginawa mo dahil may bagong babae na sa buhay mo"

Hindi sya nakakibo sa sinabi ni Jules, dahil lahat yun totoo! Simula ng bumalik sya wala na syang inisip kundi si Airah, at umiikot ngayon ang oras nya sa paghahanap sa dalaga!

Hanggang ngayon napapanigipan nya pa rin ito gabi gabi. Walang araw na hindi nya ito naisip. Nararamdaman pa rin nya ang malambot na katawan ni Airah sa pagtulog. Napakarami nyang pending na trabaho. Napakaraming pinalampas na opportunity para lang sa isang babaeng ni hindi nga nya alam ang kumpletong pangalan.

Airah, what have you done to me? Bakit ako nagkakaganito?!
------------------------------------------
AIRAH:

Walang gana syang bumangon sa araw na yun. Iniisip pa Lang nya na magkikita Sila ng strange husband nya nababadtrip na sya.

They will meet with their respective lawyers to settle their conjugal properties. Mabuti na lang at hindi rin sya nagkaanak dito. Kung hindi habang buhay silang may pag-uusapan ng lalaking yun!

He's full of himself! Arogante, mayabang! He thought that he's a gift to mankind. Walang Wala naman sya sa kalingkingan ni Warren! Huh?! Warren again?!

Sinaway nya ang sarili. Hindi na dapat nya naiisip si Warren. Close book na ito dapat, at Tapos na ang bonus chapter nilang dalawa.

" Hello my beautiful wife! It's been a while. Parang pumayat ka yata? Did you suffer a lot ng maghiwalay tayo? "

" Oh well, I'm on a diet. Vegan diet! Ayoko na kasing kainin ang mga hayop!", inemphasize nya ang huling sinabi, nakita nyang napailing ang dating asawa.

" Hindi ka pa rin nagbabago Airah, Mataray ka pa rin. Would you like to proceed now?"

" Yes please, gusto kong matapos na ang lahat ng ito. Attorney, shall we?"

" Bakit ba nagmamadali ka palagi pag nagkikita tayo? Itong gwapo kong to iniiwasan mo?"

Tinaasan nya Lang ito ng kilay at sarcastic na ngumiti.

" O come on Tim! Alam mong hindi ko kayang tumagal sa kayabangan mo. Wag ka ng magpacute, hindi na umaandar sa kin ang karisma mo!"

Nagsimula na silang magpirmahan ng mga documents ng maramdaman nyang umiikot ang paningin nya. Masakit din ang kanyang ulo at tila naduduwal sya.

Kinabahan sya... hindi kaya??!!

" Airah! Airah what happen?!"

Tuluyan na syang nawalan ng malay

Three Days Two NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon