" Come on Airah, relax! I'll assure you, mababait ang parents ko", pinisil ni Warren ang kamay nya
Napakilala na niya si Warren sa pamilya, and as expected, gustong gusto ng lahat ang binata at botong boto para sa kanya. Now it's her turn! Haharap sya sa pamilya ni Warren, hindi lang sa family nito, kundi sa buong clan dahil isasama sya ng boyfriend sa reunion ng mga Fontanilla! Kinakabahan talaga sya.
He belong to a rich family here in the Philippines while she's a nobody. Isa syang separada, Wala talaga syang maipagmalaki.
" Hey, you're beautiful. They will gonna like you. I am proud and happy to be with you. And in the event na may masabi sila sa iyo, nothing will change. Ikaw pa rin ang babaeng gusto ko!", kinintalan sya nito ng halik para payapain sya
Naging moral booster nya si Warren, mahal sya nito. At yun ang importante. Kinapit nya ang kamay sa braso nito at huminga ng malalim bago sila pumasok sa hotel ng mga Fontanilla.
Natutok sa kanila ang paningin ng lahat, humigpit ang kapit nya kay Warren, parang gusto na nyang lumubog sa kinatatayuan. Napaka elegante ng hotel, at masasalamin ang karangyaan sa pamumuhay ng mga Fontanilla na naririto. Sa table ng parents ni Warren sila dumeretso.
" Ma, Dad, I want you to meet my girlfriend, Airah! Sweetheart, my mom and dad!"
Ilang na ilang sya ng bumeso sa mga magulang ng kasintahan. Hindi nya maiwasang manliit. Inalalayan syang umupo ni Warren.
" I'm glad you make it iha. Tama nga ang kwento ni Warren, you are so pretty, pero sobrang timid", nagbiro ang mommy ni Warren, medyo gumaan ang loob nya.
Hindi talaga sya mahilig umattend ng mga gathering. She's a certified introvert! Mas gusto nyang magkulong sa bahay. Ni wala nga syang masyadong kaibigan. Kahit ng bata pa sya, tahimik na talaga sya at mahiyain. Madalas napagkakamalan ding snob at suplada.
Nagtayuan ang lahat ng may biglang dumating. Nagkislapan ang mga camera. May mga press pala!
" We would like to acknowledge the presence of Mr. and Mrs. Altamirano. And of course their beautiful daughter is also here. Zoey!"
Narealized nya na pamilya nila Zoey ang dumating, bigla syang nastress. Naramdaman yata ni Warren ang bigla nyang pagkaasiwa, hinawakan nito ang kamay nya.
" It's fine sweetheart, I'm here, I will not leave you!", pag-assure sa kanya ng binata
" Excuse me, I'll just go to the restroom", paalam nya rito
" Are you okay? Or do you want me to accompany you? "
" No, Im okay. Kaya ko na to. Stay here, makipagmingle ka naman sa mga relatives nyo. Don't worry about me. I'll be fine"
" Okay sweetheart, bilisan mo lang. I will not go around without you. Kailangan kang makilala ng lahat. I want them to know kung sino ang babaeng nagpatibok ng puso ko"
Kinilig sya sa sinabi ni Warren bagamat natetensyon sya sa kaisipan na ipapakilala sya nito sa lahat ng kamag-anak. She was so uneasy!
She went to the CR para magretouch ng may pumasok at narinig nyang inilock nito ang pinto. Bigla syang kinabahan. And when she looked at the mirror, the familiar image of a woman make her shiver!
" Hi Airah, it's your name right? By the way I'm Zoey, friend of Warren!"
" Y-yes.. I know you. You're famous, and everybody knows you", pilit syang ngumiti. Nag-uusap sila sa reflection ng salamin
" You know what, you're too lucky, Warren really loves you. Wala pa syang babaeng dinala sa pamilya kahit kailan. Much more, ang ipakilala sa buong clan ng mga Fontanilla"
May lungkot sa mga himig ni Zoey. Hindi nya alam kung bakit sinasabi nito sa kanya ang isang bagay na alam na nya. Knowing that he chose her over Zoey, nakaramdam sya ng guilt feelings. Hindi sya makatingin ng diretso sa dalaga.
" Zoey.. I'm sorry for what happened between you and Warren... "
" Don't feel sorry Airah, iniisip mo ba that you are the reason why we broke up? It's not you Airah, it's not even me, it's him! This is not all about us, this is all about Warren. He doesn't want a commitment. He restrain himself from falling. Bata pa Lang Kami gustung gusto ko na sya. And I am the happiest girl in the world when he courted me. Pero gaya ng dati, bumalik sya sa default. Ayaw na nya uli, nagsawa na sya uli. That's his nature Airah.. but that was before... bago ka nya makilala!"
" He's a changed man! I can attest to that. When we were together ang dami nya pa ring fling, ang daming in between. I cannot be enough for him. Lagi pa rin syang kulang, lagi pa rin syang empty kaya bumabalik sya sa cycle ng pagiging babaero. But when he met you, everything was changed. His always happy and inspired. Bagay na hindi ko nakita sa kanya. Walang ibang mahalaga sa kanya noon kundi ang negosyo at ang sarili nya. But now, marunong na syang magpahalaga. "
" Zoey... "
" Hindi mo sya inagaw sa kin. Matagal na kaming tapos ako na lang ang umaasa sa wala. Papunta na sya sa pagkawasak sa sarili nya, but you saved him! And I cannot thank you enough for doing that. You change our man!"
Hindi nya napigilan ang umiyak sa mga sinabi ni Zoey. Yung image ng dalaga sa TV na sweet, soft, and kind totoong totoo sa realidad. Ngayong nakaharap nya ito at nakausap ng personal mas lalo nyang hinangaan ang beauty queen.
But above all those things, she cried for the fact na mahal na mahal talaga sya ni Warren. How can she be so selfish? Pinapaasa nya Lang ito na may forever sila gayong alam nya na sandali lang sila magkakasama. Masasaktan nya Lang ang binata.
" Hurry up! Your man is waiting for you outside. I'll go ahead"
" Zoey sandali", tawag nya sa dalaga.
Napahinto ito sa tawag nya at muli syang hinarap.
" Can I ask you a favor... a huge favor", nanginginig sya, pero wala ng ibang paraan
Napamaang ito sa kanya. Nagtatanong ang mga mata.
" Okay, basta kaya ko, why not!"
" Zoey, I know this is crazy. But please, don't give up on Warren! Wait for him. And... do everything to make him fall for you again!"
Hindi agad ito nakapagreact sa sinabi nya. Napailing ito at tinarayan syang bigla.
" What??!! Are you insane?! Airah, I don't understand! Nag-usap na tayo, akala ko okay ka na. But why are you doing this to Warren? Why are you doing this to yourself?!"
" I'm sorry Zoey.. I know you don't understand me. Pero sana.. wag mong sukuan si Warren. He will be needing you. Please... "
" And what makes you think na gagawin ko ang sinabi mo? I'm still in love with him. But I am not desperate to chase the man who's no longer in love with me. Whatever your reason is, I'm sorry.. but I can't! You love each other, at anuman ang problema nyo, labas na ko dun."
Paglabas ni Zoey tumangis sya ng tumangis. Malalim na iyak ang kumawala sa kanya, para syang mapuputulan ng hininga. Warren doesn't deserve her.
When she saw him again akala nya settled na sya sa decision. Akala nya okay na ang mga plano nya na magkakasama Sila ni Warren hanggang bawian sya ng buhay. But realization hit her! Isa syang makasariling tao na hindi iniisip ang magiging epekto nito sa taong mahal nya sakaling iwanan na nya ito at hindi na sila muling nagkita.
Mabigat ang loob nya na umalis sa lugar na yun. Ni hindi na sya nagpaalam pa kay Warren!
BINABASA MO ANG
Three Days Two Nights
RomantizmTwo Strangers in One Fatal Accident. One isolated island... They will do everything to survive For 3 days and 2 nights!