Wala akong nakita o naramdamang galit ni Dave para sa'kin this past few days ...Actually,everyday pa rin siya nag-ooffer kung pwede niya akong ihatid pauwi sa bahay pero ako na tumatanggi...May hiya na rin naman ako kahit papa'no...And I think, mas nagiging close kami ni Dave like being bestfriend's..We're always chatting in messenger.
Dave: hey doll, what you doing now?
Napangiti ako sa endearment ni Dave sakin..Nagreply agad ako sa message niya...
Emie: wala,higa lang at Facebook:)
Dave: Nice :) Sipag ahh doll ;))
Emie: Sira! Doll ka diyan!
Dave: hehe! Bakit bagay naman aah 'doll..
Emie: heh! Ikaw ano ginagawa mo?
Dave: Asa kabilang baranggay kami dumayo ng basketball...naglalaro kami ngayon ehh
Emie: Busy ka pala?Sige maglaro ka na...
Dave: Maya na, nag sub ako...mas importante ka kaysa sa laro ;)
CHUCKZ!!Kinikilig ako aahh...
Dimwit Dave!!!Dave: oh?di ka na nagreply? Baka tulog ka naman na doll?
Emie: Nope,
Dave: Ahh sige 'doll..laro muna ako,later ulit...
Medyo nadismaya naman ako..
Emie: Ah okay,
Dave: And by the way,Em...I just want to say I already miss you.See you on Monday :)
Napangiti ako sa huling chat ni Dave...
"Haayyyss Em ....haba ng hair mo..." natatawang kausap ko sa sarili ko bago isinubsob ang mukha ko sa unan...
----
Monday,
"Morning..." masiglang bati ko sa lahat ng nasa room na medyo maaga ako ngayong pumasok..
Excited lang kasi pumasok eh.
Or excited ako para makita si Dave??
Nahh...ewan ko na sa sarili ko ang gulo ko na..."Oh masaya ka ata ngayon?" si Wilma.
"Hindi naman..." nakangiting tugon ko at inayos na ang bag ko sa upuan ko. 7:26 a.m. pa lang naman kaya kukunti pa kami.Start kasi ng klase namin 8am.Lumingon ako sa likod.
"Sinong hinihintay mo?Si Dave nuh?" sita sakin ni Wilma kapagkwan.
Siyempre in-denial queen ang Lola niyo nuh..Aamin ba ako?No way!Lalo na sa intrigerang to? Haha,NO NO NO!!
"Wala nuh..bat ang aga mo ngayon?" pag-iiba ko sa usapan.
Umirap naman siya sakin. "Cleaners ako diba sa Monday?" sabi niya
"Oh yun naman pala?Bat di ka pa maglinis?"
"Wala pa si Mae Ann," sabi niya.
Sus style talaga nito bulok.Hinihintay pa nito si Mae Ann na leader ng group nila para daw makita nito na naglilinis siya at saka pa lang daw siya maglilinis para macheck'an ang name niya na naglinis.Dakilang mautak talaga tong si Wilma.Tsss-.
"Oh bess parating na si Mae Ann!" imporma ko sa kanya ng matanaw ko si Mae Ann sa bintana.Sa tapat kasi ng bintana ang upuan ko.Sumilip naman si Wilma taz nang makita ngang andyan na si Mae Ann ay dali-daling kinuha nito ang walks at nag-umpisa nang magwalis.Napailing-iling naman ako.Tss-.
Muli naman akong humarap sa bintana.
Ang tagal ni Dave....kagat-labing kausap ko sa sarili ko.
Pero ilang minuto pa ang lumipas ay nakita ko na si Dave..pero nagulat naman ako kasi...kasabay niya si Vanessa..at nagngingitian pa ang dalawa habang magkausap.Para tuloy nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko...kaya agad kong winaksi ang tingin ko sa kanila.
"Morning," bati ni Vanessa
"Morning," pabalik na bati nila Analyn at Ate Darlene na pansamantalang tumigil sa pag-uusap.
"Good morning!" bati din ni Dave at agad nakipag 'batian sa mga barkada niya at classmates naming sina Jeon,Marvin at Jerwin..
Wow! Miss mo pala ako ha? May miss bang dinadaan-daanan lang?Ni batiin di magawa? Bwisit ka Dave!! nagngingitngit na sabi ko sa sarili ko. Bwisit!Sayang ang effort na gumising ng maaga para sa lalaking yon!
At pagkatapos niyon ay lumabas muna ako ng classroom para maglabas ng sama ng loob.
***
BINABASA MO ANG
Batch '14 Dave&Emie Love Story
Novela JuvenilA journey of high school Love stories of Batch '14 of UNHS .. A simple yet beautiful stories you'll love .. The ultimate High School throwback of UNHS Batch 2014<3 WRITTEN BY : yours truly "wilanie_04"