Kasalukuyan kaming kumakaen sa canteen nila Joy,Wilma at Racquel nang mahagip ng mga mata ko sina Dave at Vanessa...as usual their so touchy with each other..Masasabi nang ang sweet nila sa isa't-isa.At lalong nadadagdagan ang inis na nararamdaman ko kanina.
"Look oh!Alam niyo guy's napapansin ko nagiging close na yan si Dave at Vanessa ha.Pala Emie nakita ko si Vanessa na nakaangkas sa motor ni Dave kahapon.Nasa barangay nga namin si Dave kahapon eh..naglalaro sila ng basketball eh I also saw Vanessa binigyan pa nga niya ng bottled water si Dave..." imporma sakin ni Racquel.
"Oh ngayon?Anong mali dun mga beh?Dapat ba magalit si Em?Wala namang 'K' na magalit tong si Em 'right? Wala siyang 'right' remember?" si Joy na tumingin pa sa kanya bago sumimsim ng juice nito.
"Sabagay...pero...I think,Dave is moving on to you 'fren.Kasi simula first year wala naman yang naging close o nakipag close siya sa ibang girl diba?Yung atensyon niya lang sayo...Yung panliligaw or I should say...paghahabol niya sayo Em.." si Wilma.
"Nakakapanibago lang...siguro mga beh naninibago lang tayo sanay kasi tayong itong 'friend' natin ang laging kasama niya," dagdag pa ni Racquel. Tahimik lang naman akong nakikinig sa kanila.
Ayokong mag salita...dahil baka pag bumuka yung bibig ko malaman pa nilang bitter ako .Na nagngingitngit kay Dave at Vanessa.
"So ano Em?Any violent reaction?" nakataas ang kilay na sabi ni Joy.
Nilunok ko muna ang hotdog sa bibig ko at uminom ng palamig bago siya sinagot.
"Wala akong pakialam mga bes.Maganda na yan para hindi na siya masaktan," walang emosyon kong sabi.
"Sus?Di nga...baka nga ngayon mo na narerealize na mali ka," si Wilma ulit.
At naiinis na ako kasi tama yung mga sinasabi nila.Na nagsisisi na ako kasi pinakawalan ko pa siya...at ang tanga ko kasi sinayang ko siya.
"Pwede ba--" di ko na natuloy ang sasabihin ko nang may nagsalita.
"Hello,Em.." nakangiting mukha ni Dave ang nabungaran ko pagtingala ko.
"Hi Dave!" magkapanabay na wika nila Joy,Wilma at Racquel.
Agad naman na tumaas ang kilay ko sa tatlo.
"Hi, pwede kami paupo?" nakangiting sabi ni Vanessa. Tumingin naman ako sa table ng canteen at punuan nga eh may available pa saming two seats.Pang anim na upuan kasi ang bawat table.
"Ah okay lang.Ano ba naman kayo sige go.." sabi ni Racquel.
And Dave being gentleman pinaghila pa nito ng upuan si Vanessa.
Urgghh!Mukhang makakapanakit ata ako ngayong araw na to! Lord help me! taimtim kong panalangin.
Tumingin sakin si Dave at ngumiti.Pero dineadma ko siya.
Whatever,gusto ko maramdaman niya di kami 'okay' ngayon.Sus pinaasa-asa niya ako sa "I miss you" na yon tapos malalaman ko kasama niya si Vanessa kahapon.
Urgghh!!I don't know but Im not feeling good with that! Naiinis ako...na nagagalit...nagseselos! Aahhh!I don't know anymore..."Uhmm..sandali lang ha kunin ko lang yung ibang order ko.." sabi ni Dave at nag-excuse samin.
Nag-umpisa naman ng chikahin ng mga bestfriend ko si Vanessa.Ako ay pasimple lang na tinuloy ang pagkain ko.Pagdating ni Dave ay may dala na siyang isang bowl na umuusok na sopas.Naamoy ko ang mabangong aroma niyon at bigla akong natakam.Haaayyyss-. For sure kay Vanessa yan.Kaya pinagpatuloy ko pa rin ang pagkain at nagpanggap na sarap na sarap sa sandwich.
Pero nagulat ako ng sa tapat ko inilapag ni Dave ang sopas.Napatingin tuloy ako sa kanya.Ngumiti naman siya sakin.
"Napapansin ko kasing namumutla ka kanina pang umaga.Kaya naisip ko baka nakalimutan mong nag-almusal..kasi ang aga mo ata kaninang pumasok...I'm just concern,Em...." matiim na wika ng binata.
At ang hinampo ko ata kanina ay bigla na lang nalusaw.So napansin pala niya ako kaninang
umaga?Oh dear Lord....A simple act on him parang big deal na yon sakin.Bat ganito?Kung kailan....
****
Don't forget to vote.
BINABASA MO ANG
Batch '14 Dave&Emie Love Story
Novela JuvenilA journey of high school Love stories of Batch '14 of UNHS .. A simple yet beautiful stories you'll love .. The ultimate High School throwback of UNHS Batch 2014<3 WRITTEN BY : yours truly "wilanie_04"