Batch '14 Chapt. 16 Mother's knows best

9 1 0
                                    


    "Ma,pasok na ako..." paalam ko kay Mama nasa kusina siya nagluluto.

     "Teka anak...magalmusal ka muna, Emelyn..." at hinabol ako ni Mama nung nasa pinto na ako. Bigla naman siya napatitig sakin.
     "Anak,may problema ka ba?" sabi niya at hinawakan ako sa baba at tiningnan ang aking mukha. "Anak,mugto na mugto ang mata mo.. Magsabi ka nga sakin, anong problema mo?" At hinila ako ni Mama pabalik sa sala.

     "Pero 'Ma...may pasok pa ho ako.." mabuway kong tanggi pero di pumayag si Mama.

     "Hindi ka pwedeng pumasok ng ganyan..Hala, mag-usap tayo.." at pinaupo na ako ni Mama sa sofa.

    Sandaling di umimik si Mama at narinig ko ang buntong-hininga niya bago muling nagsalita.

      "Anak, ano ba ang problema?" malumanay na tanong ni Mama. Di ko naman napigilan at nayakap ko siya...at muli naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko.

     Fucking shit!Bakit di maubos-ubos ang mga luhang to?Akala ko wala na akong maiiyak pa eh...pero meron pa pala...madami pa pala...


Naramdaman ko ang paghagod ni Mama sa likod ko. "Em,anak..." masuyo niyang wika

At tuluyan na naman akong napahagulgol.Kung kahapon at kagabi sinarili ko ang sakit...ngayon di ko na ata kayang kayanin to mag-isa...At si Mama alam ko maiintindihan niya ako...



     "Ma...ang tanga-tanga k-ko..." sabi ko habang lumuluha. "Pinakawalan ko yung taong wala nang ginawa kundi mahalin ako...Natakot lang naman ako 'Ma eh...Natakot akong mahalin siya..kasi maski ako...natatakot masaktan, ayoko lang na balang-araw....masaktan ako ng sobra kaya pinakawalan ko siya...pero 'Ma..di ko n-naman inaasahan na mas masakit palang makita na may mahal na siyang iba..at hinihiling ko na sana ako na lang ulit..Pero d-di na m-maaari..." Siguro yun talaga yong pinagsisisihan ko...yung sinayang ko yung pagmamahal ni Dave...


    "Anak...ang pagsisisi alam natin laging nasa huli yan,pero hindi ibig sabihin na hindi mo na pwedeng itama ang pagkakamali mo..."

   Napatingin ako kay Mama hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin. Pinunasan niya naman ang mga luha ko.

    "Alam kong pinagsisisihan mo na natakot ka magmahal...Anak, ang pagmamahal natural lang na masasaktan ka.Ang akin lang,Emelyn...Harapin mo ang nararamdaman mo.Kung magmomove on ka ang kailangan mo sigurong gawin...ay ilabas ang lahat nang damdaming di mo nasabi kay Dave...nang hindi na mabigat sa loob mo..at hindi mo na tatanungin sa sarili mo balang-araw na paano kung...sinabi mo sa kanyang mahal mo siya?"

      "Pero hindi nangangahulugan yon 'anak..na ikaw pa rin ang pipiliin niya.Gawin mo lang yun para sa sarili mo para kahit papaano naging matapang ka rin para harapin ang tunay mong damdamin..." Nakangiting sabi ni Mama at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ko. "Pero sa ngayon...Dito ka muna sa bahay,magpahinga ka...at wag na ulit iiyak.Anak,maganda ang lahi natin pero pag ganyan na ang mugto ng mata mo.....kailangan mo nang beauty rest. Mag beauty rest ka muna diyan at pupunta na ako sa trabaho.Love you 'nak.."


Niyakap ko si Mama ng mahigpit.
   "Love you too,Ma..."




***

Batch '14 Dave&Emie Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon